CHAPTER 4

11.1K 235 17
                                    




Iminulat ko ang mata ko, tumambad sakin ang kulay puting kesame. Marahan akong umupo habang hawak ang tagiliran ko. Napaigik pa ako dahil sa sakit. Inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto. Puro puti, nasa hospital ba ako?

Napunta sa pintuan ang paningin ko nang bumukas ito. Pumasok doon ang apat na lalaking nagtatalo.

"Kung hindi ka ba naman kasi tanga, alam mo naman na natutulog si Mrs. Vaughn iniwan mo,"

"Kung 'di ka ba naman kasi gago alam mo namang wala si boss kumain kain sa labas,"

"Pareho lang kayo mga gago kaya manahimik kayo pag si Mrs. Vaughn nagising pag uuntugin ko sayo,"

"Ingay niyo, Gising na siya mga gago,"

Sabay sabay silang lumingon sakin. Nanlalaki ang kanilang mata na nakatingin sakin. Napakunot naman ang noo ko sa inasta nila. May dumi ba ako sa muka? Bakit sila nakatingin sakin? At Mrs. Vaughn? Sino sila?

"S-sino kayo?" nakangiwi kong saad ng maramdaman kong sumakit ang tagiliran ko. Agad naman lumapit ang dalawang lalaki sakin habang yung dalawa lumabas, Mukang tatawag ng doctor. Hinawakan ako sa balikat ng lalaking mukang american.

"Okay kalang ba? Baka mapatay kami pag 'di ka maayos," natataranta niyang saad. Ganon din ang ginawa ng isa kaya medyo nailang naman ako. Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa doon ang isang lalaking matangkad, Broad chest, makapal ang kilay. Kulay abong mga mata, maliit na labi. Fvck muka siyang greek god.

Nabalik naman ako sa sarili ng umalis silang dalawa sa tabi ko habang ang lalaking nasa harapan ko ay nagsasalubong ang kilay. Nakatitig lang ako sa kanya, Ang puso ko naman ay nagkakarerahan sa sobrang bilis. Kumalma ka self, tao lang di. yang kaharap mo pagkakaiba nga lang mukang nasalo niya lahat ng biyayang binigay ng panginoon. Halos mapugto ang hininga ko nang magsimula siyang lumaoit sakin. Sa bawat paglakad niya ay makikitaan mo ng authoritative.

Nang makalapit siya sakin ay hinawakan niya ang braso ko kaya nagulat ako. What's wrong with these people?

"Did I tell you to hold her?" malamig niyang saad. Kahit ako hindi makagalaw ng mag salita siya. Jusq bakit ang sexy ng boses niya? Damn! Patawarin niyo po ako kung sino man ang asawa ko sa ginagawa ko ngayon. Bakit kasi ganito kaganda itong lalaking to? Nagmumuka tuloy akong fangirl niya.

"Paumanhin boss, tinitingnan lang namin lagay niya," magalang na saad ng isa. Naguguluhan ako bakit ganito makaasta ang lalaking ito? Daig niya pa ang asawa ko maging possessive. Ay nakalimutan ko wala nga pala akong asawa.

"There's a doctor asshole," matigas niyang ani. Napayuko nalang ang dalawa sa kanyang tinuran. Hindi ko tuloy alam ano ang gagawin ko. Kasi naman itong lalaki sumusulpot bigla tapos gaganyan ganyan. Makaasta akala mo asawa ko.

"Go out," Ani niya. Wala pang ilang sigundo ay nag papaunahan na silang lumabas. Gusto ko sanang matawa sa inasta nila. Para silang bata na pinapagalitan ng ama. Ngunit hindi ko magawang makatawa gayong may taong nasa gilid ko na alam kong nakatitig ngayon sakin. Feeling ko nabara ang lalamunan ko. Ang tahimik ng paligid. Kung pwede lang akong kainin ng lupa ay ipapagawa ko na.

"Wife," nag-angat ako ng tingin nang bangitin niya ang, "wife," nakakunot noo akong nakatingin sakanya. Anong sinasabi niyang asawa? Ngunit sa pakikipagtitigan ko sakanya na sana hindi ko nalang ginawa. Nahihimigan ko ang lungkot sa kanyang mga mata, Halo halong emosyon ang nakikita ko hindi ko alam kung ano ang nangingibabaw.

"W-wife?"

"Fvck wife, I miss you,"

Nagulat ako ng yakapin niya ako. Hindi agad ako naka response sa ginawa niya. Nang mapansin niyang hindi ako gumagalaw ay kumalas siya sa pagkakayakap. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Nakangiti siyang nakatingin sakin. Sa totoo lang kahit gwapo siya muka siyang baliw sa paningin ko ngayon.

The Mafia Boss Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon