Game 10

35.4K 706 32
                                    


Game 10

"We were in screaming colors"

Sheliah Santibañez

Nagising ako nang tumama sa aking pisngi ang sikat ng araw. Mahimbing ang pagkakatulog ko kagabi dahil bumili si Mama nang bagong kutsyon para sa akin.

It's been a decade since I had a new one. Naawa na siguro si Mama hahaha.

Pero nakakatuwa, ang gaan-gaan na nang pakiramdam ko samantalang kahapon lang ako linagnat.

Napagdesisyunan kong maligo na at magbihis ng pamasok na damit. Jeans and sweatshirt lang dahil medyo malamig ngayon. I am so happy with the weather, ang init kasi lately.

Bumaba ako at saktong naghahanda si Mama nang almusal naming pito.

Fried rice, omelettes, hotdogs and coffees ang nakahain. Lumapit ako sa lamesa and I greeted my mother.

"Good morning Mama." nag-angat ito nang tingin sa akin at binigyan niya ako nang isang tipid na ngiti.

"Good morning din anak, maupo ka na diyan at baba na din ang mga kuya mo." naupo ako sa aking pwesto.

"The f*ck dude? Akin na yung razor ko!" Naagaw nang aking pansin ang kababa kong mga Kuya.

"Ibigay mo muna yung 1000 na inutang mo sa akin!" sagot ni Kuya Axel kay Kuya Trip.

Napailing nalang ang tatlo kong kuya na kaka-upo lang. "Good morning Ma, Good morning sis." Pagbati ni Kuya Ryle.

"Good morning. Kumain na kayo. Trip at Axel magsitigil kayo diyan. Hindi na kayo mga bata pa. Puro kayo harutan."

Inagaw ni Mama ang razor sa kamay ni Kuya Axel at ibinigay iyon kay Kuya Trip. May inabot na 1000 si Mama kay Kuya Axel.

"Ayan na. 'Wag mo na singilin kapatid mo, stress 'yan sa project niya." natawa kaming dalawa ni Kuya Jonathan. Stress daw hahaha.

"Whatever. Bayaran mo si Mama after this." naupo na din ang dalawa.

In the middle of our dinning, biglang nagsalita si Kuya Ice. "Don't forget, may practice mamaya."

Nasamid si Kuya Jonathan kaya inabutan siya ni Kuya Trip ng tubig. "Oo nga pala. Sh*t I forgot."

"No cussing while eating." babala ni Mama kaya natahimik ito. "Mag-ingat kayo mamaya okay? Manood kayo ni Autumn Sheliah, para sabay kayong umuwing anim."

"Okay po." we continued eating. Siguradong makakasalubong ko na naman ang lalaking 'yon.

When we finished our foods, naunang umalis si Mama para magtrabaho sa office. A few minutes after she left, pumasok na din kami sa school.

I walked through the door of our classroom and as usual, napaka-ingay at may kaniya-kaniyang mundo ang mga tao doon.

Lagi naman e.

Nadatnan ko si Autumn na nag-ssoundtrip kaya naman umupo na ako sa tabi niya at bigla niyang tinanggal ang earphones sa kanyang tenga.

"OMG bish! Na-miss kita." She pouted kaya inirapan ko siya.

"Isang araw lang yun bish, 'wag kang OA." ngumuso na naman siya.

Revenge On My Player Ex (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon