16th Chapter

1.4K 51 0
                                    

AWANG-awa si Sava habang pinapanood ang mahimbing na pagtulog ni Emil sa kandungan niya. Naghihilik ito ng malakas, tanda na pagod ito. Galing itong trabaho kaninang umaga at mayamaya naman ay papasok na ito sa afternoon class nito. Minasahe niya ang mga balikat nito kaya ito nakatulog ngayon. Naroon sila sa ilalim ng puno sa parke ng ES.

Maingat na inalis niya ang nakatabing na buhok sa mga mata ni Emil. Sa mga gano'ng pagkakataon ay nakokonsensiya siya. Tahimik ang buhay ni Emil sa probinsiya noon. Pero ngayon, nahihirapan ito ng gano'n nang dahil sa kanya. Para sa kanya. Kaya nga ang naiisip na lang niyang gawin ay ang pagbutihin ang pag-aaral niya ngayon para kapag siya naman ang nakakuha ng magandang trabaho, pag-aaral na lang ang kailangang isipin ni Emil.

Kaya natin 'to, Emil. Kakayanin.

"Ah, nakita ko rin sa wakas si Emilio Agoncillo."

Nalingunan niya si Kenneth. Miyembro ito ng Delta Omega. He was like the peace-maker in the group, pero hindi pa rin ito dapat pagkatiwalaan. "Anong kailangan mo kay Emil?"

"Gusto ko lang siyang makausap."

"No. I won't let you. At puwede ba, bawal manigarilyo sa loob ng campus."

Namalayan na lang ni Sava na gising na pala si Emil nang bumalikwas ito ng bangon. Tumayo ito at tinulangan din siyang tumayo, pagkatapos ay tumayo ito sa harap niya na para bang pinoprotektahan siya mula kay Kenneth.

"Kilala kita," parang gulat na bulalas ni Emil. "Ikaw 'yong lalaki sa barracks. 'Yong nagturo sa'kin kung nasaan si Syd."

"Ako nga 'yon. Kenneth Tantenco. Well, I was debating myself whether to help Sava or not before you came, kaya masaya ako dahil hindi ko na kailangang kalabanin si Syd. Anyway, past is past and everyone has moved on as well."

"Anong kailangan mo sa'min?" tanong ni Emil sa mapanganib na boses.

"Lumayo ka muna kay Sava kung ayaw mo siyang aksidenteng tamaan," nakangising sabi ni Kenneth saka sinugod si Emil.

Napamura si Emil saka tumakbo sa ibang direksyon, palayo sa kanya. Sinangga ni Emil ng pinag-ekis na mga braso nito ang suntok ni Kenneth, pero napaatras pa rin ang una. Pagkatapos ay si Emil naman ang umatake. Tinangka nitong suntukin sa mukha si Kenneth pero mabilis nakaiwas ang una sa pamamagitan ng mabilis na pagyuko.

Pagtayo ng diretso ni Kenneth ay umangat ang kamao nito papunta sa mukha ni Emil na halatang nagulat sa mga nangyayari. But Kenneth's fist stopped midway.

"As I thought, you're good, Agoncillo," papuro ni Kenneth kay Emil bago humakbang paatras ang una. "Muntik mo na kong tamaan kanina. Kung sakaling tumama 'yong suntok mo, malamang bali na ang ilong ko."

Mabilis na lumapit si Sava kay Emil na parang ba hindi makapaniwala sa nangyari. Ngayon lang kasi natalo si Emil sa laban gamit ang kamao. "Nasaktan ka ba, Emil?"

Umiling si Emil, pero nanatiling na kay Kenneth ang atensiyon nito. "Paano mo nagawa 'yon? Paano mo naiwasan ng gano'n kabilis ang mga suntok ko? At bukod pa do'n..." Tiningnan nito ang mga braso nitong mabilis na nagkapasa. Nanginginig din ag mga kamay nito. "Ang solido ng suntok mo."

Ngumisi si Kenneth. "Natural lang 'yon, Agoncillo. Professional boxer ako. 'Yon din ang dahilan kung bakit hindi ako puwedeng basta-basta na lang sumuntok ng kung sino."

"Eh bakit inatake mo si Emil?!" galit na sigaw ni Sava kay Kenneth.

Iwinasiwas ni Kenneth ang kamay nito. "Sorry, sorry. Anyway, ginawa ko lang 'yon para tantiyahin ang lakas niya, at wala akong balak tamaan siya." Dumako ang tingin nito kay Emil. "Agoncillo, nakita ko kung paano mo binugbog si Syd. Ang lakas ng suntok mo, maliksi ka at tamang-tama din ang tindig mo. May potensiyal kang maging mahusay na boksingero. Coach ang daddy ko ng boxing team ng East Sun at naghahanap kami ng bagong miyembro. Baka gusto mong sumali? Kapag nagustuhan ka ni Daddy, puwede ka niyang gawing professional boxer."

Napasinghap si Sava. "No way! Masyadong mapanganib ang pagbo-boksing. We decline."

Nagkibit-balikat si Kenneth, halatang binale-wala lang ang sinabi niya. "Agoncillo, kung sakaling interesado ka, lapitan mo lang ako." Pagkasabi niyon ay umalis na ito.

Naiwan si Sava na hindi makapaniwala sa mga nangyari. Alam niyang boksingero si Kenneth at sikat na coach naman ang ama nito. Pero ni sa hinagap ay hindi niya inakalang magkakaroon ng interes ang mag-ama na iyon kay Emil. But boxing was too dangerous! Tiningala niya si Emil. His eyes were distant. Ano kaya ang nasa isip nito?

To Find You, My Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon