38 [Rambulan]

14.8K 164 5
                                    

=================

MPG XXXviii

[Rambulan]

=================

Si Eri:

Anong ginagawa ni Saito?? Bakit kasama niya yung babaeng nangidnap sa amin??

Hinila ako nung lalakeng may hawak sa akin. Tinulak niya ako sa harap nila Saito.

Napaluhod ako sa lakas ng tulak niya.

Lumapit sa akin si Saito at pinat ang ulo ko.

"good Eri. Really really good Eri. Maaasahan ang asong to."

Bakit?

Bakit biglang naging ganito siya?

Gusto ko mang magalit sa kanya. hindi ko magawa, naguguluhan ako sa kanya.

Sino ba talaga siya. Napakagulo niya!!!

Dati naman ang bait niya. Bakit ngayon???

Naramdaman kong may humila sa braso ko at pinatayo ako.

Si Uno pala.

"wag na wag mong hahawakan si Eri."

"hahahaha...Uno naman. Alam mo naman na niloko ka lang niyan tapos pinagtatanggol mo?? Hahaha..antanga mo nam..."

Bumagsak si Saito. Sinuntok siya ni Uno.

Agad naman na may lumapit sa amin kaya napaatras si Uno.

Napakadaming tao sa grounds. Lahat sila mga kaaway. Kaya ba nila Uno to??

Iilan lang kami sa school ngayon. May mga field trip yung ibang year levels.

Kahit na ipagsama sama pa kami kulang dahil halos lahat babae ang andito.

Ano bang gagawin ko??

Kasalanan ko to.

==============

Si Uno:

"wala akong pakialam kung niloko niya ako o ano pa. ang importante malayo na siya sa hayop na tulad mo."

Hinawakan niya ang panga niya at tumayo siya.

"kita mo na Eri kung gaano kasama ang taong to?? Tsk.."

"Honey ayos ka lang ba?"

"Honey?"

Napatingin ako bigla kay Eri,.

"Oo Eri, siya ang lalakeng umagaw kay Saisha sa akin dati. Kunwaring magkapatid! Kaya sa sobrang init ng ulo ko eeh binugbog ko siya ng husto pero inihulog niya ang sarili niya sa Yate para ipakita sa lahat na tinangka ko siyang patayin. Dahil dun, kaya nagkaganyan si mommy sa akin. Nawalan na siya ng tiwala! Lagi na akong naikukumpara!! Dahil sa kalokohan ng gagong to!!!!!"

Peste! Susugurin ko na talaga tong lalakeng to. Kaso paginatake ko siya baka magsisugod yung mga kasama nila. Baka madamay si Eri.

Takte.

Nakita ko nang tumutulo ang mga luha ni Eri. Tsk. Ayaw na ayaw kong makakita ng babaeng umiiyak.

"patawarin moko Uno."

"kalimutan mo na muna yan Eri."

"tsk. Tama na nga yang kadramahan niyo jan!" Saisha.

===============

Si Eri:

Ayaw nang tumigil ng mga luha ko.

Nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Uno.

Mr. Perfect Gangster! (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon