"Babe." yung boses na 'yon. Napalingon naman ako sa kung sinong nagsalita. Tss, sana pala hindi nalang ako lumingon (-__-) Sino ang nambwebwesit? Walang iba kung hindi si Sehun! Akala niya di ko pa nakakalimutan ang ginawa niya kanina? UGH! >__<

"Bakit ka nandito?" nakataas-kilay kong tanong sakanya.

"Ikaw ang bakit nandito." sabi pa niya ng nakangisi. Tss, nababaliw na ba siya?

"Bakit ka ba nandito ha?! Nang iinis ka ba? *brrt* Tss." Ugh! Panira naman yung tiyan ko eh! Di pa pala ako nakain. Ugh >__< Napatalikod nalang ako sa kahihiyan. Bwesit naman talaga oh!

"Hays, ikaw talaga!" sabi pa niya na natatawa tsaka umalis. Hay, buti naman umalis! Sawakas payapa na uli ako... kaso gutom ako. Pero gusto ko muna mapag-isa, para makapag-isipisip. Bakit ba kasi ako naging ganito? Bakit ba kailangan maging ganito? Oo, bitch ako na walang ibang ginawa kundi sumira ng buhay ng iba... pero hindi ko naman hiniling na mabuhay sa ganito at masira buhay ko. Karma na ba 'to?

Naglakad lakad pa ko sa buong lugar, para siyang park sa isang rooftop... hay ewan! Naglalakad lakad lang ako habang nakatingin sa malayo nang mahagip ng mga mata ko ang isang babae, papasok siya ng Academy. Habang papasok siya, maraming naka-escort sakanya at lahat ng madadaanan niya gumigilid at nagbobow sakanya. Eh? Sino ba siya? Kung titignan ko siya, di mapagkakailang mas maganda. Malamang sa malamang ako ang bida eh? Okay kumokorny ako. Pero sino ba siya at ganun ganun nalang ang mga tao sakanya? Yeah right! Lagi na lang akong huli sa balita. Tss!

"Hey!" napalingon naman ako sa tumawag sa'kin. Tss, siya na naman?!

"Ano nanaman?" nakataas-kilay kong tanong sakanya at binigyan siya ng nakakamatay na tingin. "Easy! Eto naman, dinalhan na kita ng pagkain oh... alam ko namang gutom na gutom kana eh." sabi niya at ipinakita ang mga pagkaing dala niya. Grrr, gustong gusto ko na kumain TT^TT At yung boses niya pa, napakaamo... nakakaakit.

"Iwan mo nalang yan d'yan." sabi ko sakanya at iniwas agad ang tingin kahit na sobrang na-aattract nako sa pagkaing dala niya. I'm so hungryyy! (╯°□°)╯

"Grabe ka naman, hindi ka man lang ba magpapasalamat?" tanong niya at umarteng nasasaktan. Tss, di niya ba ako kilala? Duh?! Pasalamat? Patawa ba siya?

"Pwede ba?! Iwan mo nalang sabi, kung ayaw mong iwan edi dalhin mo." sabi ko sakanya at tinalikuran siya uli. Pero syempre di totoo yun! Duh, gutom na gutom na ako pero dahil mapride akong tao... bye food TT^TT

"Ito naman oh! Sige hindi na kita pagpapasalamatin, pero ano bang problema mo ha?" tanong niya at lumapit sakin. Gahd! Di ba siya nadadala? Bakit ang kulit ng neneng nito?!

Hindi ko nalang siya pinansin pa at lumipat sa kabilang gilid. Sana naman magets niya ang ibig kong sabihin at lubay-lubayan niya ako. Wala ako sa mood para makipagtalo, problemado ako... baka kung ano magawa ko sakanya.

*buntong-hininga*

"Uy! Eto naman oh! Siguro dahil yun sa nangyari kanina kaya ka nagsusungit no?" sabi niya pa habang nakangisi.

*boogsh*

Buti nga, napahilata siya sa sahig eh. Tss, ipaalala nanaman yung anoo! (-___-) Aish.

"Siguro hindi ka makapag-isip ng maayos dahil dun--"

*boosgh*

Hindi pa ba siya nadala sa isang suntok ko?! Jongina naman oh.

"Ba--"

"Ano may sasabihin ka pa?" sabi ko sakanya at aaktong susuntukin siya uli pero joke lang talaga yun. Nakakaawa naman siya eh, nagmukha na siyang panda. Dalawa ba namang suntok sa mata ang ginawa ko sakanya? Tsk tsk.

Wolf AcademyWhere stories live. Discover now