CHAPTER THIRTY ONE

8 3 0
                                    

Fast Forward

Ilang araw din ang nakalipas. Sinimulan ko na ang totoong pakay ko dito. Kasalukuyang inaayos ko ang gulo dito sa kumpanya. Nagpapasama nga ako kay kira kaso naman may pasok daw siya kaya hindi niya ako nasamahan. Sila Calvin naman at Xian may pasok din kaya ako lang magisa.

"Miss eto na po yung report ng bawat department"

"Thank you!"

Grabe ang kapal. Babasahin ko ba lahat to? Wala naman akong masyadong alam sa business. Kaya ko kaya?

"Miss ipapasara niyo na ba ang kompanya?"

"Huh?"

"Kasi malaki ang ibinaba ng sales natin. Hindi ko alam kung kaya pa nating gawan ng paraan."

"Kaya natin. Basta magtutulong tulong tayo. Okay ganito ipatawag mo lahat ng head ng bawat department magmeeting tayo"

"Okay Miss."

Paano ko ba aayusin to? Kung humingi kaya ako ng tulong kay Ivan? Kaya lang nasa business trip siya ayaw ko naman abalahin.

Fast Forward

Natapos na ang meeting namin. Nakausap ko na sila at alam ko na din ang puno't dulo ng lahat. May mga nangungurakot sa kompanya. Tss. Kaya ang ginawa ko pinaalis ko na siya dito. Dahil kung hindi baka tuluyan ng maisara ito. Kawawa naman ang mga nagtatrabaho dito pagnagkataon.

Nandito ako ngayon sa office. Ginagawan ng paraan ang mga gusot na ginawa ni Mr. Manangan.

"Iho dumating na ang anak ng may ari ng kumpanya. Gusto kong ibigay mo to sa kanya. Madami pa kasi kaming gagawin."

"Pero tito?"

"Sige na. Makikigawa na nga din ako sa mga tauhan ko para mapabilis"

"Sige po"

Lobby.

"Excuse me"

"Oh ikaw pala."

"Ay. Ikaw pala yan. Ano kasi may dadalin akong papeles doon sa anak ng may ari nitong kumpanya. Pinapadala ni tito saan bang gawi yun?"

"Ah sa 5th floor. Tapos kumaliwa ka. Sa may dulong pinto."

"Ah sige salamat Jackie"

"Okay"

5th Floor.

Kaliwa ba o kanan? Ay kaliwa nga pala.

"Yes sir anong kailangan niyo?"

"Ah ibibigay ko lang yung mga papeles sa anak ng may ari"

"Ah ako na. Ako kasi ang secretary niya. Pakibaba nalang diyan. Salamat"

"Ah okay. Ano nga palang pangalan ng"

"Liza please come here."

"Yes Miss."

"Pasensiya kana tinatawag ako"

"Hindi sige lang aalis na din ako."

"Sige salamat."

Parang pamilyar ang boses nung boss nila.

"Vince!"

"Zumi?"

"Oo ako nga to. Kamusta ka?"

"Okay naman. Bakit ka nandito? Kailan ka pa bumalik?"

"Ah magaapply kasi ako ng trabaho. Baliw akala mo naman sa ibang bansa ako galing FYI sa probinsiya lang. Anyway ikaw anong ginagawa mo dito?"

LMTYH❤ (Under Revision)Where stories live. Discover now