Part 73

2.3K 155 60
                                    

A/N:

Apologies for the delay. Medyo mahirap kasi humugot ng sakit ng puso when your heart is filled with so much joy and happiness dahil sa concert.

Anyway, thank you po sa lahat mg abangers. Rank #53 na po tayo as of this writing. ❤️

—-

I dropped the drink that I have in my hand. Unti unting napapaatras habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Unti unti ding bumabalik sa akin lahat ng nasabi ni Ethan.

'I like her.'

'She looked at me as if asking for help and so I did.'

Nakatingin din sa akin si Hope. Pinaglilipat lipat ang mga tingin sa aming dalawa ni Ethan. Walang kamalay malay sa mga pangyayari. Hindi niya alam na sa mga nabitawan niyang salita, isang relasyon ang malapit mawala.

'Maddie..' sambit ni Ethan with a worried look on his face. I guess he can see from the look that I have that I have it all figured out.

'A-aalis na muna ako. M-may kailangan pa kasi akong gawin.' Dahan dahan akong umatras papunta sa may hagdan. Trying so hard not to cry infront of them. In front of Ethan.

'Maddie, wait.' Tawag ni Ethan. Tumayo din sya agad at lumapit sa akin.

'D-dito ka na lang. Uuwi na muna ako.' Wala akong lakas para magalit as of the moment at nanghihina na ako. I need to get away.

'Maddie please. Let's talk.' Pakiusap muli ni Ethan.

'I-I don't think we still have something to talk about Ethan. Sige na. Una na ako.' Dali dali akong tumakbo paakyat ng hagdan, paalis ng bahay nila.

Tumakbo ako hanggang makarating sa bahay namin. Kinuha ko lang ang susi ng sasakyan ko at umalis.

Hindi ko alam kung san ako pupunta. The only thing I know is that I cannot talk to anyone right now.

Tang ina! Ilang araw silang magkasama ng silang dalawa lang. Habang wala ba ako, si Hope ang tumatabi sa pagtulog niya? Kaya ba ni hindi niya minsan magawang magtext? Tumawag?

Yung lambing niya sa akin everytime we are together, ganun din ba sya sa kanya? Does he also look at her the way he looks at me?

Ano bang laban ko dun? Ilang taon na sila magkakilala. Mag bestfriends pa and I bet, they are each other's first.

Hindi ko na namalayan na nasa harap na ako ng Catharsis.

I parked my car and went inside.

Hindi ganun kadami ang tao, maaga pa naman kasi. Dirediretso ako sa bar and sat there.

'Sir, isang bottle of beer po please.' Hindi ako mahilig uminom but I think this would help to calm me down atleast.

Hindi ko napansin na nakailang bote na din ako. Aaminin ko medyo tinatamaan na ako but no one cares.

'Uy. Si Maddie oh.' I heard someone shouted from the back.

Napalingon ako and saw Kuya Luis with Tyrone.

'Why are you here? And why are you alone?' Palingon lingon si Tyrone sa paligid na parang may hinahanap.

'Wala lang. Gusto ko lang maginom.'

'You were not a fan of alcohol. Why start now?' Tanong ulit ni Tyrone and he tried to pull the bottle of beer I am holding.

'Wag ka ngang epal. Eh gusto ko nga uminom. Samahan niyo na lang ako kung gusto niyo. Atsaka bakit ba kayo andito?' Tanong ko sa kanila ni Kuya Luis

100 DAYS OF YOU (A MAYWARD STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon