35. Happy Ending

633 20 7
                                    

Chapter Thirty Five




Bumukas ang pintuan ng dorm kinaumagahan at nakita ko ang nakangising si Sunny na papasok dito. Tinagilid ko ang ulo ko at nagtaas ng kilay habang pinagmamasdan siya.



"Morning!" Bati niya habang naglalakad patungo sa sala. Saglit siyang natigil at natuon ang atensyon sa isang direksyon. Napakagat ako ng ibabang labi ng makita ito.



"Hey good morning Soonkyu!" Masayang sabi ni Taeyeon. Tumayo ito mula sa lapag at dinaluhan si Sunny.



I crossed my legs habang lihim na pinagmamasdan sila sa gilid ng aking mga mata.




"What are you doing?" Takang tanong ni Sunny saka iminuwestra ang vacuum at ang mop na nasa gilid.




Tumawa si Taeyeon.



"Cleaning?"




"I know you are cleaning pabo. But why?" Tumingin sa akin si Sunny. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang mapigilan ang pag ngisi.




Nagkibit balikat lamang si Taeyeon bago dumalo sa akin at hagkan ako sa noo. Saglit akong natigilan at napasinghap ng magkalapit kami ng sobra.




"I'll just go take a bath. You need something?" Aniya sa malumanay na tono.



Lumunok ako at nagtaas ng tingin before I mouthed the word 'no'. He smiled then walk away pagkatapos itabi ang vacuum.




Tulala si Sunny at laglag ang panga ng makaalis si Taeyeon. Hindi makapaniwala sa kanyang nakita. Dali dali siyang lumapit sa akin at pinaghahampas ako sa braso. Napangiwi ako at binatukan siya.




"Tell me what happened last night! Bakit naging janitor na yun dito? Is he a houseboy now?" Natitilihang tanong ni Sunny.



Namilog ang mga mata ko ng marinig ang sinabi niya. Pakiramdam ko ay may tumusok tusok sa sikmura ko.




"Walang nangyari kagabi!" I said beyond hysterical. Umiling iling ako at tinitigan siya ng hindi makapaniwala.

SNSD House BoyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora