7th Chapter

2.3K 85 3
                                    

"BAKIT mo ba ko pinapunta rito? Hindi ba bawal ang mga babae rito sa dorm niyo?

"Mava, lalaki ka naman kaya okay lang 'yan. Tulungan mo kong gumawa ng report."

"Walanghiya ka talaga, Drei."

Bumuntong-hininga na lang si Emil habang pinapakinggan ang pagtatalo nina Drei at Mava. Hindi siya makakilos mula sa kinahihigan niya – patalikod sa dalawa – dahil wala siyang mukhang maiharap sa mga ito. Wala tuloy siyang pagpipilian kundi ang magtulug-tulugan habang nakatalukbong ng kumot. Linggo ng umaga niyon kaya wala silang pasok.

Tama ang lahat ng taong nagsabing nag-aaksaya lang siya ng oras kay Sava. Gayunman, hindi niya magawang magalit sa dalaga. May punto ito. Wala siyang maipagmamalaki sa buhay, at bukod sa mapangasawa si Sava ay wala na siyang ibang pangarap. Kahit siya siguro ang nasa kalagayan ng dalaga ay gano'n din ang gagawin – ang piliin ang isang lalaking may naabot na.

Hanapin mo na ang pangarap mo, Emil. Nang sa gano'n, balang-araw ay may maipagmalaki ka na kay Sava at sa ibang tao.

"Kumusta si Kuya Emil? Dinidibdib pa rin ba niya ang nangyari sa kanila ni Sava?" narinig niyang pabulong na tanong ni Mava, pero sapat parin para marinig niya.

"Yes. He was crying the whole night."

Eskaheradong sumimangot si Emil sa sagot ni Drei. Totoo iyon. Hanggag ngayon ay namumugto pa rin ang mga mata niya, kaya nga hindi niya maharap ang dalawa.

"Si Sava, kumusta? Nakatulog ba siya pagkatapos ng ginawa niyang pananakit sa pinsan ko?" sarkastikong tanong ni Drei.

"Hey, don't talk that way towards my sister. Spare her the insult since injured siya ngayon."

Gumapang ang takot sa dibdib niya.

Injured si Sava?

"Paano?" tanong ni Drei.

"Oo. Kagabi kasi umakyat siya sa bubong ng dorm namin. Hindi rin namin alam kung bakit. No'ng pababa na siya, dumulas 'yong paa niya kaya siya nahulog. Pero hindi naman malala ang natamo niyang injury dahil sa magkakapatong na dayami sa likod ng bahay siya nahulog. Na-sprain 'yong kaliwa niyang paa, at nagkaroon siya ng maliliit na gasgas sa mga braso at tuhod."

Ang babaeng 'yon! Ano naman ang gagawin niya sa bubo –

Natigilan siya nang maalala niyang ibinato niya ang mga singsing at sa bubong ng dorm bumagsak ang mga iyon. Napabalikwas siya ng bangon. Napatingin sa kanya sina Mava at Drei pero nakapako sa una ang tingin niya. "Nasa dorm lang ba si Sava?"

"Oo. Sa tingin mo makakaalis siya gayong injured siya?"

Napangiti siya, saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto.

"I hate you, Mava. Sinadya mong iparinig kay 'insan ang lahat ng 'yon," narinig niyang sabi ni Drei bago pa sumara ang pinto.

Paglabas niya ng dorm ay sumakay agad siya ng jeep papunta naman sa dorm nila Sava. Sampung minuto lang ay nakarating na siya ro'n. Handa na siyang mag-tresspass uli ro'n pero sa bakuran pa lang ay natigilan na siya. Naroon kasi si Sava, hawak ng kung sinong malaking lalaki ang braso nito. May dalawa pang lalaki ang naroon. Nakaitim na fitted shirt ang mga iyon at may mga tattoo sa naglalakihang mga braso. Isang tingin pa lang, mukha nang goons ang mga iyon.

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ni Sava.

Napatili si Sava at napaupo sa damuhan nang itulak ito ng malakas ng walanghiyang lalaki. No'n siya natauhan. Walang sabi-sabing sinugod niya ang lalaking nanakit sa dalaga at pinatikim ito ng suntok sa mukha. Bumagsak ang demonyito, duguan ang bibig.

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now