“Nung bata pa kasi ako, mahilig magsimba si Mommy at siyempre kasama ako. Tapos naeengganyo niya akong maging sakristan kaya ayun, simula nun hindi na ako tumigil kasi naging tropa ko na din ang mga pari at ang mga kasamahan ko.” Kwento niya kasi tinanong ko kung bakit siya naging sakristan eh wala naman sa itsura at sa pagkatao niya ang pagiging banal.

“Bat di ka nagpare?” Kinamot ko ang lamok na kumagat sa paa ko at nanalangin na sana walang dengue ang lamok na yun. Kunsabagay, nasa ground kami ng simbahan. Mahiya naman ang lamok na may dengue kung dito pa siya magkakalat ng lagim.

“Seryoso ka? Ako magpapare? Kilala mo naman ako nung highschool di ba? Ang labo at magkakasala lang ako.” Napataas ang kilay ko at tiningnan ko siya ng masama.

“At sa lagay na yan takot ka pang magkasala ha!” Paismid na sabi ko and as usual, hindi na naman siya apektado.

“Wala ka talagang bilib sa akin ano? Samantalang dati, halos matapilok ka na kakahabol sa akin. Di bali, ngayong pumayag ka nang makipagdate sa akin, pasasaan ba at mahuhumaling ka ulit sa akin.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi dahil sa mahuhumaling ako ulit sa kanya kundi sa salitang date.

Date?

Are we dating?

Pero kung hindi? Ano ang tawag sa ginawa namin?

Then unti unting, nagsisink in sa akin ang katotohanan. I don’t even trust this guy, but how come…

“I can’t believe this!” Umiling iling pa ako habang sinasabi ko yun dahil aminin ko man o hindi ay nakikipagdate ako ngayon kay Jaysonsa. Kahit pa sabihing mukhang napipilitan lang ako pero date pa din ang tawag dito.

“Ang ano?” Nagtataka naman siya sa biglang pagbulalas ko.

“Tinitipid mo ako.” Hindi talaga ako makapaniwala na nakipagdate ako sa kanya tapos ostia ang pinakain niya sa akin at sa gilid kami ng simbahan nagdedate. Ano kami teenager? At nasaan na ang eat-all-you-can na sinabi niya kanina? Nilipad na ng hangin?

“Sus, akala ko naman kung ano. So, gusto mo bang ma experience ang makipagdate sa akin ng hindi kita tinitipid?” He wriggled his eyebrows and smiled at me. Kumunot naman ang noo ko when I realized na dumidiskarte na naman siya.

No wonder ang daming nagpaloko sa kanya. Tsk. Tsk.

“Huh! Smooth. Very very smooth move Jayson.” Napatawa siya sa sinabi ko na para bang aliw na aliw kasi nahuli ko ang diskarte niya. Seriously, hindi napapansin ng ibang babae na nilalandi na sila ni Jayson? O baka sadyang hindi lang talaga pinapansin kasi sinasakyan?

“Ang hirap naman palang dumiskarte sa isang psychiatrist. Pero come to think of it Rose, malay mo, ibang experience ang maranasan mo next time. Baka may matutunan kang mga bagay bagay sa akin.  Malalaman mo kung gaano ako kagalante. Baka ibili pa kita ng bahay pag nagustuhan ko ang company mo.“ Pinigil kong tumawa dahil sa kayabangan niya. Supposedly, naiinis na ako kasi inis ako sa mga mayayabang na mga tao pero mukha kasing hindi naman pagmamayabang ang way ng pagkakasabi niya. 

“Huh! Bribery.” I said while controlling my smile. Am I flirting with him?

“At lupa pati kotse.” Dagdag pa niya.

“Scammer!  Ni hindi mo nga natupad ang eat-all-you can na sinabi mo, bibilhan mo pa ako  ng lupa’t, bahay at kotse?“ Hah! Ang mga lalaki talaga. Gagawin at sasabihin ang lahat ng kayabangan sa mundo maka diskarte lang. No wonder ang daming nalolokong babae.

“Anong hindi? Ano ang tawag mo sa kinain natin kanina. I told you to eat all you can. Ikaw lang naman ang hindi kumain ng madami.” Eat all you can? Ng Ostia. Seryoso siya? Pasamalat nga kami di kami nahuli. Di sana tinawag na akong erehe ng mga pari.

“Eat all you can ang tawag mo dun? Paano ako kakain kung pakiramdam ko kikidlatan ako tuwing sumusubo ako? Really Jayson, I can’t understand you.”

  

“That’s why you have to experience dating me again. Para mas makilala mo ako.” Napaharap siya sa akin at tiningnan ako. Nakalimutan ko bigla ang sasabihin ko. Ano nga ba yun?   

“Ahhh…” Yan na lang ang nasabi ko. Bakit ko ba nakalimutan ang sasabihin ko nung tiningnan niya ako? Strange. Really strange.  

“Ano? I promise, I’ll treat you to a real buffet restaurant.” May kasama pang pagpapacute nung sinabi niya yun. And I am aware that he is using all his charms on me. No wonder nawawala ang mga sasabihin ko.

“Mukha mo!” Was all I managed to say. Pero di ko napigilan ang mapangii na hindi naman nakaligtas sa tingin niya.

“And that’s a yes.” He declared.

Teka saan ang yes sa sinabi ko? Pumayag ba ako? Pero wala na akong nagwa kasi tumayo na siya at niyaya na akong umuwi at nilalamok na daw kami.

Ngayon lang niya napansin? Kanina pa kaya!

Pero yung sa date…wala na akong nagawa.

I told you, he is persuasive. Very, very persuasive.

Run, While You Still CanWhere stories live. Discover now