34. I won't do anything

618 16 3
                                    

Chapter Thirty Four



Taeyeon's Pov




Pinatunog ko ang sasakyan ko at pinagbuksan ng pinto si Tiffany. Nakangisi siyang pumasok. Hinintay ko siyang makaupo ng maayos sa front seat bago ako na mismo ang maglagay ng seatbelt sa kanya. I saw how she tensed ng magkalapit ang mukha namin.




Inilapit ko ang mukha ko sa kanya and I saw her biting her lower lip. Pigil na pigil siya sa kanyang hininga habang pinagmamasdan ako. I chuckled.





Sumimangot siya kaya kaagad ko siyang hinalikan sa noo bago tumayo ng maayos at isarado ang pintuan ng front seat. Maglalakad na sana ako patungo sa driver seat ng marinig ko ang boses nila Yoona sa likuran ko. Lumingon ako sa kanila at ngumisi. Sa likod ni Yoona ay si Soo na kasama ni Sunny. Samantalang sa tabi niya ay ang nakahalukipkip na si Yuri.







"Thanks for the help guys! Goodnight." Nakangising pahayag ko. Hanggang ngayon I still can't believe na sa akin na si Tiffany, atlast. And it is official.




Ngumiti lang si Yoona at tumango naman si Soo bago kaladkarin ang mukhang may tama ng si Sunny sa sasakyan niya. Mukhang naparami to ng inom pagkatapos kaming iwan na dalawa ni Tiffany sa rooftop.





Tumingin ako kay Yuri para sana magpaalam na ng mabilis siyang naglakad palapit sa akin. Seryoso ang kanyang mukha at malamig ang tingin na ipinupukol sa akin. Napataas ako ng kilay.





"What's the matter--"





"I need to talk to you." Mataman na bigkas niya. Napaawang ang labi ko.




"Okay?"




Bumuga siya ng mabigat na hininga at bahagyang pinilig ang ulo. Tinitigan niya akong mabuti. Umawang ang kanyang labi pero walang anumang salita ang lumabas dito. Muli niyang itinikom ang bibig niya at nagbuntong hininga. Napakunot ako ng noo. He looks like he's contemplating if he should say things to me or not.

SNSD House BoyWhere stories live. Discover now