3 [Amputik ko!]

20.5K 280 9
                                    

Published May 23, 2012

============================

MPG-III

[Amputik ko!]

===========================





Waaahh..late na ako!!! kailangan ko nang bilisan. Inayos ko pa kasi ang sarili ko bago ako pumunta sa classroom namin.

Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang inopen yung door. Pagsilip ko nakatalikod si sir at nagsusulat sa blackboard kaya naman dahan dahan na akong pumasok.

Dahan-dahan kong isinara yung pintuan.

Ahihi..buti na lang talaga nagsusulat si sir sa blackboard.

Pag-ikot ko. may nakaharang sa akin. Pagtingala ko nagsmile na lang ako at umayos ng tayo.

"you're late Ms. Sy!"

"aah hehe..sorry sir."

Napakamot ako ng ulo.

Strikto pa naman itong si sir sa attendance. Ajuju...T.T kaya eto napatayo ako sa corner.

Dito lang ako buong klase. Nakatayo akong magsusulat, nakatayo akong makikinig sa kanya. pagod na ako..ajuju...T_____T

Upuan! Kailangan ko ng upuan!!

"okay class bring out a sheet of paper. I want you to write an essay on our topic today."

Kahit nakatayo ako kailangan kong magsulat. Ajuju...

Hinalungkat ko yung bag ko. halla patay! Wala akong papel! Pulubi nga talaga ako!!! lalapit sana ako kay Hena kaso..

"Ms. Sy stay there!!"

"sir, I was just.."

He glared at me. Ajuju..wala akong papel...

Huminga na lang ako ng malalim at tinitigan yung topic namin...

Psst...

Halla! ano yun?? narinig niyo ba yun??

Psssttt....

Napatingin ako kay Hena pero nakayuko lang siya. Minumulto ba ako?? halla...

Ppsssttt...

Natatakot na ako!! ajuju...

May gumulong na ballpen sa may paa ko. bigla namang tumayo yung lalakeng nakaupo sa may likuran at dinampot yun. pag-alis niya. Tada!!

May papel!! May papel sa sahig!!!

Agad ko yun pinulot at tinignan yung lalake. kaso busy na siya. Tinandaan ko na lang yung buhok niya at yung bag niya. Makapagthank you nga mamaya.

Hindi naman kasi ako belong sa school na ito kaya naman hindi ko kinikilala ang mga kaklase ko. hindi rin naman kasi sila interesadong maging kaibigan ko..

Anyways, kailangan ko nang gumawa ng essay! Yup! Kaya ko ito!!





3 minutes....









5 minutes...









10 minutes...













Blangko parin ang papel ko..ajuju...hindi ko naintindihan yung topic namin..~____~"





"okay pass your papers."

Mr. Perfect Gangster! (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon