FINAL CHAPTER [The Imperfect Gangster]

Magsimula sa umpisa
                                    

Naglalaro kami nun sa swing nang biglang lumapit sa amin ang walong batang lalake. yung isa nakatayo sa unahan.

Hinila ako ni Franny papunta sa kanila..

Franny: ito nga pala si...

Uno: ayoko siyang makilala! Kami ang kaibigan mo Cisco! Sa amin ka makipaglaro.

Franny: pero Uno..

Bigla akong tinulak nung batang lalake at hinila na nila si Franny palayo.

Iyak ako ng iyak. Wala nanaman akong kaibigan.

Nung nagpasukan na ulit, bihira na kaming magkita ni Franny. Lagi niyang  kasama yung mga kaibigan niyang lalake.

Minsan tumatakas si Franny at naglalaro kaming dalawa pero dahil dun binubully ako nung kaibigan niya.

Minsan naisip ko sana mawala na lang ako para hindi na ako nalulungkot ng ganito haaay..

Nakita ko si lolo na naglalakad sa may playground kaya agad akong tumakbo sa kanya.

Miksha: hi lolo!!!

Lolo: oh iha. Asan na si Francisco?

Miksha: andun po oh.

Tinuro ko sila nung mga kaibigan niya.

Lolo: aah. Magkaibigan pala sila ni Uno.

Miksha: kilala niyo po siya lolo? Yung batang bully?

Lolo: bully? Haha..oo iha. Oo pala simula ngayon lagi mo nang kakalaruin si Francisco ha.

Miksha: bakit po lolo?

Lolo: siya kasi ang magiging asawa mo balang araw. Haha..

Miksha: ano po ang asawa??

Lolo: basta apo hehe. Napagkasunduan na namin yun. o sya may gagawin pa ako.

Miksha: babye po.

Humalik na ako sa pisngi niya at naglakad na pabalik sa swing.

Ano kaya ang asawa???

Baka naman bestfriend?

Haha..tama!

Balang araw magiging bestfriend ko si Franny. ^__________^

Miksha: ay balat ng sibuyas!!!

Bigla kasing may nagtakip sa mga mata ko.

Miksha: Franny!!! Alam ko ikaw yan!!!

Tinanggal niya ang mga kamay niya.

Teka hindi ito si Franny. Siya yung, yung..yung bully eeh!! waaahhh..anong gagawin niya??

TT_________TT

Uno: wag ka ngang OA jan! andito ako para..

Tumingin siya sa malayo at kinamot ang pisngi niya.

Miksha: para ano?

Uno; magsorry.

Miksha: wala yun. ayus lang sanay na ako.

Uno: okay!!! Alis na ako!!!

Bigla na siyang tumakbo palayo pero bigla ulit siyang bumalik? -____-

Uno: oh sayo na to.

Miksha: ano to??

Inabot niya sa akin ang isang box na glass. May gold na pider sa loob. Hindi naman tunay pero yung pagpinisil mo eeeh tumutunog. Ganun siya. Mejo malaki din siya. Mga isang kalahating foot rule din.

Mr. Perfect Gangster! (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon