Game 5

38.7K 812 28
                                    


Game 5

"You intoxicate me"

Sheliah Santibañez

Nakarating kami ni Autumn sa basketball court, may mga dala kaming towels and Gatorades para sa mga Kuya ko.

Mabait akong kapatid eh.

Apat na Gatorade at towels ang dala-dala ko habang si Autumn na man ay i-isa lang. Kay Kuya Trip niya lang daw kasi 'yon i-aalay.

"Girl, do'n tayo sa front row." sumunod naman ako sa kan'ya. Nang kumportable na kaming nakaupo, my eyes caught a group of girls running towards Art. Yung isa nag-ssigaw na boyfriend niya daw si Art.

As if seseryosohin ka ng lalaking 'yan. Hangal.

I saw Art smirked at me kaya iniwas ko ang tingin ko at nagkunwaring may ginagawa. I swear, this guys is really testing me. Pa-fall!

Ang daming tao dito sa court, especially girls. Akala mo hindi lang basta-bastang trial ang magaganap. na talaga sa sobrang dami nila.

"Ano bish, ready na?" tumango ako at ibinababa ko ang aking mga dala at iinilabas ko ang camera.

I turned on the cam at itinapat ko iyon kay Autumn na full support sa Kuya ko. Ipapakita niya daw kasi 'tong video sa kan'ya para dagdag points. Ayoko na talagang ma-inlove. Nag-iibang tao kaibigan ko.

Madaming mag-ttrial pero ang grupo nila Kuya at Art lang talaga ang pinakatinitutukan ng lahat.

Both of their groups are smiling ears to ears habang nag-kkwentuhan.

Wala ba silang nararamdaman na kahit kakaunting pressure man lang? Dahil kabang-kaba sa mga kuya ko kung matatanggap ba silang lahat.

Nakita ni Art na nakatingin ako sa kanila at kumaway siya. Hindi ko alam pero kusang kumaway pabalik yung kamay ko na siyang ikinangiti niya.

Ibinababa ko ang kamay ko and I looked at it. Traydor ka.

"Okay! Trial will start now... Players, show me what you got."

Hindi magaling ang mga players na nauuna kaya pinatigil na agad sila. Akala mo parang mga naglalaro lang eh, hindi nila sineseryoso or hindi ba nila alam na seryoso 'to? Dadalhin ng kung sino mang matatanggap ang pangalan ng Barden University.

"Sasali-sali 'di naman marunong, tsk. Pakitang gilas." naiiritang sambit ni Autumn. Tama naman siya, may itsura yung mga lalaki pero wala talagang skills.

"Anong sinabi mo Miss?!" may biglang nagsalita mula sa harap namin.

Napatingin kami ni Autumn dito. "Bingi ka ba? Sabi ko sasali-sali sila 'di naman marunong at pakitang gilas lang." pag-ulit ni Autumn, ang hilig talaga sa away ng babae na 'to.

Hinawakan ko ang braso niya. "Bish tama na." pag-awat ko sa kanila at biglang tumayo yung babae at dinuro si Autumn. "Hoy!" pag-awat ko at ako naman binalingan nung babae. Ngayon ko lang napansin na mukha siyang clown dahil sa kapal ng makeup niya na sobra sa contour.

Does she even know how to blend it? Or nakalimutan niya dahil sa kakamadaling mapanood yung mga 'yon?

"Aba't wala kang karapatang iduro ako ha!" dinuro ng mas malakas ni Autumn yung babae at napatumba ito sa harapan. 

Revenge On My Player Ex (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon