" Wala nang daga " Sabi niya ng hindi na sumisigaw pero seryoso parin yung tono ng boses niya at malamig. Agad naman akong tumingin sa baba wala na ngang daga kaya dahan dahan akong kumalas sa kanya at bumaba.

Napansin kong tumigil din ang pagtawa ni Third. Tumahimik din ang paligid na parang may dumaang anghel.

" Oh anong ginagawa niyo diyang lahat nagbago na ba kayo ng classroom? " Napatingin ako sa nagsalita si Mrs. Gomez.

Nilampasan ako ni Zero at bumalik na sa classroom ganun din sina Third at yung iba, ako nalang ang naiwan.

" Ms. Collins hindi ka pa ba papasok magsisimula na ko ng klase " Napabuntong hininga akong sumunod kay Mrs. Gomez.

Pagkapasok ko kasunod si Mrs. Gomez ay dumeretso agad ako sa upuan ko ng hindi sila tinitingnan.

Natapos ang klase na ang tahimik nang lahat pero syempre joke lang yun maiingay parin sila pero hindi nila ako pinagtritripan yung tipong invisible lang ako dito. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o maiinis.

Madali ring natapos ang tatlo pang sunod na klase inaantay ko nalang talagang mag dismiss para makalayas na ko dito. Deretso pa kasi ako sa SC office para ayusin yung natira ko pang trabaho.

" Class Dismiss " Yes! Inayos ko na yung mga gamit ko. Pagtayo ko ay biglang tawanan ang nangibabaw sa buong classroom.

Anong pinagtatawan ng mga kumag na to. Tiningnan ko sila ng masama pero tuloy parin sila sa pagtawa habang ako ay hindi ko alam ang pinagtatawanan nila. Mga siraulo nabaliw na.

Nung tumalikod ako ulit ay mas lumakas ang tawanan nila. Mga pesteng kumag na to ah ano bang tinatawanan ng mga to.

" May Tagos ka " Halos manigas ako ng sabihin yun ni Zero pero bigla kong naalala. Katatapos ko lang! Tiningnan ko yung bangko at kung di ako nagkakamali anak ng ketchup!.

" Sinong naglagay ng ketchup sa bangko ko mga animal kayo! " Imbis na sagutin ako dinedma lang ako at nagsilabasan na yung mga kumag.

Paano ako aalis nito argh!!! Mga barabas talaga yung mga yun nakakainis.

Napatingin ako sa phone ko itetext ko sana si Yana pero biglang tumunog yung phone ko at lumabas yung pangalan ni Jacob.

🎵If I told you this was
only gonna hurt
If I warned you that the fire's gonna burn
Would you walk in?
Would you let me do it first?
Do it all in the name of love🎵

(Brie nandyan ka pa ba?)

" Oo, Jacob pwedeng favor pasabi naman kay Yana na kunin yung jogging pants ko sa locker tapos makikidala dito "

" Bakit anong nangyari? " Napatingin ako sa pintuan. Hala bakit siya andito.

" Ano kasi... " Napakunot ang noo ni Jacob at derederetsong pumasok sa room.

" Natagusan ka? " Bilib din naman ako sa mga lalaki bakit madali lang para sa kanila na sabihin ang salitang yun samantalang saming mga babae halos gusto na naming lamunin ng lupa.

" Hindi, Pinagtripan nila ako eh nilagyan ng ketchup yung upuan ko " Napailing nalang si Jacob at agad na hinubad yung coat niya.

" Anong--- " Bago pa ko makapagtanong ay bigla nalang niyang tinali yung coat niya sa bewang ko. Bakit biglang nag-iba yung tibok ng puso ko. Bakit biglang uminit dito.

" Did they do something other than this? " Seryoso niyang tanong sakin. Umiling naman ako sa kanya.

Pagkarating namin sa SC Office ay agad akong sinalubong ni Yana.

Block ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon