18th Chapter

1.4K 56 3
                                    

NAPANSIN ni Sava na tensiyonado si Emil habang tinutuyo nito ang buhok niya gamit ang tuwalya. Lumakas ang ulan kaya do'n na sila sa dorm ng binata tumuloy. Basa sila pareho pagdating do'n kaya pinahiram siya nito ng T-shirt at shorts nito bilang pamalit para hindi siya lamigin. Wala pa ang mga kasamahan nito kaya sila lamang ang naroon sa kuwarto. Patago siyang inakyat do'n ng binata kanina dahil bawal sa dorm na iyon ang mga babae.

Nang magtama ang mga mata nila ni Emil ay nagpaawa ito ng mukha. "Sava... galit ka pa ba? Kanina ka pa hindi nagsasalita."

Bumuntong-hininga siya. "Hindi ko naman kayang magalit ng matagal sa'yo, Emil."

Umupo si Emil sa tabi niya sa gilid ng kama nito. He held her hands tight. "Pasensiya ka na kung nadismaya ka sa'kin. Hindi na mauulit 'yon."

"How was it?"

"Ang alin?"

Ngumiti siya ng tipid para ipakita rito na hindi na talaga siya galit. "'Yong experience mo kanina sa boxing gym."

Tuluyan nang nawala ang tensiyon nito sa pagngiti nito. Bakas din sa boses nito ang excitement habang nagkukuwento ito. "Nakakamanghang tao si Coach Tantenco, 'yong tatay ni Kenneth. Ang bait niya. 'Tapos 'yong mga boksingero do'n, mababait din. Tinuruan nila ako ng mga basic moves sa pagbo-boksing. Ang astig nilang lahat!"

Napangiti na ng tuluyan si Sava habang pinapanood si Emil na masayang-masaya sa ikinukuwento nito. Mayamaya pa ay tumayo na ito nang magsimula na itong gumalaw na parang may sinusuntok ito, dahil ikinukuwento na nito ang mga moves na natutunan ito. Sa totoo lang, wala siyang maintindihan sa uppercat o shadow boxing na sinasabi nito, pero nakaramdam siya ng kasiyahan habang nakikita ang kakaibang kislap sa mga mata nito.

"Akala ko noon, weirdo ako dahil malakas akong sumuntok," natatawang pagpapatuloy ni Emil. "Pero kanina, naramdaman kong normal ako dahil kasama ko ang mga taong katulad ko. At no'ng nag-sparring kami ni Albert kanina, hindi ko maipaliwanag pero ang saya ko. Pakiramdam ko, alam na alam ko ang ginagawa ko."

"Mukhang masaya ka sa mga naranasan mo ha?" komento niya.

Biglang nawala ang ngiti ni Emil at napalitan iyon ng pag-alala. Lumuhod ito sa harap niya at hinawakan ang mga kamay niya. Ngumiti ito pero may bahid na ng kalungkutan ang mga mata nito. "Wala 'yon, Sava. Ayokong maging ugat uli ng pag-aaway natin ang boxing, at lalong ayokong pasamain uli ang loob mo."

Bumuga siya ng hangin. "Natatakot ako para sa'yo dahil alam kong delikado ang boxing." Dumaan ang pagkadismaya sa mga mata ni Emil kahit pilit nito iyong itago. Ayaw niyang makitang malungkot ito. She gently cupped his face. "Pero may tiwala ako sa'yo at sa kakayahan mo. Siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak sa boxing na 'yan, ha?"

Napakurap ito na parang ba hindi makapaniwala sa mga narinig. "Sava? Pinapayagan mo na kong subukan ang pagbo-boxing?"

May pagtutol at takot na gumapang sa dibdib niya, pero itinulak niya ang mga iyon sa pinakadulong bahagi ng puso niya. "Basta ipangako mo na hindi mo pa rin pababayaan ang pag-aaral mo. At tandaan mo, sports lang ang boxing at 'wag mong gawing profession."

Ilang sandali pang natigilan si Emil na para bang in-a-absorb pa ang mga sinasabi niya. Nang makabawi ay gumuhit ang magandang ngiti sa mga labi nito. "Mahal na mahal na mahal talaga kita, Sava!"

Sa kanyang pagkagulat ay bigla na lang siyang tinulak ng marahan ni Emil hanggang sa mapahiga siya sa kama. Bago pa siya makabawi sa pagkabigla ay siniil na siya nito ng mariing halik sa mga labi. His kisses were anything but chaste. His tongue was begging for entrance. When she parted her lips, he groaned and deepened the kiss more, tasting every part of her mouth. He entangled his tongue with hers that caused her to moan, as his hand began to travel down her hips, the other at her back, pulling her closer against him.

Ngayon lang naging gano'n kapusok si Emil sa paghalik sa kanya. Noon naman ay maingat ito dahil alam nitong hindi pa siya handa sa kung anuman na higit pa sa halik. Pero mukhang nawalan ito ng kontrol ngayon dahil sa sobrang saya nito.

Nahihirapan din siyang pigilan iyon. Kissing him was the best feeling in the world for her, at naalis ng bawat halik nito ang mga problema niya. But they had to stop.

She broke the kiss first. Pareho nilang habol ang kanya-kanyang hininga no'n. For the next seconds, they just stared at each other. His eyes were probably mirroring the love and desire reflected in hers.

Bumuntong-hininga si Emil at marahang pinaraan ang hinlalaki nito sa mga labi niya. "Sorry, Sava. Muntik na kong mawalan ng kontrol."

Nag-init ang mga pisngi niya. Her lips were probably swollen. "Mas mag-ingat na lang tayo sa susunod."

Ngumiti ito ng pilyo. "Ang hirap no'n, Sava. Ang ganda-ganda mo kasi at gusto kitang halikan parati. Lalo na sa tuwing nag-e-effort ka para pasayahin ako."

Natawa lang siya. "I love you, Emil."

"I love you, too, Sava."

"Uy, English 'yon, ha," biro niya rito.

Nagkatawanan na lang sila. Mayamaya ay may katok na umistorbo sa kanila. Tumayo na si Emil at nilahad ang kamay sa kanya. He helped her stand. Magkahawak-kamay silang naglakad palapit sa pinto.

"Si Drei na siguro 'yan," sabi ni Emil.

Sumilip siya sa bintana. Huminto na ang ulan. "Ah, medyo awkward. Baka mag-isip siya ng kung ano. Emil, ihatid mo na ko sa mansiyon."

Tumango ito. "Okay."

Pagbukas nila ng pinto ay sumalubong sa kanila si Rio na dire-diretso lang pumasok sa kuwarto nang hindi sila tinatapunan ng tingin.

"Magpapanggap akong hindi ka nakitang nagdala ka ng babae rito sa dorm, Emil," sabi ni Rio, sabay higa sa kama.

"Salamat, pare."

"Basta sa susunod, ako naman ang tulungan niyo kay Lava," sabi ni Rio na parang nahihiya pa. Nagtalukbong pa ito ng kumot.

Napangisi si Emil. "Sige ba."

Pinandilatan niya ng mga mata si Emil nang makalabas na sila ng kuwarto. "Emil, mas gusto ko si Vladimir para kay Lava."

Nagkibit-balikat si Emil. "Mahal kita, Sava, pero Team Rio ako."

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now