"Susmaryosep! Nasaktan ka ba? Saan ang sugat mo, patingin at ng magamot natin."

"Wala naman po. Ang oa mo mama!"

"Nag aalala lang ako sa'yo kaya natural lang ng maging ganoon ang reaksyon ko."

Pero kahit ganun man ay mahal na mahal ko si mama. Silang pareho ni papa. All their life is full of suffering and pain. And the worst of it are consequences. But they had give me the best they can do so I can have a good life. Alam ko may mga pagkakataon na sinisisi nila ang kanilang sarili sa estado namin sa buhay, pero hindi ko man hiniling na maging magarbo kami. Kung papalarin ay maganda pero masaya ako magkakasama kaming tatlo kahit ganito ang buhay namin.

Tinulungan ko si mama na maihanda na ang pagkain. Umigib ako sa poso sa likod bahay para sa maiinom

Ala otso na ng gabi ay hindi pa dumadating si papa. Madalas, alas sais nandito na siya pero ngayon ay wala pa kaya nakakapagtaka.

Nagsimula na kaming kumain habang hinihintay siya.

Sa kalagitnaan ng hapag ay may kumatok. Nagpresintang ako na ang magbubukas.

"Chacha! Ang mama mo? Nasaan?"

Tumayo si mama, hindi na tinapos ang kinakain.

"Oh, Genard ikaw pala 'yan. Gabi na, ah." Si mama, pumunta sa harap ko.

"Aling Minda, Si Mang Alonzo po sinugod sa hospital."

"Ha?! Anong nangyari? Jusko po mahabagin."

Nagkandarapa na si mama sa pagkuha ng gamit niya sa kwarto. Habang ako ay hindi nakagalaw sa kinalalagyan, pinapanood si mama na nagmamadali. Gusto kong magsalita pero hindi ko ito maisatinig. Nanlamig ang buo kong katawan at hindi makapaniwala.

Si papa nasa ospital? Anong nangyari?

Ilang oras ang tinatakbo namin sakay ng jeep ni Genard papuntang bayan kung saan daw sinugod si papa. Walang liwanag na matatanaw sa aming dinaraanan kaya laking pasalamat ko na sanay si Genard sa pagmamaneho. May kakaunting lubak din kaming nadadaanan kaya matinding kapit ang ginagawa ko.

Malamig at malakas ang ihip ng hangin ang gumising sa diwa ko. At sa bawat pagtatagal ng aming byahe ay lalong tumitindi ang nararamdaman ko. Nagsimula na akong mag isip ng hindi magagandang bagay. Ang luhang pinipigilan ko kanina ay nagsimula na ring tumulo.

Napapikit ako at umusal ng panalangin na sana ay dinggin ito ng kalangitan, na sana ay nasa maayos ang kalagayan ni papa at hindi seryoso ang natamo niya.

Sa emergency ay hinarap namin ang nurse para makausap kung nasaan si papa. Tinanong niya kami kung kaano-ano ang pasyente. Ilan pang pagkumpirma ay iginiya na kami sa kung nasaan si papa.

"Maayos na po ang kalagayan ng pasyente ma'am, nagkaroon ng malalim na sugat sa parte ng kanyang noo kaya kaagad namin itong itinahi." Ang nurse pagkatapos ay iniwan na kami.

Natagpuan ko si papa na nakahiga kama. May kumot at nakswero ang isang kamay. At kahit tulog ay bakas sa mukha ang matinding reaksyon sa kanyang tama. Ang benda sa kanyang noo ang nagpapatunay kung gaano kalakas.

"Jusko, Alonso anong nangyari sa'yo." Tahimik na humihikbi si mama sa tabi ni papa, hawak ang kamay nito ng napakahigpit.

Unwavering Love (Major Revision)Kde žijí příběhy. Začni objevovat