6. Next Time

736 21 3
                                    

Warning! Mejo spg~

Chapter 6

Taeyeon's Pov

"There they are!" Ani ni Seohyun sa natitilihang tono sabay turo sa kabilang direksyon.

Nag angat ako ng tingin and there. Hindi nga ako nagkamali ng akala.

I saw Jessica, Sunny and... Tiffany. Walking towards us.

Nahigit ko ang hininga ko. Pakiramdam ko bigla na lang tumigil sa pagtibok yung puso ko. Lalo na ng magtagpo ang mata namin ni Tiffany. Muli na namang nabuhay yung nararamdaman kong kung ano. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang pinapanuod silang maglakad palapit sa amin. Diretso ang tingin sa akin ni Tiffany. Yung parehong tingin na ibinigay niya sa akin last time ng magkita kami sa elevator ng hotel. At nung nahuli ko siyang tinititigan ako sa side view mirror ng sasakyan ko. Her brown perfect orbs staring directly at me. Nakakapanghina ng tuhod at nakakalusaw. Para itong tumatagos sa kaluluwa ko sa tuwing tumitingin.

"Oi" Bati ni Jessica ng tumigil sa harapan namin. Sinulyapan ko lang siya pero nagbalik din ako kaagad ng tingin kay Tiffany. Hindi ko alam kung anong mali sa akin pero hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. She's just wearing a pink flowy long sleeves off shoulder tee at short shorts. But damn! She's so beautiful. Her hair neated tightly on a bun making her white silky neck fully on a sight. And her short shorts complimenting her smooth thighs as well. Napalunok ako at marahang nag iwas ng tingin. Ramdam ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko. I can't bare it. I'm fvcking attracted to her kahit pa alam kong hindi dapat.

"Mag a-audition din kayo?" Masayang tanong ni Sunny na tumatalon talon pa sa tuwa. Nagbaling ako ng tingin sa kanya. Nakafaded yellow V-neck tee lang siya habang naka pants.

"Yeah, san ba dito?" Si Yul ang sumagot. Napapalakpak lang si Sunny at pumunta sa gilid ni Sooyoung.

"Dun sa loob ng conference! Samahan na namin kayo!" Aniya sabay higit sa nakakunot noong si Sooyoung.

Napatawa ako ng mahina at nagpilig ng ulo. Dito hindi sinasadyang mapatingin na naman ako kay Tiffany. At ganun na lang ang pagkabigla ko ng makitang nakatingin din siya sa akin. Nagsalubong ang mata namin pero siya ang naunang mag iwas ng tingin. Mukha siyang napaso sa tingin ko. Napakagat ako ng labi ko. Pagkatapos ay sinundan na namin sila Sunny na nauna na sa loob.

Pumasok kami sa isang malaking mukhang practice room. May mahabang lamesa na nasa gilid at mga upuan. Hindi ganun kadami ang mga tao. Marahil dahil hindi pa naman ngayon yung mismong audition. Lumapit si Sunny dun sa isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa at kumuha ng papel. Pagkatapos ay nakangiting bumalik siya sa amin at inabot yung mahabang bond paper.

"Mag fill up na kayo! Tapos may interview pa then next week yung audition!" Masayang sabi niya. Tumango lang ako saka pinagmasdan yung papel na inabot niya.

Ilang sandali pa ng matapos kaming mag fill up ay tawagin kami at isa isang papasukin sa kabilang kwarto.

Unang tinawag si Yoong. Pinanuod lang namin siyang pumasok dun. Umupo kami sa gilid habang naghihintay. Pinasadahan ko ng tingin ang malaking kwarto na mukhang practice room. May mga salamin ang gilid nito at may malaking poster ng langit na may mga ulap ang kabilang pader. Napakunot lang ako ng noo. It's weird, bakit langit? Anong meron sa ulap?

"Hubby..." Natigilan na lang ako ng bigla akong kinalabit ni Minah. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at ipinulupot ang braso dito. Nagpilig ako ng ulo at sinulyapan siya.

"Wae?" I ask.

"Pwede bang sa kotse na lang ako? I'm bored." Bahagya siyang lumayo sa akin at tinitigan ako. Napahalakhak ako. Hinawi ko yung buhok niyang tumatabing sa mukha niya.

SNSD House BoyWhere stories live. Discover now