CHAPTER TWENTY SIX

11 3 0
                                    

Eto na pinayagan na ako ni dad na sumama sa tour. Medyo ang awkward kasi si Vince yung katabi ko yung gwapo tapos ako? Nganga. Wala man lang nga ako sa kalingkingan ni micaela na ex niya. I'm sure paguusapan nanaman kami ng mga chismosa. Inggit silaaa! Hahaha!

"So saan mo gustong umupo?"

"Ha? Kahit saan basta sa may bintana ako."

"Ah sa may bandang likod nalang tayo."

"Okay!"

"Oy ang taray ng lola mo tabi silaaa!"

"Pwede ba kira!"

"Bakit mas pinili mo siyang makatabi e kaysa sa akin"

"Grabe ka ah! Di naman"

"Sus. If i know. Pero keri lang. Ge enjoy diyan hahaha"

"Baliw talaga yun."

"Tingnan mo nga naman. Ang swerte naman ng isa diyan at katabi pa si Vince."

"Oo nga ang kapal ng face my ghad!"

"Ano ba girls don't be insecure i'm sure ginayuma lang niya si Vince."

"Haha tama!"

"Hindi nyo ba ititikom yang mga bibig niyo? Nakakairita kayo ang dami nyong alam. At sino naman gusto nyong maging katabi ko kayo? Kung kayo lang din hindi na ko sasama. Tss."

Totoo ba yung narinig ko? Pinagtanggol ako ni Vince? Shemay! Ang gwapo niya sa pagkakasabi nun ah.

"Wag mo na silang pansinin"

Yown. Okay na pwede na kong umuwi ngumiti na siya e. O my!

"Tama naman sila. Bakit ba kasi ako yung gusto mong makatabi?"

"Ayan ka nanaman. Wag mo na nga silang pansinin."

"Naririnig ko sila malamang kaya mapapansin ko"

"Ayan okay na ba? Hindi mo na sila maririnig nyan."

Nilagyan niya ko ng headset. Shemay talaga. Ano ba kasing nakain nitong si Vince.

"Wag mong aalisin yan hanggat hindi pa tayo nakakarating sa pupuntahan natin."

"Bakit ka ba ganyan?"

"Ha?"

"Bakit bigla ka nalang naging mabait sa akin?"

"Biglang naging mabait? Mabait naman talaga ako. Saka kailan ba kita sinungitan?"

"Memory Gap? Sa Cafeteria kaya pinagtripan mo ko. Hayaan mo na nga kalimutan mo na yung sinabi ko."

"Pwede ba wag ka ngang mapagduda diyan. Eh natuwa lang naman ako sayo saka tinesting ko lang yung charms ko sayo."

"Paano ngang hindi magdududa e kagwapo mo tapos ako pangit? Natural magdududa ako tss. At saka yung mga ganyang tipo hindi imposibleng mangtrip talaga. Kasi may ipagmamayabang naman talaga."

"May sinasabi ka ba?"

"Wala sabi ko matutulog na ko."

"Sige."

Kainis galit ka nga sa kanya di ba? Di mo siya gusto una palang tapos ngayon kikiligin ka kasi nagiging malapit siya sayo? Ano ka ba wag kang magtiwala agad. Baka sa huli masaktan ka nanaman. Bawal kang mainlove sa kanya. Tandaan mo yan.

Naalimpungatan ako kasi nangawit ako sa pwesto ko kaso parang may nakadagan naman sa akin hindi ako makaalis dinilat ko yung mata ko. Tae nakahiga pala ko sa balikat niya? At nakapatong naman ang ulo niya sa ulo ko anyare? Jusme anong gagawin ko nakakahiya! Parang ang sarap pa naman ng tulog niya di ako makagalaw baka kasi magising siya. Gumalaw ako ng konti. Kasooo! My ghad emegeed.! Humarap siya sa akin with matching yakap pa MARIYAHOSEPA! What to do what to do! Buti nalang tulog din yung mga kasama namin sa bus. Anong gagawin ko nakayakap siya sa akin. Kitang kita sa muka niya na parang pagod siya e nakaupo lang naman. Tae bakit ang ganda ng mata ilong at ng labi niya grabe. Gaga! Ano ba yang sinasabi mo bawal kang mainlove putspa naman oh. Paano ba ko makakaalis dito.

LMTYH❤ (Under Revision)Where stories live. Discover now