CHAPTER THREE

56 3 0
                                    

FLASHBACK

3 years ago simula ng makilala ko si Clein Winston Saavedra ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Hindi naman fairy tale ang pagkakakilala namin.  Typical day lang sa school namin nung High school. Hindi ko nga akalain na magiging magkaklase kami. Kasi hindi naman siya nasa star section. Medyo nasa lower section siya non kasi tamad magaral tapos palaging absent. Pero nagulo ang tahimik kong buhay simula noong naging kaklase ko siya.

"OMG! Kaklase na daw natin si Clein!"

"Talaga ba? Bakit anong nangyari at nalipat siya sa section natin?"

"Yun ang hindi ko alam pero. Buti nga yon ng meron namang gwapo sa section natin. Puro naman kasi nerds yung mga kaklase natin. Geek freek lalo na yung mga boys ang bobonjing atleast kahit papaano may makikita tayong maayos ang itsura."

"Sabagay may point ka naman. Mahirap din pala mapunta sa star section mga weird makakasama mo. Aral overload. "

Maiinis ka nalang sa mga kaklase mong maaarte na puro lalaki ang masa isip. Well totoo naman kasi yung mga sinasabi nila na hindi naman mga kagwapuhan yung mga kaklase naming lalaki pero aahin mo naman ang gwapo kung wala namang talino. At saka masyado silang makapanglait eh may itchura din naman sila hindi lang sila into latest fashion and trends ngayon kasi mas tutok sila sa pagaaral. Pero kapag mga naayusan to nako baka malaglag yung mga panty nila.

Paghakbang palang ng isang paa ng sinasabi nilang Clein ay nahulog na agad ang puso ko. Hahaha charing lang syempre naman paa palang naman. Hindi ko naman kasi siya kilala kahit na sabihin nila na hearthrob siya sa school. Never akong nagkaroon ng interest sa ganyan kasi hindi ko naman yon priority sa buhay kaya dedma lang ako kaso lang nakuha niya ang atensyon ko ng magsalita siya para magpakilala. My heart melt. Totoo palang gwapo siya.

"Hi guys! Good morning ako nga pala si Clein Winston Saavedra galing akong lower section alam ko naman na hindi ako bagay dito pero sana matulungan niyo akong lahat."

Umupo siya hindi kalayuan sa inuupuan ko. Pinagmasdan ko siyabg lumakad any ngumiti sa iba ko pang kaklase. Hanggang sa magtama ang aming mga mata nagulat ako kaya naman umiwas ako sa tingin niya kaso lang ng titingnan ko na siya ulit nawala naman na siya sa upuan niya dahil ngayon at katabi ko na siya. Letcheeee kilig to the bones!






3rd year high school ako transfer student  sa school kung saan nakilala ko Si Peter John Martinez the guy I admired the most hindi ko nga maexplain yung naramdaman ko nung una ko siyang nakita he's so cute, handsome, mabait kahit na hindi ko pa siya kilala ng lubos. Love at first sight yan ang sabi nila wala pa kong alam sa love all I know is that that guy makes my heart beat fast. And I wish that someday he will be my boyfriend and have a SlowMo moment with him.

After that he was gone in my sight and bumalik na ko sa katinuan ko ngayon ko lang naramdaman ang ganung feeling tulala pa din ako hanggang sa kausapin ako ng isang napakagandang babae.

"uyy ! bakit tulala ka dyan wala ka bang balak hanapin ang room mo? nakaharang ka kasi dyan sa gitna kanina ka pa pinagtitinginan ng ibang mga estudyante"

"Ah sorry hindi ko kasi alam kung saan titingnan yung mga room transfer student kasi ako"

Ang ganda niya talaga kasi naman wala si kira dito kaya naman wala tuloy akong kasama hirap talagang maging transfer. Maguumpisa ka nanaman sa simula. Hindi kasi pinayagan si kira na magtransfer ewan ko nga kung bakit hindi siya pinayagan dati naman oo lang ng oo tita carmy.

LMTYH❤ (Under Revision)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