Fallen V

1 1 0
                                    

Lumipas ang dalawang araw nang hindi nagpapakita sakin si Maxine. Ano kayang nangyari don?

Parang ang tagal naman ata niyang magreport. Tsk.

Teka, eh ano namang pakialam ko? Bahala siya sa buhay niya! Kung gusto niya kahit wag na siyang bumalik!

"Shawn! Lutang ka na naman! Kanina pa kita tinatanong. Ano ba pre?!"- inis na bulyaw sakin ni Paolo

"Sorry pre. Ano ba yon?"- tanong ko.

"Nung isang araw ka pa parang wala sa sarili ah? May sakit ka ba?"- nag-aalalang tanong naman ni Mark.

"Huh? Wala wala. May iniisip lang ako"- sagot ko naman

"Babae ba?"- tumataas babang kila'y na tanong ni Jason

"Nako, Jason! Wag mo kong igaya sayo"- siko ko sa kanya.

"Mga pre feeling ko babae yan eh"- biglang bulalas ni Mark

"Ako man eh"- gatong din ni Jason.

"Kwento mo na yan Shawn!"- Paolo.

"Kwento! Kwento! Kwento!"- sabay sabay na hiyaw nila sakin

"Tumigil nga kayo! Wala akong ikukwen---"- natigil ako sa pagsasalita ng may humiyaw sa pangalan ko.

Sabay sabay kaming lumingon sa likod kung san galing ang babaeng tumawag sakin.

At ganoon na lang ang saya ko nang makita si Maxine na kumakaway sakin.

"Oh men! Ang ganda"- sabay patong ni Jason ng kamay niya sa balikat ko.

"Tigilan mo lang yang pagiging babaero mo ah?"- banta ko sa kanya.

"Ohhhh!"- sabay sabay nilang komento.

Parang mga tanga to.

"Shawn!!"- patakbong pumunta sakin si Maxine nung hindi agad ako nakalapit sa kanya.

Hindi ko namalayang ang laki na pala ng ngiti ko na naging dahilan para asarin ako ng mga lalaking katabi ko. Lintek.

"Hi, beautiful"- kinuha ni Jason ang kamay ni Maxine at hinalikan ang likod nito.

Anak ng!

"Ang gentleman mo naman haha"- mukha namang tuwang tuwa tong Maxine na to.

"Girlfriend mo, pre?"- tanong ni Mark.

"Baka iyan yung nung isang araw mo pang iniisip. Ayie"- sabay sundot ni Paolo sa tagiliran ko.

"Really, Shawn? Palagi mo kong iniisip?"- mukhang na excite naman si Maxine.

"Tss. Hindi no! Bat naman kita iisipin?"- tanggi ko.

"Sus! Tanggi pa siya"- Paolo

"Shawn, pakilala mo naman kami"- siko sakin ni Jason.

Sus! Nakapag-hi beautiful ka nga eh!

Oo nga pala nakakabasa ng isip tong anghel na to. Kailangan kong alisin ang mga naiisip ko.

"Maxine, mga kaibigan ko nga pala. Si---"- di na niya ko pinatapos kasi isa isa niya silang tinuro.

"Alam ko. Si Jason, Mark, at Paolo"- turo niya.

"Naks pre! Naipakilala mo na pala kami sa girlfriend mo"- akbay sakin ni Paulo.

"Di ko siya girlfriend no!"

"Yeah right!"- irap ni Maxine.

Di ko alam kung totoo bang anghel to eh. Dapat mabait siya eh.

"Anyways, We gotta go. Bye guys"- sabay hitak niya sakin. Etong babaeng to masyadong natuwa ata sa paghitak sakin.

My Heart is Yours, Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon