5. Jessica

829 21 0
                                    

Chapter Five

Taeyeon's Pov

Tahimik akong naglalakad sa kahabaan ng corridor ng mapansin ang commotion sa school grounds. May mga students na nagkukumpulan dito at nagkakagulo. Napaangat ako ng kilay. Hindi ko na sana papansinin yun ng makita ko ang ibang students na nagtatakbuhan na rin papunta dito.

Tinanggal ko ang oversized headset ko sa tenga saka pumihit paharap dito. Pinasadahan ko muna ito ng tingin bago maglakad papalapit.

"Hyung!" Natigilan ako ng marinig ang boses ni Yoona na tumatawag sa akin. Iginala ko ang paningin ko. Sa kabilang gilid nakita ko siya na kinakawayan ako habang nakangisi. Kasama niya din si Yul at Soo na parehas seryoso ang mukha habang nakatitig dun sa commotion. Sumulyap sa akin si Yul, seryoso ang tingin na binigay niya sa akin bago mag iwas ulit ng tingin. Kunot noo akong naglakad papalapit sa kanila.

"What's with the fuzz?" Tanong ko. Nabura yung ngiti ni Yoona.

"May binubully na naman sila." Tipid na sambit ni Yoona bago nagbaba ng tingin. Binubully?

Magsasalita pa lang sana ako ng biglang sumingit si Yuri.

"It's Janhae." Matigas na wika niya. Natigilan ako. Nagbaling ako ng tingin sa kanya at kitang kita ko ang mabigat na paghinga niya. Bakas din sa mukha niya yung pagsisisi. Nahigit ko ang hininga ko.

"Untill now? Bakit hindi niyo pigilan?" Tinitigan ko yung mga nagkakagulong students. May mga naghihiyawan pa dito at tawanan. Para lang silang nanunuod ng magandang palabas. It's been a week simula nung aksidente between Janhae and I. Infact sinabihan ko lang naman siyang cute? Alam kong marami talagang maiinis sa kanya. But I didn't think na aabot ito ng ilang linggo. Darn. Humans, pare parehas talagang makikitid ang utak. They were exaggerating.

"As if we can. Alam mo namang lalo lang lalala ang sitwasyon kung ma--" Hindi ko na tinapos ang sinasabi ni Yul. Galit akong sumugod sa mga nagkukumpulang studyante. Dinig ko pa ang pagtawag nila Yul sa akin pero hindi ko na yun pinansin.

Sumingit ako sa mga nagkukumpulang tao. Hanggang sa mapunta na ako sa mismong gitna. Halos matulala ang lahat ng makakita sa akin. Nahawi ang daan.

Lahat sila ay mukhang natakot ng makita ako. Yung iba ay umatras, samantalang yung iba naman ay nag alisan na.

Hinarap ko si Janhae. Naka upo siya sa lapag habang pinalilibutan ng tatlong babae. Yung tatlong babae na pinakapasimuno lagi sa pang bubully dito. At yung tatlong babae din na namumuno kuno ng fansclub namin.

Pinasadahan ko sila ng tingin. Lalo na si Janhae. Nag igting ang bagang ko ng makita ang ayos niya. Basang basa ang uniform niya at gulo gulo ang buhok niya.

"Yan ang bagay sayo! Bitch!"

"Malandi ka talaga!"

"Anong akala mo? Porke't naging babae ka ni Yul Oppa makakalapit ka na din sa Taeyeon Oppa namin?

"Mamatay ka na! Tutal nalulugi na rin ang business niyo diba?"

"Hindi ka deserving dito sa earth! Makati ka!"

Napapikit ako sa inis ng marinig ang mga sinasabi nila kay Janhae. Yung tatlong babaeng nakapalibot sa kanya. Hindi nila alam na nandito na ako sa likuran at pinapanuod ang ginagawa nila. Humugot ako ng malalim na hininga saka naglakad palapit. Hinawi ko sila saka lumapit sa gitna kung nasaan si Janhae.

Kitang kita ko ang pagkalaglag ng panga nung isa sa mga babae ng makita ako.

"T-T-Taeyeon Oppa?" Sabi nung isa saka nagsinghapan yung iba. Hindi ko sila pinansin. Tinitigan ko lang si Janhae na ngayon ay namimilog ang mga matang nakatingin sa akin. Lumuhod ako sa harapan niya. Hinubad ko ang coat ko na kasama sa uniform saka ito ipinangtaklob sa kanya. Bakat na din kasi yung bra niya dahil sa pagkakabasa. Tinulungan ko siyang tumayo.

SNSD House BoyWhere stories live. Discover now