Game 24

31.8K 692 89
                                    


Game 24

"Hey you call me up again, just to break me like a promise"

Sheliah Santibanez

Christmas Party na pala bukas, wala pa akong nabibili na damit.

Hays, buhay nerd nga naman.

"Sheliah nandito si Art!" Aagad akong napabangon at nagpunta ng CR at naligo, ano ba 'yan hindi p'wedeng lumabas ako ng walang ligo sa harap ni Art 'no!

Nang matapos na ako magbihis, bumaba ako at sinalubong si Art sa sala kasama ang mga Kuya ko. Malapit na din ang game nila at next month na 'yon.

"Oh, nandiyan na pala si Sheliah eh." banggit sa akin ni Kuya Ryle at tumayo si Art. 

"Let's go?" tanong ni Art at tumango ako. Bumaling siya sa mga Kuya ko "Sige mga bro alis na kami." 

"Ingat kayo." ngumiti si Kuya Ice, first time niyang ngumiti ng ganyan. 

"Oo Kuya."

Lumabas na kami ni Art at nagtungo sa kotse niya. "May damit ka na ba para sa party?" tanong ni Art.

Umiling ako "Wala pa eh, bibili kami mamaya ni Autumn after nating gawin yung project." tuluyan na kaming pumasok sa loob at isinara ko ang pinto.

"Eh kung ako na lang sasama sa'yo mamaya? Mahirap na Sheliah, dalawa lang kayong babae na lalabas baka mapahamak kayo." binuhay niya na ang makina ng sasakyan at pinaandar ito.

"Art, sa mall lang naman kami ni Autumn, hindi kami pupunta ng bar."

Oa eh.

Tumingin ako sa bintana at pinagmasdan ang tanawin mula dito sa syudad, namimiss ko na talaga sa Shioual, part of the city rin 'to at doon kami lumaki ng mga Kuya ko noon.

"Kahit na, ako ang sasama sa'yo mamaya and no buts." page-end niya ng usapan,baka magtampo si Autumn niyan at sabihing porket nagka-boyfriend lang ako ay hindi na kami makakapag-bonding, mas matimbang pa din ang bestfriend ko ano.

Inilabas ko ang cellphone ko at nag-soundtrip ng nightcore songs.

"Otaku ka ba?" biglaang tanong ni Art. 

"Medyo." bakit nagtatagalog ngayon si Art? Eh hindi ba kahapon and nung mga nakaraan parang kaka-tira lang nito sa Pilipinas kung maka-english. 

Nang makarating kami kela Autumn ay agad kaming pinapasok ng guard nila at nagtungo kami sa garden. "Hey guys, start na tayo at alam kong may lakad pa kayo." kinunutan ko siya ng noo.

"How did you know?" tanong ko sa kaniya and she just pointed Art using her lips. Tinignan ko si Art na ngayon ay seryoso ang mukha.

Umupo na kami sa table at nagsimulang gumawa.

Hinatiran na din kami ng pagkain ng mga kasambahay nila Autumn kaya kinain na namin iyon dahil tutal patapos na rin naman kaming gumawa.

"Ano guys, congrats sa atin at finally natapos na din! You may now go... Humayo kayo at magparami." hinampas ko si Autumn at ininda niya ito.

"Aruy, ang sakit ah!" Inirapan ko siya at nagpaalam na kami ni Art sa kaniya.

"Ba-bye honeylets! Enjoy your date."

At dahil malapit lang ang mall sa bahay nila Autumn ay wala pang 10 minutes ay nakarating na kami doon.

"Kain or bili na agad?"

Revenge On My Player Ex (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon