-18-

28.8K 887 87
                                    

M A X  E N E


Nabitawan ni Waldrin yung phone niya, buti na lang sa couch yun nahulog. Nakatitig lang siya sakin and I am afraid of what he's thinking right now. Hindi atah nakapasa sa standard niya yung itsura ko ngayon. Gaya nga ng sabi niya yung dress na talaga siguro ang bahala sakin.


*cleared throat* 


Napaiwas ng tingin si Waldrin ng biglang tumikhim yung tailor, maging ako napakislot sa ginawa niya. I glared at her pero ngumisi lang siya sakin. 


"Sige na baka malate kayo." She said. May isang staff naman na nag-abot sakin ng mga gamit ko na nakalagay na sa paper bag. Naglakad ako papalapit kay Waldrin at nakatingin  lang siya sakin. He looks good in his suit with a silver necktie. 


"Ehem! H-Hindi ba maganda?" I asked. He cleared his throat and loosen his tie. Kinuha niya yung phone niya sa couch. 


"Pwede na." He said coldly. Nakahinga naman ako ng maluwag. Nauna na siyang maglakad papunta sa kotse niya sa labas. Ganyan naman talaga siya eh, hindi gentleman. Dahil nakasingle door lang yung sports car niya, sumakay muna ako at nilagay sa likod yung paper bag. 


Hindi ko naman maiwasang idaan yung kamay ko sa gitna namin, I looked at him and my eyes widen dahil ang lapit pala namin sa isa't-isa. Agad akong nag-iwas ng tingin at nag-ayos ng upo. I even cleared my throat dahil feeling ko may bumara sa lalamunan ko. 


"A-Are you okay without your glasses?"  he cleared his throat. 


"Mmm I'm wearing contacts." I said. Ewan ko ba bigla akong kinabahan. "Ang init noh?" I asked at inayos yung pagkakatutok ng aircon. Hindi na kami muling nag-imikan hanggang makarating kami ng school. 


Nagkikislapan ang mga flash ng camera sa labas. May pila din ng mga sasakyan sa entrance ng main hall. Nakita kong lumabas sa isang sasakyan si Christian, umikot siya at pinagbuksan ng pinto si Monique. Lihim na lang akong napangiti. Pagkatapos sumunod naman si Raven na mukhang walang kasama. Binigay niya yung susi ng kotse niya sa isang valet. 


Ilang sasakyan pa ang tumigil bago kami sa harap ng entrance ng main hall. "I'll open the door." Napatingin ako kay Waldrin when he opened the door on his side. 


He fixed his suit pagkalabas niya at nagsimula na siyang lapitan ng mga media buti na lang may barricade sa gilid. He gave his keys to a valet bago siya umikot papunta sa side ko. Huminga ako ng malalim before he opened the door. 


Inalok niya yung kamay niya sakin, my hands are shaking when he hold it. Muntikan pa nga kong matumba pagkalabas ko ng kotse niya buti na lang nakaalalay siya sakin. Humawak ako sa braso niya. Camera flashes are almost blinding my eyes. Naglakad kami papasok sa Main Hall. All eyes on us. Halos hindi na nga ko makahinga. 


This is why I hate gatherings, nakakasuffocate, ayoko ng attention na binibigay ng mga tao sakin. Halos nakayuko lang ako habang naglalakad kami ni Waldrin papunta sa table nila. Agad akong napakapit sa table and breath. 


"M-Maxene! W-Wow!" Monique called me. Napatingin ako sa kanya tapos kina Christian at Raven na mukhang nagulat ng makita ako. 

The Mafia's Slave Part 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon