" Zero " Tawag ko, Sinalubong naman niya ko ng matalim na titig. Pwedeng umatras! No Brie kaya mo yan.

" Ano---Bakit mo ba ginawa yun? " Nagsalubong ang kilay niya sa tanong ko. Pigil hininga naman ako habang hinihintay ang mga matatalim na salitang  sasabihin niya. Pero naagaw ng pansin namin ang estudyanteng kumatok sa pintuan.

" Ah---Pinapatawag ni Mrs. Cruz si Zero---Sumama ka din daw Brie sige " Sabi niya at nagtatakbong umalis. Napatingin ako kay Zero na tumayo at naglakad palabas ng room. Sinundan ko naman siya.

Walang katok katok na pumasok si Zero sa Guidance Office. Wala nadin akong nagawa kundi ang sumunod. Agad kong binati si Mrs. Cruz pero itong isa derederetsong umupo lang.

" Mr. Perens nakarating na sakin ang ginawa mo " Panimula ni Mrs. Cruz.

" Then " Walang pakundangang sabi ni Zero. Halos mangunot ang noo ni Mrs. Cruz sa sinabi ni Zero.

" Mr. Perens! " Saway ni Mrs. Cruz na parang pinipigilan lang ang sarili.

" Why would you just go direct to the point " Sabi ni Zero. This time sumabog na talaga si Mrs. Cruz.

" You assault a student and he almost die! Alam mo bang nasa hospital na siya ngayon at galit na galit ang mga magulang nito! At ito ikaw kung makapagsalita ka parang wala lang yung ginawa mo! " Gusto ko sanang itanong kung anong use ko dito para ba pigilan silang dalawa kung sakaling magpatayan sila. Wow! Brie nagawa mo pang magsalita ng ganyan ha.

" What now? What do you want from me? Say sorry and beg for their forgiveness. It will not gonna happen " Sabi ni Zero bago nagtuloy tuloy lumabas ng Guidance office.

" Mr. Perens! Comeback here!! " Napahilot nalang sa sintido si Mrs. Cruz ng wala na siyang nagawa ng makalabas na si Zero.

" Ah...Mrs. Cruz " Pagtawag ko sa atensyon nito para kasing nakalimutan niya na nandito ako.

" Andito ka pala Ms. Collins " Ah so hindi niya pala ako napansin kanina. Ay kaya pala parang invisible lang ako habang nag-uusap sila ni Zero.

" Hehe Actually nakasunod po ako kay Zero " Tila nagulat pa siya pero tumango din siya.

" I don't know if there's really a chance na tumino ang Block Zero. I heard it from Mr. Feralco about the task that he assign to you. Witnessing what happen a while ago. I'm sure you are aware of what they can do " Tumango ako kay Mrs. Cruz gusto ko sanang sabihin na hindi ko lang nakita kung anong kaya nilang gawin. Naranasan ko rin ito.

" Hindi ko maiwasang hindi mag-alala para sa kalagayan mo Ms. Collins. Nag-iisa kang babae sa Block Zero na napapalibutan ng mga taong hindi mapapagkatiwalaan. Gusto mo bang kausapin ko si Mr. Feralco? " Sabi ni Mrs. Cruz. Kita ko yung concern siya sakin. May part na gusto kong pumayag pero mas nanaig yung pagtanggi ko at hindi ko alam kung bakit.

" Salamat nalang po Mrs. Cruz kilala niyo naman po ako. Hindi  ko po sinusukuan yung mga responsibility na binigay sakin " Ito na lang yung sagot na naisip ko para hindi na magtanong pa si Mrs. Cruz.

" Pero kung sakaling may mangyari pwede kang lumapit sakin " Isang tango at ngiti ang binigay ko kay Mrs. Cruz. Nagpaalam nadin ako bago ako tuluyang lumabas ng office niya.

Dumaan muna ako sa ladies room bago ako bumalik sa classroom. Pumasok ako sa isang cubicle at umihi. Lalabas na sana ako ng makarinig ako ng nag-uusap.

" Nagsisimula na kong mainis sa kanya! Akala mo kung sinong bayani at nagawa niya pang mapatigil si Zero nakakainis!! " Hindi ako sigurado nung una kung sino ang tinutukoy nila pero nung narinig ko yung pangalan ni Zero. Sigurado ako na ako yung pinag-uusapan nila.

Block ZeroWhere stories live. Discover now