Phenom

4.9K 46 1
                                              

-Ateneo Blue Eagle's gym-


"Go Ateneo! One big fight!" Sigaw nang mga teammate ko habang nanonood ng game ng table tennis.


"Hoy besh! Bakit di ka nag checheer?" Sabi ni Ella nang mapansin na nakahalumbaba lang ako.

"Hayy phenom!" Napa sigh na lang ako nang sobrang lalim.

"Yes besh? Tawag mo ko?" Sagot sakin ni Ly.

"As if naman na ikaw yung tawag! Tingnan mo nga kung san naka titig!" Sagot sa kanya ni Dzi.

"Ang cute cute nya!" Napa squeal na lang ako nung nakita ko sya na ngumiti.

"Si Polly na naman?!" Sabi ni Alyssa nung nakita kung sino tinititigan ko.

"Sino pa nga ba? Yan lang naman ang kinakabaliwan nyang bestfriend mo" Sagot ni Dzi kay Alyssa.

Natapos ang game at Champion na ang DLSU. Inawardan si Polly ng MVP at Rookie of the year.


 "Grabe. Ni isang set, walang nanalo sa kanya this season. Tapos freshman lang siya?? Paano?" Humahangang sabi ni Dzi nung pabalik na kami sa dorm. 


 "Dzi, di ka ba naeexcite na makakalaro na ako this season?" Sabi ni Ly na may halong angas.

 "Oo nga no! Lahat tayong batchmates makakalaro na this season!" Tuwang sabi ni Ella.

 "Kailangan maging best digger at best receiver ako this season para naman worthy ako kahit isang sulyap lang nya sakin!" Singit ko sa usapan nila. 

 "Para sa kanya talaga besh?" Sagot ni Ly sakin.

 "Haynako. Pabayaan nyo na yang si Den. At least may inspiration" Sabi ni Dzi habang binubuksan ang pinto ng dorm. 

 Nadatnan namin ang mga teammates namin na nanonood ng movie sa living room. 

 "Kamusta game?" Salubong na tanong ni Gretch nang maka upo kami nila Aly sa baba ng sofa.

 "Ayun. Bugbog sa La salle. Muntik pa ma zero sa Polly na yun." Sagot ni Ly. Nagulat kami ng umirit si Mae at Ayel galing sa kusina. 


 "OMG!! Kung wala lang talaga kaming  quiz nag cut na ako para lang manood ng game kanina para nakita ko sya in action!" Sagot ni Mae habang umuupo sa tabi ni Ly. 


"Alam nyo di ko gets kung bakit crush na crush nyo yun?" Naririnig ko ang usapan ni Ly at Sarah habang iniistalk ko ang twitter ni Polly.


"Hello ate Ly! Mayaman! Cute! Phenom of the table tennis world! Matalino! Magaling kumanta at sumayaw! At higit sa lahat mabait! Ano pa ba hahanapin mo??"


"@pollylracelis: Thank God for the wonderful season! I would like to thank everyone who supported the De La Salle Table Tennis team. Your cheer ignites the fire in me to keep thriving every single game. Much love!" 


"Bakit kaya di mo itanong jan kay Ate Den kung bakit? Since nang sstalk naman na sya?" Sabi ni Mae kaya ako napa tingin sa kanila.

"Sus! Jan ko pa itatanong? Eh kita mo nga na patay na patay yan dun kaya wala nang ibang nakikita kung gaano sya ka perfect!" Sagot ni Ly habang nag air quote sa perfect. Bakit? Perfect naman talaga sya ah?!


"@pollylracelis: Guys, I'm throwing a party tonight in Black Market! Come through! ;)"


"OMG!!!! AHHHHHH! TARA NA SA BLACK MARKET!!!!!!!!" Napa sigaw ako nang mabasa ko ang recent tweet nya.


"Huy! Kung ayaw nyo mag panood ng tv, umalis na kaya kayo dito?" Saway naman sa amin ni A. Eto talaga basag trip!


"Besh, samahan mo na ako!" Aya ko kay Alyssa.


"Nako! Pati ako idadamay mo sa pag fafan girl mo jan sa Polly na yan! Ayoko! Matulog na tayo para maaga tayo maka simba bukas!" 


"Ella, besh? Libre kita dinner. Tara na sige na!" baling ko kay Ella nang matapos mag litanya si Ly.


"Sama kaming lahat basta libre mo diner namin ah!" Sagot ni Bea habang naka ngiti sa akin.


"TARA NAAAAAAAAAAAAA!" Sigaw ko habang paakyat sa kwarto para mag bihis!





-BLACK MARKET-


Dumerecho kami ng Black Market pag katapos kong magbayad ng buong dinner para sa mga teammates ko. Kumpleto kaming lahat including Ly na ayaw pa sumama kanina.


Hindi agad kami makapasok dahil sa haba ng pila. Karamihan mga taga DLSU at mga parang fans club nya. Pero meron ding mga taga ibang school. Nalaman namin na reserved ang buong bar para sa party ni Polly. Buti na lang at madalas sila Mona at Tasha dito kaya kilala na din sila ng bouncer kaya nakapasok din kami sa loob.


Nalaman ng teammates ko na open bar ito at unlimited drinks, kaya order sila ng order. Hinahanap naman nang mata ko si Polly. Nag ikot ikot ako sa bar at nakita ko si Polly sa Dj's booth. 


"Ano nga ba kasing nakita mo jan?" Nagulat naman ako nang biglang umimik si Alyssa sa likod ko. Di ko namalayan na kasunod ko pala sya kanina.


"Besh, di mo ba talaga sya kilala? Si Polly Racelis?"

"Oo. Kilala ko sya sa pangalan nya."

"Sa pangalan lang? Di mo ba sya nakikita mga commercials nya sa tv?"

"Di ako mahilig manood ng tv."

"Hay ano ba yan besh! Athlete ka! Dapat kilala mo sya!"

"Ano namang kinalalaman nya sa volleyball?"

"Wala. Pero yung name nya kahanay na ni Manny Pacquiao sa pagiging legend na athlete dito sa bansa!"

"Oh? Yun lang? Gusto mo na sya dahil lang dun?" Napatingin ako kay Alyssa dahil sa sinabi nya.

"haynako besh. Di mo magegets dahil di ka pa naman naiinlove!" Tumingin na lang ulit ako kay Polly na sumasayaw sayaw sa Dj's booth. Hay bakit ang perfect mo??

"Akala mo lang yun." Bulong ni Alyssa na hindi ko na pinansin dahil busy ako na titigan si Polly. Hayy Polly!! Akin ka na lang!!!




Author's note:


Hi guys! Welcome sa bago kong story sa bago kong account. Please vote and share! Thank you!

lock upWhere stories live. Discover now