41st Chapter

1.7K 48 1
                                    

NAG-ANGAT ng tingin si Sava sa may hawak ng kapeng bigla na lang sumulpot sa harap niya. "Echo."

Echo smiled faintly at her. Umupo ito sa tabi niya, sa mga nakahilerang visitor's chair sa pasilyo. "Magkape ka muna."

Ikinulong niya ang cup ng kape sa pagitan ng mga palad niya. "Kumusta si Tita Andrea?"

"Nakatulog si Mommy sa sofa sa kuwarto ni Von. Napagod siguro kakaiyak."

Ngumiti siya ng malungkot. "It couldn't be helped. Si Tita Andrea ang mag-isang nagpalaki sa inyong magkapatid simula nang maghiwalay sila ng daddy mo. Mabigat talaga sa kanya ang nangyayaring ito. How about your dad? Alam na ba niya ang nangyari kay Von kanina?"

Ngumiti ito ng mapait. "Alam na niya. Hindi siya makakapunta kaya nagpadala na lang siya ng pera. He's too busy running his chains of hotels and he doesn't care one bit about my brother's condition. Ang mahalaga lang sa kanya ay mapalago ang negosyo niya. Sapat na sa kanya ang nasusuportahan niya kami financially. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil kahit masakit, ang pera niya ang dahilan kung bakit buhay pa rin ang kapatid ko hanggang ngayon. Kung kami lang kasi ni Mommy, hindi namin kakayanin ang gastusin sa ospital, lalo na't simpleng column writer pa lang ako no'ng mga panahong iyon."

Yumuko siya sa kape niya. Naalala niya bigla ang walang kuwenta nilang ama na naging dahilan ng paghihirap nilang magkakapatid. "Hindi naman lahat ng ama sa mundo ay may silbi. 'Yong iba, matatawag lang na ama dahil sa lintik niyang sperm cell na bumuo sa'tin. Pero hanggang do'n lang ang pagiging ama nila. Kaya nga natatawa na lang ako sa mga taong naghahanap sa mga tatay nila. Kung may mabuting ina ka naman, bakit hahanapin mo pa ang walang kuwentang tao gaya ng ama? If he's a good man, hindi siya mawawala sa buhay niyo."

Nagkatinginan sila ni Echo, saka nagkatawanan ng mahina. Pareho silang may galit sa kanya-kanya nilang ama – isa sa mga dahilan kung bakit mas naging malapit sila sa isa't isa.

"Anong naging reaksyon ni Tita Andrea nang makita niya si Emil kanina? Nagalit ba siya?" mayamaya ay tanong niya kay Echo.

"Sa sobrang pag-aalala ni Mommy sa kapatid ko, wala na siyang lakas para magalit kay Emil. Isa pa, hindi makitid ang isip ng mommy ko. Alam niyang walang kasalanan si Emil sa nangyari kay Von."

"She was so angry then..." Naalala niya no'ng unang beses na dumalaw sila ni Emil kay Von sa ospital. Pinagtabuyan sila ni Tita Andrea na galit na galit pa kay Emil no'n. Ang binata ang sinisisi ng ginang noon sa nangyari sa anak nito.

"Noon 'yon, Sava. Napangunahan lang ng galit si Mommy dahil bago pa ang lahat. And who wouldn't forgive Emil right after you kneeled before us?"

Nilingon niya si Echo. Nangingislap ang mga mata nito na parang ba naaaliw sa kanya. Pabirong binunggo niya ito. "Pinagtatawanan mo ba ko?"

Nakangiting umiling ito. "Of course not. I still remember that day, Sava. The day when you got on your knees and begged us to forgive Emil. Lumuhod ka habang umiiyak at nakikiusap sa'min na huwag kamumuhian si Emil. Nakiusap ka rin sa'min na itago sa kanya ang tunay na kalagayan ni Von dahil ayaw mo siyang masaktan."

"Nagalit ka sa'kin no'n," pagpaalala niya rito.

"Sino ba namang hindi magagalit no'n?" natatawang tanong nito sa kanya. "Gusto mong protektahan ang damdamin at pangarap ng boyfriend mo habang ang kapatid ko, nakaratay sa kama at walang malay."

