26 [Buhay na manok]

16.4K 215 14
                                    

==========================

MPG XXVi

[Buhay na manok]

==========================

Si Uno:

Pakshet naman! Agad akong umalis ng airport at pumunta sa lumang eskwelahan. Ang engot naman ng mga kumidnap kay Eri. Hapon na hapon eeh. tsk.

Sila John kaya? Asan naba yung mga yun. hindi ba nila kinaya? Tsk..

Pumasok na ako. Medyo madilim pero may butas na yung bubong nila kaya naman may mga sinag ng araw na pumapasok.

Nakita ko si Eri na nakatali sa isang upuan. Wala siyang malay.

Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.

"Eri!!!! Eri!!"

"hindi pa yan gigising Uno! Kami muna ang pansinin mo."

Napatingin ako dun sa uhmm..parang bakla yung nagsalita tsk. Bakit ganito boses nun??

Pagtingin ko sa likuran ko may anim na lalakeng naka black leather jacket at naka mask ang kaharap ko. hawak nila sila John at Cisco na nakaposas. Tsk..ang weak naman nila. Nagpatali sila eeh anim lang tsk.

Tinulak nila sila John at napabagsak lang sila sa isang gilid.

Tumakbo na yung anim at pinalibutan ako. may hawak pang bakal yung iba. Tsk.

Inatake na nila ako. as usual mga walang binatbat. Pero takte lang tsk.

Tinamaan ako nung isa ng kahoy sa ulo. Takte talaga.

Siinipa naman ako nung isa kaya napatumba tuloy ako. pakshet. Agad akong tumayo at bumawi sa kanila. Akala nila ha. tsk..

Pinupulbos ko na silang anim.

Tumba na yung lima. Yung isa naman inipit ko ang leeg sa braso ko. tsk. Patayin kona kaya?

"Uno tama na!!!"

Napatingin ako kay Eri. Gising na pala siya.

Binitiwan ko na yung lalake at tinulak palayo. Nilapitan ko si Eri at tinanggal ang tali niya.

"Eri ayos ka lang ba??"

Nung nakalagan ko siya tinulak niya ako. problema nito? Niligtas na nga eeh!!!

"huy problema mo."

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya paharap sa akin. Teka bakit ba umiiyak to??

"bakit ba? Eri!"

Hinila niya ang kamay niya at tinaakpan niya ang mukha niya. Umiiyak parin siya.

"kita mo na ang nangyare Uno?? Sabi mo hindi mo hahayaang may manakit sa akin! Sabi mo poprotektahan mo ako!! bakit mo ako iniiwan Uno!? Bakit!?!?"

"Eri, ginawa ko lang to para sa inyo ng kaibigan mo."

"Hindi mo naman kailangang iwanan ako eeh! bakit aalis kapa ng bansa?? Hindi ka man lang nagpaalam! Nalaman ko pa kay Hena!"

"Eri..kasi.."

"kasi ano? Duwag ka? takot kang harapin lahat ng masasakit na bagay?? Ganun ba yun!?"

Tinanggal niya na ang mga kamay niya sa mukha niya.

"natatakot ako Uno..takot ako.."

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Iyak parin siya ng iyak.

"shh...i'm sorry. Sorry..hindi na ako aalis. Pangako. Dito lang ako. tama na Eri..i'm sorry."

Hinalikan ko ang noo niya.

Mr. Perfect Gangster! (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon