7. The Audition

841 22 2
                                    

Chapter Seven

Taeyeon's Pov

Maaga ng sumapit ang araw ng audition kami nagpunta sa Sm building. Bukod sa aming apat nila Yul ay sinamahan na din kami ni Hyo. Samantalang si Minah ay hindi nakasama. May extra class kasi siyang kailangan pasukan. Hanggang ngayon nga ay naguguilty pa rin ako sa nangyari last time. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Basta't bigla na lang pumasok sa isip ko si Tiffany at naging blanko na ang lahat. Hindi ko pa naman siya ganun kakilala. Ilang beses pa lang kaming nagkikita pero bakit pakiramdam ko ang laki na ng parte niya sa pagkatao ko. Hindi ko siya matanggal sa isip ko.

Tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa coat ko. Dahilan para matigil ako sa pag iisip. Pati sila Yul na nauunang naglalakad sa akin papasok sa building ay napasulyap. Nagkibit balikat lang ako. Kinuha ko yung phone ko at binasa ang text na dumating.

From: Jessica Jung

Today is your audition, right?

Tipid na text niya. Bahagya akong napangiti. Ilang araw na kaming nagkakatext ni Jessica. At kung ano ang attitude niya sa personal ay ganun din sa text. Hindi siya nakakaboring kausap. Yung tipong machachallenge ka sa tuwing nag oopen siya ng topic. Kung minsan naman ay cold siya magrply. Ang totoo wala naman akong balak itext siya dahil si Yul talaga ang may gusto ng number niya. Pero nagulat na lang ako isang gabi ng siya mismo ang unang magtext sa akin.

Nakangisi akong nagtype ng reply.

To: Jessica Jung

Yep, you don't remember? You ask the same question last night.

Naglakad kami papasok sa elevator. Medyo maraming tao ngayon pero hindi din naman ganun kasikip. Ilang sandali pa ng muling tumunog ang phone ko. Binuksan ko ito at nakita ang reply ni Jessica.

From: Jessica Jung

It's not worth to remember.

Napatawa ako ng mahina ng mabasa to. It's not worth but she keeps on asking me? Magtatype na sana muli ako ng reply ng bigla akong kalabitin ni Yul. Pinilig ko ang ulo ko at sinulyapan siya.

"Who's that?" Tanong niya saka tumingin sa phone na hawak ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"It's Jessica Jung." Tipid na sagot ko. Nanlaki ang mata niya.

"What!? And why you're smiling?!!" Galit na tanong niya with a hint of jealousy. Kitang kita ko pa yung pagpula ng dalawang tenga niya. Napangisi ako.

"Not like you care." Sabi ko kasabay ng pagbubukas ng elevator. Senyales na nasa floor na kami. Kaagad akong lumabas ng lift at naglakad sa tabi ng bintana. Palihim ko na idinial ang number ni Jessica bago pa makita ni Yul. Nakatatlong ring pa muna ito bago niya sagutin.

[Oi. Why calling?] She ask in a sleepy voice. Lalo akong napangisi. Sumulyap ako sa likuran ko at nakita ko si Yul na salubong ang kilay habang naglalakad palapit sa akin.

"Is it bad calling you?" Tanong ko sa kabilang linya.

[No, you're in Sm building?]

"Yeah. Did Yul never told you?" Tumigil sa harapan ko si Yul. Pinindot ko ang loud speak ng phone ko at itinaas yun sa harapan niya. Nanlaki ang mga mata niya.

[Yul? He never texted me. Just a call one time.] Napataas ako ng kilay na tumingin kay Yul. Pulang pula pa din yung mukha niya.

"Why? I thought you're in good terms with him."

[We're friends, i think. What are you saying Taengo? I think he likes Tiff. He get her number from me. So yeah, I gotta go. Bye.] Then she hung up. Nalaglag ang panga ko. Hindi makapaniwalang binalingan ko si Yul. Nakatulala lang siya at pulang pula ang buong mukha.

SNSD House BoyWhere stories live. Discover now