Napangiti lang siya. "Pero tinanggap niyo rin naman ang pakiusap ko."

"Araw-araw mo kaming ginugulo ni Mommy no'n. Araw-araw kang lumuluhod sa harap namin. Hindi naman bato ang puso naming mag-ina para hindi maantig sa ginawa mo. At nakita naming may malasakit ka talaga sa pamilya namin. I guess you won my mother's heart from the day you kneeled in front of us. Pangarap din kasi ni Mommy na magkaroon ng anak na babae."

Lumuwang ang ngiti niya. "Kaya pala naging sobrang bait ni Tita Andrea sa'kin."

"She missed you when you went to Canada with your sisters. Hindi mo alam kung ga'no siya kasaya nang bumalik ka three years ago. Pasensiya ka na sasabihin ko, pero sa tingin ko, ikaw ang ginawang replacement ni Mommy kay Von no'n. But my mom really loved you."

"Alam ko 'yon, Echo. Masaya rin naman ako na ako ang nagiging outlet ni Tita Andrea para kumalma siya."

Nilingon siya ni Echo. May kakaibang emosyon na naglalaro sa mga mata nito. "My mom actually wanted us to end up together. Ikaw ang gusto niya para sa'kin, that's why she doesn't like my wife," halatang nagbibirong sabi nito.

Natawa siya ng mahina. "You have a good wife. Matatanggap din siya ni Tita Andrea."

Echo smiled sadly. Hinawaka nito ang kamay niya. "I hated you at first, Sava. Isang batang babae na handang lumuhod sa harap ng ibang tao para lang sa lalaking mahal nito. Sa totoo niyan, I really thought you're stupid then. Pero habang tumatagal, sa tuwing makikita ko kung pa'no kumikinang ang mga mata mo kapag nababanggit si Emil, namamalayan ko na lang na nahihiling ko na pala na sana, ako ang nasa receiving end ng mga ngiti at pagmamahal mo."

May kumurot sa puso niya. "Echo..."

Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya. "I asked you to marry me a year ago, Sava. Ginawa ko 'yon hindi dahil gusto kong takasan ang responsibilidad ko sa asawa ko. Nag-propose ako sa'yo dahil ikaw ang mahal ko. Sa totoo lang, umasa akong mamahalin mo rin ako. Kaya kong iwan ang asawa ko para sa'yo. Pero alam kong kamumuhian mo ko kapag ginawa ko 'yon. At sa pagbabalik ni Emil, napatunayan ko na kahit anong gawin ko, sa kanya ka pa rin babalik. Na kahit subukan mo uli na magtago mula sa kanya, mahahanap ka pa rin niya."

Natawa siya ng marahan. "Sa tingin ko, hindi ko na kayang pagtaguan uli siya."

Natawa rin ito habang unti-unting binibitawan ang kamay niya. "Sinasabi ko ang lahat ng ito dahil sa wakas, naisipan ko na rin na pakawalan ka, Sava. I've been unfair to everyone. Hindi ko nagawang lumayo sa'yo kahit kasal na ko, at ginagawa ko pang excuse minsan si Von para makasama ka. Nasasaktan ko rin ng paulit-ulit ang asawa ko. Pero nang makita ko kayo ni Emil kanina, nainggit ako. Your love for each is so strong. Ang dami niyong sinakripisyo para sa isa't isa. Pero lahat ng nawala sa inyo, napupunan ng pagmamahal niyo para sa isa't isa. I want a love like that, too. At hindi ko 'yon mahahanap kung hindi kita bibitawan."

Bumuntong-hininga siya at tinapik sa balikat si Echo. "Sundin mo na kasi ako. Take a look at your wife again. Magagawa mo rin siyang mahalin."

Tumango ito. "I will do that."

Lumagpas ang tingin niya kay Echo nang makita niya sa likuran nito si Coach Tantenco. Tumayo siya. "Coach, nasaan ho si Emil?"

Bumuntong-hininga si Coach Tantenco. "Kinausap ko siya pero hindi niya ko pinapansin. Nandoon siya sa emergency exit, hindi umaalis do'n. Mabuti na nga lang at walang masyadong dumadaan do'n kaya walang nakakapansin sa kanya."

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now