CHAPTER 7

9.4K 196 12
                                    




Nandito kami ngayon nang kambal sa sala, pinapanood namin ang paborito nilang cartoons na si doraemon, kahit ako paborito ko rin siya, sobrang cute niya kasi lalo na sa tuwing kumakain siya ng paborito niyang hopia.

Tiningnan ko ang mga anak ko na masayang nanonood. Hayaan niyo kapag nalaman ko ang totoo na siya talaga ang ama niyo ipapakilala ko kayo sakanya, Sa ngayon tayong tatlo lang muna. Masaya naman tayo kahit na tayo lang. Hinaplos ko ang buhok nang anak kong babae ng may kumatok sa pinto. Tumingin ang mga anak ko sakin na nagtataka. Nagkibit balikat nalang ako sakanila. Ang totoo talaga niyan kinakabahan ako, Dahil ilang tao na ang nakakasalubong ko na kakaiba kaya hindi rin ako mapanatag.

"Dito lang kayo, okay?" saad ko sakanila, sabay naman silang tumango. Tumayo ako para pumunta sa pinto. Hinanda ko ang sarili ko ng makalapit ako sa pinto. Unti unti ko itong binuksan. Nang makita kong mukang walang intensiyon ang taong nasa tapat nang pinto nilakihan ko ang bukas sa pinto.

"May kailangan ka Mr.?" mataray kong tanong, Hindi ko makita ang itsura niya naka all black siya sama mo narin na nakasuot siya nang cap at glasses. Parang artista kung umasta ang lalaking to. Akala mo naman kina gwapo niya yang porma niya.

"Yes, I need you in my life," nagulat ako nang tanggalin niya ang glasses niya. Nakatingin siya ng deritso sakin samantalang ako napatakip ako sa bibig dahil mabaho hininga ko, Charot! Nagulat kasi ako siya ang lalaking tumatawag saking asawa ko. A-anong ginagawa niya dito? Sa pagkakaalam ko wala naman akong sinabi na pwede siya pumunta sa bahay namin nang mga anak ko.

"Bat ka nandito?" tanong ko, lumabas ako, isinara ko ang pinto, Baka makita pa siya nang mga bata mahirap na. Napakunot naman ang noo niya. Gwapo.

"You and our child will stay with me,"

Pahingi nga ako ng corona't kukurunahan ko siya. Naka drugs ba siya? Hindi pa ako naniniwala sakanya tapos gusto niya mag stay kami sakanya? Adik ba siya? Hindi ako basta bastang pumapayag. Mabuti sana kung naalala ko siya edi okay.

"Nahihibang kana ba?" natatawa kong saad, ngumiti naman ito sakin, Hindi. Hindi ako madadala sa mga ngiti niyang yan kahit na nakakamatay.

"Matagal na akong nahihibang sayo, wife. Now pack your things you will be moving into my house,"

Binuksan niya ang pintuan ko samantalang ako nakatulala. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, Pwedeng pakiulit. Baka nagkakamali lang ako nang rinig ko. Nabalik ako sa reyalidad nang maalala ko ang mga anak ko. Ano bang nakain ng lalaking yon? Nakakainis. Ang kapal rin ng muka pumasok sa may bahay.

"Wife, what are you doing? Want me to carry you?" ani niya mula sa loob, napatakbo naman ako papasok sa loob. Nakita ko siyang kausap ang mga anak ko. Himala rin dahil nakipag usap sakanya si zain. Anong kalolohan to?

"Mommy is it true? He's our dad?" nakangiting saad nang anak kong babae, pinagpalit palit ko ang tingin ko sakanilang tatlo. Alam kong masaya ang kambal, Nakikita ko ang kislap sa mga mata nila. Hindi ko alam anong pumasok sa utak ko't tumango ako sa anak ko.

Masyadong mabilis pangyayari hindi ko na alam kung ano ang tama at mali sa ginagawa ko.

"Yeheyyy! Kuya we have our dad na, daddy carry me pleaseee," nakangusong saad ni Zoey, halos mapanganga ako sa nakikita ko. Anak ng pano nangyari to?

"Me too, Dad," saad rin ni Zain, habang si baliw tawa ng tawa na tila nasisiyahan sa kambal. Ako lang ata ang hindi nasisiyahan sa nakikita ko. Sumulyap akong muli kay baliw. Nakangisi ito sakin. T-teka nga pano niya nagawa to?

The Mafia Boss Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon