5 [Youtube]

19.1K 245 25
                                    

May 24, 2012

============================

MPG V

[Youtube]

=============================





"Eri!! Alam mo ba kahapon nagkita kami ng old friend kong si.."

Napansin ni Hena na tulala lang si Eri.

"huy! Eri!! Anyare? Nakikinig ka ba?"

"Eri!!"

"ay Hena..ano yun??"

"hmph..bakit ba kanina kapa tulala diyan??"

Magrereact sana si Eri kaso napatingin siya sa may pintuan. Nagtilian kasi ang mga kaklase niyang babae. pumasok sa loob si kuya paper/John.

Umupo na siya sa usual na seat niya at nagheadset.

"Hena sino ba yun??"

Tinuro ni Eri ng patago si John.

Binatukan siya ni Hena.

"bruha! Hindi mo kilala si papa John???"

"kaya nga tinatanong diba?? Kung makabatok naman to!!"

"hhhhaaaayyy..Eri! hindi ko alam saang planeta ka galing! Tsk..siya si papa John Allano Arresta! Ang kanang unang galamay ng mga gagamba!"

"galamay??? Gagamba??"

"oo! Member siya ng golden spider! Diba ang paa ng gagamaba nakaayos from 1 to 4. Siya ang 1 sa right side. Ibig sabihin siya ang sunod kay Uno. Pagwala si Uno, siya ang tumatayong ulo. Ganun yun!"

"aaaaaaaaaahhhhhhh..."

Manghang mangha si Eri sa nalaman niya. Pero teka! Ang weird! Weirdong author!!!

====================================





Si Uno:

Nakasandal lang ako sa sasakyan ko. pinapanood ko lang ang mga "galamay" ko daw na bugbugin tong mga suicidal na naghamon ng gulo sa amin.

Hindi na sila natuto. Tsk..

Lumapit sa akin si John. Napulbos niya na yung mga kaaway niya.

" Oo nga pala John. Why did you stop me yesterday?? Kilala kita. Hindi mo naman ako pinakekealaman dati."

"I just don't like rape scenes"

"tsk..gago! kelan ba ako nangrape ng babae? lahat sila ginusto yun. wala kong pinwersa."

"ano bang plano mo kahapon?"

"gusto ko lang takutin yun para lumayas na."

"tsk. Demonyo ka talaga!"

"pareho lang tayo."

Nagngitian lang kaming dalawa. May biglang lumapit sa amin at susuntukin ako pero agad siyang tinumba ni John.

Ang boring! Walang magawa!! Asan na kaya yung babaeng yun?? kailangan ko ng paglalaruan..

===================================









Si Eri:

Hhhaaayy..ansarap naman ng hangin. Nakaupo kami ni Henna ngayon samay stairs sa harap ng building. Biglaan kasing nagkameeting ang teachers kaya naman ito lahat walang ginagawa.

Mr. Perfect Gangster! (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon