Fallen II

3 1 0
                                    

Chapter 2

Umaga na, may pasok na naman. Buti na lang biyernes na! Wala akong trabaho mamaya.

Inaayos ko na yung kama ko nung matanaw ko na naman yung balahibo na yon. San kaya to galing? Nilipad ng hangin? Eh wala namang bintana tong kwarto ko. Saka mukha talagang galing sa pakpak eh. Pero sino namang niloko ko? Sang pakpak? Sa anghel? Nagagago na ba ko't magpapaniwala ako sa mga anghel? Haha Jusko naman! 17 na ko. Di na ko naniniwala sa ganon. Di na ko bata.

Pero nakapagatataka talaga. Saan kaya galing yon.

Natigil ako sa pag-iisip tungkol don ng magring ang cellphone ko.

Paolo calling...

Simagot ko naman to agad.

"Hello, pre?"- sagot ko.

"Pre, alam ko namang di ka madalas mag-facebook kaya di mo na naman alam na ala-una pa pasok natin"- bungad niya

"Talaga ba pre?"- paninigurado ko

"Aba'y kung ayaw mo maniwala sakin. Buksan mo yang data mo at magbasa sa GC natin. Sige na, matutulog muna ko. Concern citizen lang"- pinatayan niya ko matapos sabihin yon.

Buti na lang kahit gago yong mga kaibigan ko na yon eh talaga namang maaasahan ko.

Binuksan ko na din yung facebook ko para makasigurado nga.

Oo nga. Mamaya pa pasok namin.

Hays. Ano naman kayang pwedeng gawin?

Alas-otso pa lang! Ang bagal ng takbo ng oras.

Gusto ko sanang manuod ng TV kaso wala pala ko non.

Binagsak ko ang sarili ko pahiga sa kama at tumitig sa kisame.
Hindi ko mapigilang mapaisip.
Paano kaya kung buhay pa ang mga magulang ko? Anong klase kayang buhay ang meron ako ngayon? Mayaman kaya ako? Mayaman ba ang mga magulang ko? Ang daming tanong ang gusto kong masagot. Kaso walang kahit na sino ang makakasagot non.

Bakit ipinagkait sakin ng Diyos na magkaroon ng pamilya? Ng makakasama sa buhay?

Minsan napapaisip na lang din ako kung totoo bang may Diyos.

Hahaha Ni hindi nga ako makapunta ng simabahan eh. Pano ko pa kaya naiisip kung may diyos nga. Wala akong will para pumasok sa simbahan. Para ano pa? Hilingin sa Kanya na ipakita sakin ang mga magulang ko? Ha! Sawa na ko. Limang taon kong hiniling yun sa kanya. Simula nang magkaisip ako, palagi akong nasa simbahan. Hinihiling na makita ang magulang ko. Kahit sa panaginip man lang o di kaya ay kahit lumang litrato lang nila. Pero ni anino ata ng mga magulang ko wala akong napanaginipan. Kaya naman mula non di na ko nagsisimba. Wala din namang papupuntahan.

Napatingin ako sa cellphone ko. 10:00 am na. Magluluto pa pala ko ng tanghalian ko.
--------

Inayos ko ang polo ko at inabot ang suklay. Tumingin ako sa salamin at nakita ang napakagwapong nilalang.

Hinawakan ko ang salamin.

"Ang gwapo mo talaga Shawn"

Hays. Siguro gwapo din ang tatay ko at maganda naman ang nanay ko.

Pfft. Nababakla na ko hahaha.

Lumabas na ko ng bahay bago pa ko tuluyang mabaliw.

Tinawagan ko si Jason para sana tanungin kung sabay ba kaming papasok ngayon kaso di sumasagot. Panigurado aabsent yon. Tsk tsk. Tamad talaga non.

Nag-abang na lang ako ng jeep. Kaso kalahating oras na kong nag-aabang wala pa ding jeep. Hay nako! Wag na kaya akong pumasok?

Hindi! Hindi!
Tinampal ko ang sarili ko. Ano ka ba naman Shawn?! Wag kang umabsent. Di ka nga matalino pero tandaan mo! Scholar kaaa!!! Kailangan mong pumasok kung ayaw mong matanggal sa scholar at di makapag-aral!

Putek. Nasisiraan na talaga ko ng bait. Di maganda to. At bago pa ulit ako masiraan ng bait, pinara ko na yung dumaang tricycle.
---

"Ayyy!"

"Bat may usok?"

"Ano yan?"

"Nakupo. Trapik pa!"-banggit ni kuyang driver. Di kaya isa tong premonition na wag na nga akong pumasok?

"Kuya, anong meron? Bat daw trapik?"- tanong ko sa driver ng sinasakyan kong tricycle. Sinilip niya kasi kung anong meron don.

"Nako boy, may banggaan ata don eh. Ang kapal nung usok. Di ko masyadong makita eh"-kumakamot pa sa ulong sabi niya.

Nagmamadali akong bumaba sa sinasakyan kong tricycle ng makitang nagkakagulo ang mga tao. Baka mamaya may masama palang nangyari na maaaring ika-kansela mg eskwela, hindi ko man lang nabalitaan.

"Hala! Ano kaya yon? Kawawa naman yung driver ng truck"- rinig kong komento ng isang babae sa kasama niya.

Nakisiksik ako at tinignan kung ano ang nangyayari. May lahi din kasi akong tsismoso.

"Ate ano pong nangyari?"-usisa ko.

"Naku pogi, may bigla kasing lumitaw jan sa kalsada na parang itim na usok. Tapos nabangga yung truck kahit na usok lang naman yon. Pero mukhang iniimbestigahan na iyon ngayon ng mga pulisya"- paliwanag sakin ng babae.

"Ahh, Salamat po"- nakita kong dinala na sa ambulansiya yung driver.

Paalis na sana ko nang mag-alisan na din yung mga tao, pero parang may gumalaw dun sa usok na simasabi nila. Ewan ko ba pero parang gusto ko 'yong lapitan.

Nang papalapit na ko, nanlaki ang mata ko. May nakita akong pakpak! Kinusot ko ang mata ko pero hindi pa din naaalis ang pakpak. Nang mapansin kong gumalaw ito, naanigan ko ang isang babae. Nanlaki ang mga mata ko. Imposible!

Isang... Anghel?!

"OY YUNG LALAKE MASASAGASAAN!"-as if on cue, huminto ang paligid ko. Napatingin ako sa kotseng malapit na sanang bumangga sakin. Nakahinto din ito dalawang dangkal ang layo mula sa akin. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang mga taong hindi gumagalaw. Ang iba ay nakaturo at nakatingin sakin. Ang iba naman ay nakatalikod at papaalis na sana. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Parang may pumipintig sa ulo ko. Hindi ko kayang i-absorb ang mga nasaksihan ko kaya naman nang magsalita ang babaeng may pakpak o yung anghel na nakita ko ay nandilim ang paningin ko.

At sana pala di na lang ako bumaba ng tricycle. Naghintay na lang sana akong humupa ang trapik.

Dahil hindi ko alam nang araw ding iyon, ang dahilan ng malaking pagbabago sa buhay ko.

"Ikaw na nga"

Ang mga salitang iyon ang hinding hindi ko malilimutan. Tumatak ito sa isip ko hanggang tuluyan na nga akong kainin ng dilim.

My Heart is Yours, Fallen AngelWhere stories live. Discover now