Napatango ako at isinakbit na ang aking bag.

Muli akong humarap kay Kairon. Ngayon ay nalulunod ako sa mga kuryosong mata niya. Tila sinusubukang basahin ang aking isipan.

"I'm sorry." sabi ko at umalis na.

Ang sakit sakit sa akin na hindi manlang ako nakapag-explain sa kanya. Pero mas importante si Kuya sa ngayon. Importanteng makita kong ligtas siya. Iyon muna ang kailangan kong alalahanin sa mga oras na ito.

"Nasaan si Daddy?" tanong ko sa isang guard.

"Nasa office po ng head mistress." sagot nito.

Tumango-tango ako at nagpunta na sa opisina ni Mrs. Montecillo.

"Then tell me why my son was not saved!" Dinig ko ang boses ni Daddy nang buksan ko ang pintuan.

Agad namang lumipat ang tingin ni Mrs. Montecillo, ang head mistress, sa akin.

"Excuse for a second, Mr. Santiago." aniya at bumaling ulit sa akin. "Do you have a concern, Ms. Manuel? May kausap pa ako. Bumalik ka na lang mamaya."

Aatras na sana ako, pero nagsalita si Daddy dahilan ng pagkakahinto ko.

"Why are you calling my daughter using a different name?" tanong ni Daddy.

Halos madurog na ako sa kaba. Ngayon pa ako napunta sa ganitong sitwasyon kung kailan wala si Kuya!

"Daughter? What are you talking about Mr. Santiago?" Nanlaki ang mga mata ng head mistress. Gulat na gulat sa narinig kay Daddy. "There might be some mistakes here. Beau brought her here under your scholarship because her mother is a loyal maid of your family!"

Halos malaglag ang panga ni Daddy.

"Paige, totoo ba?" nakakatakot na tanong ni Daddy. Ni hindi ako makasagot.

"D-dad, Mrs. Montecillo... I'm sorry. K-kuya and I decided to... to pretend as a scholar to enter here. Bilang isang Aeris, walang sino man ang magbabalak sa akin. Patawarin n'yo po kami ni Kuya." nauutal kong sabi habang nakayuko. Takot na makita ang ekspresyon ng dalawang nakakatanda.

"This is preposterous!" daing ng head mistress.

"Are you two out of your minds?!" ang galit ni Daddy ay bumalot sa buong kwarto. Nanatili lang akong nakayuko.

Pinayagan na akong umalis ni Mrs. Montecillo kasama si Daddy. Alam ko naman na hindi pa tapos ang diskusyon. Malamang ay kakausapin pa ako nito pagbalik.

Sa kotse ay tahimik lang si Daddy. Panigurado'y galit siya sa ginawa namin ni Kuya. Walang kaalam-alam ang Daddy sa mga pinaggagagawa namin.

"Daddy, sorry na po. Iyon lang kasi ang naisip ni Kuya para mas maging ligtas ako..."

"And look what it did to you both! Isa lang ang nailigtas sa inyo! You shouldn't take that kind of risk, Beatriz Paige!" saad ni Daddy.

"Sorry na Dad. 'Wag ka na magalit sa akin at kay Kuya." Lambing ko.

"Siguraduhin n'yo lang na hindi na ito mauulit." ani Daddy na ngayon ay kumakalma na. "Be a Flamma. That's the safest casa to be into. You're the school's priority at all time."

Tumango na lamang ako. Hindi man sangayon ay ayaw ko nang makipagtalo pa kay Daddy.

Hindi ko kasi makuha kung bakit ang mga Flamma lang ang laging priority. It should be all the casas! We're all students! We have the same rights!

Nanginginig ako habang dahan-dahang lumalapit kay Kuya Beau. He's in a private room. Maraming kung anu-ano ang nakakabit sa kanya. Half of his face are a little bit red. Parang muntik nang masunog.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon