39th Chapter

1.6K 50 1
                                    

PAGDATING ni Sava sa apartment niya, dumiretso agad siya sa kuwarto niya at padapang humiga sa kama. Dahil likas na mahilig manood ng news, binuksan niya ang TV niya at dahil hindi na niya magawang imulat ang mga mata niya dala ng antok, pinakinggan na lang niya iyon.

Kababalik lang niya sa Maynila at kanina lang ay galing siya sa opisina ng Turning Point para kausapin ang publisher niya tungkol sa katatapos niya lang na lifestory ni Emil.

Isang buwan mahigit siyang nanatili sa Baguio kasama si Emil para sa training nito. Gayunman ay kinulang iyon para sa kanila dahil kahit magkasama sila sa iisang bahay, bihira lang silang magkasama ng matagal dahil busy ito sa training nito at sa gabi naman, nakakatulog agad ito dala ng pagod.

Hindi naman siya nag-demand ng oras nito dahil alam niya kung gaano kahalaga para sa binata at para sa buong Pilipinas ang ang susunod nitong laban.

"At para sa Showbiz Chikahan, isang nakakagulat na sorpresa ang sumalubong sa masusuwerteng tagahanga ng boxing idol na si Emilio "the Tornaedo" Agoncillo."

Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang pangalan ni Emil sa telebisyon. Pagtingin niya ay kumunot ang noo niya nang makita sa amateur video na pinapalabas na pinagkakaguluhan si Emil ng fans nito habang palabas ito ng isang... convenience store.

"Paano ba naman, nagpunta ito sa isang convenience store para bumili ng ice cream. Nag-disguise ang sikat na boksingero gamit ang shades at bullcap, pero nakilala pa rin ito ng mga tagahanga nito. Hayun tuloy, pinagkaguluhan ito. Mabuti na lamang at dumating ang mga guwardiya para i-escort ang celebrity boxer papunta sa sasakyan nito. Kumaway si Agoncillo sa mga tagahanga nito bago ito umalis sakay ng bagong-bago nitong Porsche car."

Natawa ng mahina si Sava matapos mapanood ang balita. "Sira ka talaga, Emil. Ano naman ang ginagawa mo d'yan sa convenience store?" At para bang sagot sa tanong niya, bigla na lang tumunog ang cell phone niya. Si Emil ang tumatawag kaya sinagot niya agad iyon. "Hey, napanood ko na ang news. Nasaan ka?"

Narinig niya itong ngumisi. "Napanood mo na pala. Nandito ako sa tapat ng apartment mo."

"What?!"

"Come and pick me up, bago pa may makakilala sa'kin dito."

Tinapos na agad niya ang tawag. Dali-dali siyang lumabas ng apartment niya. Nakita niya agad sa parking lot ang kotse ni Emil kaya kinatok niya ito.

Naka-shades ito at bullcap kahit madilim na. Hinawakan niya ito sa kamay at hinila paakyat ng unit niya. Nginitian niya lang ang mga bantay na parang nagtataka kung sino ang kasama niya. Sinabi na lang niyang boyfriend niya ito. Well, that was true.

"Sira-ulo ka talaga, Emil. Bakit naman nagpunta kang convenience store para lang bumili ng ice cream? Puwede namang iutos mo na lang 'yon. Hayan tuloy, dinumog ka ng fans mo," sermon niya rito pagdating nila sa apartment niya.

Natawa lang ito. "Tinakasan ko lang si Kenneth kaya wala akong mauutusan. Hindi ko naman akalaing makikilala pa rin ako ng fans."

Tinitigan niya ito. Bulto pa lang ng katawan nito, umaangat na kaya siguro napatingin dito ang mga tao – lalo na siguro ang mga kababaihan – hanggang sa makilala ng mga ito ang binata. Just look at those bulging muscles in his arms. "Bakit tinakasan mo si Kenneth?"

"He wanted me to attend a dinner party with the mayor. Sinabi ko naman sa kanya na ayoko dahil may importante akong lakad."

"Importanteng lakad?"

Bigla na lang siya nitong niyakap. Nakakasilaw ang ngiti nito. "Ikaw. Miss na miss na kasi kita, Sava. Kahit magkasama tayo sa Baguio, hindi naman tayo nagkaro'n ng sapat na oras para sa isa't isa dahil busy ka sa sinusulat mo, busy naman ako sa pagte-training. Gusto kong bumawi sa'yo kaya nandito ako ngayon."

To Find You, My Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon