" Tumigil na kayo!! " Sigaw ko sa kanila pero para silang mga bingi na walang naririnig.

" BLOCK ZERO TUMIGIL NA KAYO!!! " Halos maputol na ang litid ko pero dedma parin ako. Tuloy parin sila sa pakikipaglaban. Suntok dito, Sipa doon.

" ANO BA SABI NG TUM--- " Bago ko pa matuloy yung sasabihin ko ay may kung anong matigas na bahay na tumama sa may batok ko dahilan para magdoble ang paningin ko at nanlambot ang tuhod ko dahilan para bumagsak ako sa lupa. Kinapa ko kung san tumama yung matigas na bagay at isang likido ang naramdaman ko. Tiningnan ko to at halos manigas ako. Dugo....Bago pa ko pumikit ay isang mukha ang nakita ko.Hindi ito malinaw pero alam ko kung sino to.

" What the fvck are you doing here! " May sinabi siya pero hindi malinaw ang dating nito sakin hanggang sa tuluyan ng magdilim ang paningin ko.

Nagising ako na puting ceiling ang bumungad sakin. Asan ba ko? Anong nangyari. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto bago tumigil sa pintuan ng bumukas ito.

" Your awake " Sabi sakin ni Third.

" Asan ako? Anong nangyari? " Tanong ko sa kanya pero imbis na sagutin niya ang tanong ko ay binalik niya pa sakin ang tanong niya.

" Ano nga bang nangyari? " Bumangon ako sa pagbangon ko ay nakaramdam ako ng sakit sa mga batok ko at pagkahilo. Bigla kong kinapa ito at may naramdaman akong tela. Naalala ko na nakita ko silang nakikipag-away tapos tinary kong patigilin sila. Hanggang sa may tumamang matigas na bagay sa batok ko na dahilan para mahilo ako at mawalan ng malay.

" She's awake " Napatingin ako kay Third na sumigaw mula sa labas. Maya maya pa ay nagsipasukan ang mga Block Zero sa kwarto. Hindi ko mabasa ang iniisip nila napaka seryoso ng mga mukha nila at ang tahimik nila hindi ko namalayan na napangiti ako. Himala kasi ang tahimik nila at hindi maiingay pero bigla yung nawala ng pumasok si Zero na sobrang sama ang tingin sakin.

" At Nakakangiti ka pa? " Sa sobrang sama ng tingin niya sakin para niya akong lalamunin ng buhay.

" Hindi nam--- " Bago pako makapagsalita ay agad niya na kong pinatigil.

" Shut up! " Hindi ko kayang sabayan ang tingin niya sakin. Nakakatakot kasi.

" What the hell are you doing there and don't ever try to lie to me " Madiin at ma autoridad na sabi niya.

" Dumadaan lang ako ng may nakita akong nag-aaway. I saw some of them are wearing Perens High Uniform at napagtanto ko agad na kayo yun. Gusto ko lang naman patigilin kayo bago may mangyaring masama " Sagot ko sa kanya ng hindi makatingin sa nga mata niya.

" At Sino ka ba para makielam samin?. Who are you to mess with our Business. I just want to remind you, Ako ang may hawak sa Block Zero. Don't you dare control our Block you don't know who you are messing with " Sabi niya sabay balibag ng pintuan palabas. Sumunod naman sa kanya ang iba pang nga Block Zero hanggang sa naiwan nalang ay ako at si Third.

" Let's go hahatid na kita " Sabi niya bago naglakas ng nakapamulsa papunta sa pintuan. Bumangon na ko at sumunod kay Third. Pagkalabas ko ng kwarto ay sumalubong sakin ang malaking chandelier. Kanino bang bahay to napaka laki nito at mahahalata mo ang mga mamahalin na mga furniture.

Pagbaba ng hagdan ay nakita ko ang mga Block Zero na may kani kanilang ginagawa sa sala. Napatingin sila samin ni Third pero bumalik din sa kani kanilang ginagawa. Hinanap ng mata ko si Zero at nakita ko siyang umiinom na nakaupo sa isang stall.

Tahimik lang kami ni Third sa sasakyan. Wala ni isa ang nagsasalita nakafocus lang siya sa unahan habang nagdradrive habang ako nakatingin lang sa bintana.

" Umalis kana sa Block Zero " Napatingin ako sa kanya ng bigla niyang binasag ang katahimikan.

" Your just risking your life if your going to stay " Gusto kong magsalita. Gusto kong magtanong sa kanya pero walang lumalabas sa bibig ko.

" It's for your own good and for us "

Pagdating ko sa bahay ay dumeretso na agad ako sa kwarto ko para isuot yung hood ko. Bakas kasi magtanong si Mama kapag nakita niya ang sugat ko. Hindi ko din naman pwedeng sabihin sa kanya ang nangyari.

Pagbaba ko ng hagdan ay nasalubong ko si Bryster na kadarating lang galing sa school. Napakunot noo niya ng makita ako.

" Seriously naka jacket ka at naka hood pa sa loob ng bahay. Hindi ka ba naiinitan nan " Sabi niya sakin sabay napailing nalang at umakyat na ng hagdan.

Pupunta na sana ako sa kusina ng may mapansin akong sasakyan na huminto sa tapat ng gate namin. Agad akong lumabas ng makita kong familiar ito at hindi nga ako nagkakamaki. It was Jacob.

" Jacob anong ginagawa mo dito? "

" I heard that wala daw naabutang estudyante sa Block Zero si Sir Jay including you. Pati yung ibang teacher niyo ganun din daw. May nangyari ba? " Teka pano ko ba sasagutin tong tanong ni Jacob. Hindi ko naman pwedeng sabihin yung nangyari.

" Sumama kasi yung pakiramdam ko kaya hindi ako nakapasok kanina " Sagot ko kay Jacob. Okay naman tong excuse na naisip ko.

" Pero hindi din sila pumasok? Ano kayang nangyari sa mga yun " Dagdag ko. Nice Brie ang galing mong umarte.

" Nakainom ka na ba ng gamot? Are you now okay? " Tanong niya ng may halong pag-aalala sa boses.

" I'm okay now, Sumakit lang yung ulo ko pero ngayon okay na ko " Tumango siya sakin at ngumiti.

" Ah yun lang ba yung pinunta mo sa bahay? "

" Yah I just want to check you out hindi mo rin kasi sinasagot ang tawag namin akala lang namin kung napano kana " Napakamot ako sa batok ko na sana hindi ko ginawa peste! Kumirot kasi yung sugat ko.

" Hey are you okay? "

" Ah hehe Oo ano nangalay lang yung balikat ko sa pagtulog "

" Sige Brie alis na ko pasok kana sa loob baka mahamugan ka pa " Sabi niya sabay ngiti. Yayain ko pa sana siya sa loob pero tumanggi na siya at sumakay na sa kotse niya.

Pagtalikod ko ay bumungad sakin si Bryster na nakasandal sa pintuan.

" Sino yun? " Tanong niya sakin na seryosong seryoso.

" Si Jacob "

" Nanliligaw o Boyfriend mo? " Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Pero seryoso parin siyang nakatingin sakin na animo'y nag iintay ng sagot ko.

" Classmate ko lang " Sagot ko. Tumango siya at derederetso na pa kusina pero bago pa siya makapasok sa kusina ay huminto ulit siya at lumingon sakin.

" Kung magpapaligaw ka ipakilala mo sakin para masala ko muna " Napataas nalang ang kilay ko. Wow! Ha wait sino bang mas matanda para akong bata na pinagsasabihan ng Kuya niya.

" Opo KUYA " Sabi ko nalang bago siya inunahang pumasok sa kusina. Talagang ini emphasized ko pa yung Kuya baka lang makaramdam siya na ako ang mas matanda saming dalawa.

Pagkatapos kumain ay naghugas muna ako ng pinggan bago pumunta sa kwarto ko. Buti nalang hindi pinansin ni Mama yung getup kanina na naka jackee tapos naka hood pa sa loob ng bahay.

Napabuntong hininga nalang ako. First time ko lang makakita ng away na malapitan. Hindi ko alam kung bakit kusa nalang humakbang yung mga paa ko papunta sa away ng makita kong Block Zero ito. Noong mga oras na yun hindi ko inalintana yung takot at yung mga possibilities na madamay ako sa away. Mas nagfocus ang isip ko sa way kung paano ko sila patitigilin. Hindi ko inaakala na ganito ang kalalabasan ng ginawa ko. Pero hindi parin nawawala isip ko na kaya ko. Kaya ko silang patinuin.

Pero habang inisip ko yung nangyari kanina may mas lala pa kayang mangyayari sa pananatili ko sa Block Zero.

To be continued...

Block ZeroWhere stories live. Discover now