" Anong nangyari? " Tanong niya sakin habang nakatitig siya sa coat ni Jacob na nasa bewang ko.

" Block Zero put a ketchup on her chair " Sagot ni Jacob.

" Totoo palang lumipat ka sa Block Zero, Brie " Sabi ni Paolo, SC Surgent of Arms Block B. Tumango ako kay Paolo.

" Ah palit lang ako ng jogging pants " Paalam ko sa kanilang dalawa at dumeretso na sa cr. May cr kasi kami sa loob ng SC office.

Pagkapalit ko ay agad akong lumabas at inayos yung coat ni Jacob.

" Jacob balik ko nalang bukas lalabhan ko pa eh " Sabi ko sa kanya. Pero agad niya na tong kinuha at sinilid sa bag niya.

" No it's okay " Tumango nalang ako sa kanya at nagpasalamat.

" Brie yung para nga pala sa Foundation may balak ka bang isama na ang Block Zero since andun kana? " Tanong ni Cindy, SC Treasurer, Block B.

Hindi kasi sinasali sa nga events, activities ang mga taga Block Zero.

" Oo nga Brie para masama nadin natin sila sa Budget " Dagdag naman ni Shaina, SC Business Manager, Block C.

" Sige " Sabi ko sa kanila. Siguro it's time naman na maranasan nila yung mga events.

" Sige as in sasama natin Brie? " Tanong ni Kev. SC PIO, Block B.

" Oo it's time for them to be part of the Foundation Day, Fourth year na tayo eh I want it for the last time they stay in this School they did something that is worth it " Sagot ko sa kanila na ikinatango nila.

Mga 6 pm na din ng makauwi kami hahatid pa sana ako ni Jacob pero tumanggi na ko.

" Andito na po ako Ma! " Sabi ko kay Mama pagkapasok ng bahay.

" Nagmeryenda ka na ba? " Tanong ni Mama.

" Opo Ma, Si Bryster Ma nakauwi na? " Tanong ko kay Mama pero bago pa sumagot si Mama ay nakita ko nang bumababa ng hagdan si Brsyter.

" Andito na " Bago pa ko makaakyat ng hagdan ay biglang nagsalita si Brsyter. Pababa na siya ng hagdan akala ko dederetso na siya sa kusina pero huminto siya sa harap ko.

" Lumipat ka daw sa Block Zero? " Paano naman nakarating sa kanya yun. Hay! May pakpak talaga ang balita.

" Huwag kang maingay kay Mama. Hindi naman yun malalagay sa record ko may kailangan lang akong gawin " Paliwanag ko sa kanya.

" Alam mo bang pinapasok mo? " Napakamot nalang ako sa ulo ko. Kung makasermon naman to akala mo mas matanda sakin eh mas matanda naman ako sa kanya ng dalawang taon. Kasalukuyan siyang Third Year Highschool sa Perens High. Varsity kasi siya ng Basketball kay Full Scholarship siya plus allowance.

" Alam ko gusto ko lang naman silang mapatino " Sabi ko kay Bryster.

" Hindi ka si Wonder Woman na pati ang Block Zero pakielaman mo " Sabi niya sakin sabay pasok sa kusina.

Alam ko naman but I'm still the Student Council President sakop ko parin ang Block Zero.

It's my Day 2 and I'm happy to say that I survive the first day sana naman this day will end smoothly. Imbis na sumakay ay naisipan kong maglakad medyo malayo ang bahay namin sa school pero may alam akong shorcut kaya dun ako ngayon dadaan.

Nang makarating ako sa isang iskinita ay nakarinig ako ng mga nag-aaway sa sobrang curious ko ay sinundan ko yung ingay na yun. Nakarating ako sa isang makipot na iskinita. Teka uniform yun ng Perens High ah. At ang alam ko lang na mahilig sa away ay ang Block Zero.

Bago pa ko makapag-isip ng pwedeng mangyari sakin ay nakita ko nalang ang sarili ko na nakatayo na sa harap ng mga nagsusuntukan. Ang dami nilang kalaban ah tiyaka mukhang mga nasa 30's na tong mga to tapos para miyembro pa ng mga sindikato. Kailangan ko silang mapatigil bago pa may mangyaring masama sa kanila.

Block ZeroWhere stories live. Discover now