-28-

28.7K 732 39
                                    

I know where you are Uno.


Humigpit ang hawak ko sa pinto ng locker ng mabasa ang itim na papel na may sulat gamit ang dugo. 


This seal, this penmanship!!!


Kilalang-kilala ko ang sumulat nito. The Lord of Venom!!! I looked at the back of the paper, nakasulat doon kung saan at kung kailan kami magkikita. Napamura ako ng paulit-ulit habang nilulukot ang papel na hawak ko. 


Pabalibag kong sinara ang pintuan ng locker ko sa sobrang inis at panggigigil. 


"Oh my gosh!" 


Natigilan ako ng makita si Monique na nasa tabi ko na pala. 


"A-Are you okay?" She gasped as she gazed at the locker's door na bahagyang nayupi. Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang nanginginig kong kalamnan. 


"Sorry, nagulat ba kita?" I asked her. Ngumuso siya sakin at humalukipkip. 


"Obvious ba? Ano ba kasing nangyari? Mukhang galit na galit ka?" Sumabay siya sakin sa paglalakad papuntang classroom. Nauna na kanina sakin si Marshan dahil may kinuha pa ko dito sa locker ko. 


She could've waited for me pero hindi ko alam kung bakit siya nagmamadali kanina. 


"Nothing, may nabasa lang akong hindi ko nagustuhan." I sighed. 


"Hayaan mo na, ako nga laging may naglalagay ng letters sa locker ko na nagsasabing layuan ko daw si Christian, marami talagang inggitera dito sa school basta stay strong lang kayo ni Waldrin." She giggled. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi niya. 


Kung ganung klaseng mga sulat lang sana ang natatanggap ko ay matatawanan ko pa. 


"Just be sure then na lagi kang nakadikit samin ni Marshan and we'll keep you safe." I told her. Agad naman siyang yumakap sa braso ko at tumawa. 


"Ang sarap mo namang maging bestfriend!" She laughed. Mapait akong ngumiti, soon they'll find out kung sino at ano talaga kami. Magagawa pa kaya niya akong yakapin ng ganito kapag nalaman nilang kabilang kami sa kalaban nilang organisasyon? 


Will she still consider me as her bestfriend? Makakangiti pa kaya siya ng ganyan kalawak sakin? 


Malayo pa lang kami sa classroom ay rinig na rinig na namin ang matinis na boses ni Marshan na malamang ay nakikipag-away na naman. 


"YAAAAAAHHHHH!!!! JEEEEEERRRRRRKKKKKK!!!!!" She squealed. Pumasok kami ng classroom at naabutan namin siyang akmang babatuhin ng sapatos si Raven. 


"Marshan! Your manners!" I called her. Namumula siya sa inis na bumaling sakin habang presko lang na nakaupo sa upuan niya si Raven. 


"Ang aga-aga nag-aaway na naman kayo." Komento ni Monique. She puts her stuffs on her desk at bumaling sa kanilang dalawa. 

The Mafia's Slave Part 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon