Part 65

2.4K 159 10
                                    

Maaga akong sinundo ni Ethan sa bahay. Mamayang hapon ang flight namin pauwi ng Camiguin pero dahil ihahatid namin sina Laureen pati na ang Mommy at Daddy niya sa airport, mas maaga ang pagalis namin.

Gusto sanang sumama ni Laureen pauwi ng Camiguin kaya lang nauna na sya nakapag commit sa Mommy at Daddy niya. Kasama din naman dapat si Ethan sa kanila kaya lang nakiusap sya na hindi na muna makakasama dahil nga kailangan niyang sumama sa akin.

'We will miss you Ethan.. Maddie.' Sabi ni Tita Cathy na papasok na ng departure area.

'How long will you gone po ba?' Tanong ko naman.

'Saglit lang naman kami sa Germany. Siguro mga 1 linggo lang.' Palagi naman ng umaalis sina Tita Cathy ayon kay Ethan pero sa tingin ko hindi pa din ito nasasanay malayo sa mga anak dahil mababakas pa din sa mukha nila ni Tito Kevin ang lungkot na dahil hindi nila makakasama si Ethan.

Nang tuluyan ng makaalis si na Tita Cathy, ibinaling ko ang atensyon kay Ethan. 'Bakit kasi hindi ka na lang sumama kina Mommy mo?'

'Go with them and then what? I'll let Tyrone spend the break with you? No way!' Inis niyang tugon.

'Eh hindi naman nga kami magkikitaaaaa. CDO sya at sa Camiguin ako.' Ilang ulit ko na tong pinapaliwanag kay Ethan pero hindi pa din niya maintindihan.

'Well I am pretty sure he will make a way. So my answer is still NO!' With this, hindi ko na ipinilit pa.

We are at a coffee shop waiting for our flight which will not be until 3 hours from now.

'Who are you texting? You can't seem to get off of your phone.' Sita sa akin ni Ethan.

'Katext ko sina Elisha.' Tipid kong sagot. Kanina pa kasi nagsusungit si Ethan.

'Do they know you will be going home to Camiguin with me?' Tanong niya.

'Oo naman. Ayan na nga sila oh.' Tinuro ko ang paparating na grupo.

Ethan didn't expect that they will be coming too and I saw Ethan's eyes got bigger.

'What the?' Ang tanging nasabi nito.

'Oh bruh, why do you look so surprised? Ayaw mo bang kasama kami?' Tanong ni Mac

'W-why are you here?' He asked Mac and the rest of the group.

'Eh inaya kami ni Maddie.' Sagot naman ng mga ito.

Nilingon ako ni Ethan and he asked me why just with his facial expression.

'Eh para mas masaya. Diba mas madami mas masaya?' Pilit na ngiting bigay ko sa kanya dahil I can see from his face he was not happy with what I did. Sinadya ko talagang hindi ipaalam sa kanya dahil alam ko na gagawin niya ang lahat makumbinse lamang sila na wag ng sumama. Nainis kasi ako ng bigla syang nagdesisyon na uuwi ng Camiguin. Edi ayan, bibiglain ko din sya.

'Bakit parang hindi ka masaya bruh? Gusto mo masolo si Maddie no?' Tanong ni Nick kay Ethan na may nakakalokong ngiti.

'Can I even do that? Obviously not.' Halata sa mukha ni Ethan ang pagkairita sa pagdating ng barkada niya at mga kaibigan ko.

'Ito naman. Hahayaan namin kayo magmoment promise. Gusto lang din talaga namin makapag unwind.' Biro ni Alora kay Ethan. Ethan only responded by rolling his eyes. He then picked up our bags and started walking away. Wala naman kaming nagawang lahat kung hindi humabol.

'I really can't believe you asked everyone to come.' Galit pa din sya.

'What's wrong with that. They are our friends in the first place.' I know what Ethan wanted to happen but he doesn't have any choice now.

100 DAYS OF YOU (A MAYWARD STORY)Where stories live. Discover now