Part 26

2.1K 158 9
                                    

Paguwi ko, si Mommy pa lang ang nasa bahay.

'Oh anak, maaga ka ata ngayon?' tanong ng mommy sa akin habang nakaupo sa sala at nagnonood ng tv shopping.

'Eh wala naman ako gagawin sa school so umuwi na po ako.' Sagot ko naman after ko lumapit at magkiss sa kanya

'So how's school?' tanong ng mommy

'Well, school is school! Nakapag adjust naman na ako mie and I was able to make friends.' Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Tumabi ako sa mommy at sumandal sa balikat niya habang nakayakap sa kanya.

'That's nice. I told you, you'll easily make friends.' Sabi sa akin ng mommy at kiniss niya ako sa ulo

'Mom. Tyrone is now here. He also goes to my school.'

Nagulat ang mommy. She removed my hands from her waist and looked at me.

'Really? Nagkabalikan ba kayo? Kaya ba hindi mo na dinadala ang sasakyan mo dahil siya ang naghahatid sundo sayo?' Sunod sunod na tanong niya

'Dahan dahan lang sa tanong mie, mahina ang kalaban.' Natatawa kong tugon

'Hindi nga, ano ba? Nagkabalikan na kayo? Pinatawad mo na agad?' Mom looks so serious and worried

'No. we did not get back together Mum. Hindi din siya ang naghahatid sundo sa akin.' Pagpapaliwanag ko

'So inaamin mo na may naghahatid sundo nga sayo? Naku Maddie huh. Wag kang magboboyfriend agad agad. Kilalanin mong mabuti at ayaw kong maulit ang nangyari sa inyo ni Tyrone.'

I know that Mom is worried. When me and Ty broke up. It is not only my heart that had been broken, but also theirs.

Mom and Dad also loved Ty and treated him as their own. Me and Ty had been together for such a long time. No parent wouldn't love him as he is just so perfect and up to now I couldn't really imagine why what happened, happened.

'Don't worry mom. I'll guard my heart. I wouldn't let anyone break it again.'

'Siguraduhin mo Maddie at naku! Ikaw bata ka, wag muna yan ang isipin mo huh.' Kinurot pa ako ng Mommy sa tagiliran.

'Oo nga mommy! Hahaha.' Nakipagharutan na din ako sa mommy.

'Oh cge na! Umakyat ka na sa kwarto mo at magbihis. Magluluto muna ako.' Pagtaboy sa akin ni Mommy.

On cue, tumakbo na ako paakyat sa kwarto ko.

In truth wala naman talaga akong gagawain ngayon. Meron siguro isang report but that's it. Sinabi ko lang talaga na madami ako gagawin para yun ang gagamitin kong dahilan sa hindi pag attend bukas sa game.

I want to support Ethan kahit papano. Kasi ayaw ko magtaka ang kapatid at mga barkada niya sa kung ano talaga kami but then there is also Ty.

Alam kong mahal niya pa ako. Alam ko din na nasasaktan siya sa tuwing nakikita niya kaming magkasama ni Ethan.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw ko pumunta. Hindi tama para sa akin na saktan siya dahil lang sinaktan niya ako. Hindi iyon sapat na dahilan para gawin ko sa kanya ang ginawa niya sa akin.

Haist!

Saka ko na nga iistressin sarili ko dyan.

Pagod na ang heart and mind ko sa kakaisip!

'Maddie? Maddie? Halika na! kakain na kayo.'

Nararamdaman ko ang mga tapik sa braso ko.

'Maddie, anak? Bangon ka na. Kumain ka muna bago ka matulog ulit.

Pagbukas ko ng mata ay nakita ko si Nanay Tess.
Siya ang yaya ko simula pagkabata. Pinasunod siya nina Mommy dito sa Manila after ko lumipat.

'Cge po Nanay. Sunod na po ako.'

Bumangon na nga ako ng tuluyan. Dahil nasa bahay lang naman ako hindi na ako nagayos.

Habang pababa ako ng hagdan naririnig ko ang tawanan sa dining area.

Aba himala. Maingay sa bahay namin.

Pagdating ko sa dining area, muntikan na ako madapa ng makita ko kung sino ang katawanan ng mom and dad.

'E-Ethan! Ano ginagawa mo dito?' Hindi ko alam kung paano ko tatakpan ang sarili ko.

Walang suklay! Naka green na tanktop lang ako at pink na PJ's.

'Oh hi anak!' Sabi ng daddy

'Upo ka na anak. Tabihan mo na si Ethan!' Sabi naman ng mommy ko.

Nagtataka pa rin ako kung bakit sya andito.

'What are you doing here?' Tanong ko ulit sa kanya

'You said you have a lot of reports to make, so I am here to help. In that way, you can watch our game tomorrow.' Sagot ni Ethan. Alam kong narinig nina mom and dad ang sinabi niya.

Jusko po! Parang biglang uminit ang tenga ko. Baka magduda sila. Sabi pa naman ng mommy ayaw niya muna ako mag boyfriend.

'Awwwww. You are so sweet hijo. I really hope that you will be Maddie's next boyfriend!' Naka clasp pa ang mga kamay ng mommy sa ilalim ng baba niya with matching dreamy eyes!

Naaa! Paktay na!

Kanina lang sinasabi niya sa akin wag atupagin ang pag boboyfriend tapos ngayon biglang payag na basta si Ethan? Aba matinde!

'Naku! Malabong mangyari yan hunnie. Walang kahilig hilig sa babae itong si Ethan. Masyadong focused sa buhay.' Pag-sabat naman ng Daddy.

Mabuti na lng kilala ng daddy tong si Ethan!

'You'll never know tito. I might be dating your daughter. Hahaha.' Biglang sagot naman ni Ethan!

WTF?

Napabiglang lingon ako kay Ethan in shock. Sa sobrang inis ko tinapakan ko ng matindi ang paa niya.

'O-OUCH!' Sigaw no Ethan

'What happened hijo?' Pag-aalang tanong ni mommy

Tumingin sa akin si Ethan and said 'Nothing tita. My foot suddenly cramped. Felt as if an elephant stepped on it.'

Buti nga sayo.

'Okay. Let's eat na.' Sagot naman ng mommy

Tahimik lang ako habang kumakain while nagtatawanan naman sina Ethan pati ang parents ko.

Edi kayo na masaya.

Binilisan ko na lng ang pagkain and as soon as I am done, tumayo na ako.

'I'll just go in my room.' Pagpapaalam ko.

'Anak, paano si Ethan? Eh tutulungan ka daw niya?' Tanong ng mommy sa akin

'Eh? Nakikain lang talaga yan. Uuwi din yan.'
Sagot ko naman.

'Ay naku nakakahiya sa kanya Maddie.' Sagot nang mommy ko

'Anak, when you are done eating. Go up to Maddie's room and help her. So she can go out tomorrow, okay?' Baling naman ng mommy kay Ethan.

Aba matinde talaga. Kanina boyfriend lang, ngaun anak na agad tawag? Agad agad?

'Yes tita.' Sagot naman ni Ethan.

Hindi ko na inantay kumain si Ethan. Umakyat na ako sa kwarto. Kung aakyat siya edi umakyat siya. Nang makausap ko na din ng maayos tungkol sa mga pinagsasabi niya kanina.

——————————————————————————

A/N:

Sorry if the updates are not as constant. Medyo busy sa pagfafangirl at pagwowork. Naistress lang ako sa megaman issue kaya napa update na lang ako kesa tumambay sa twitter.

Thanks for those who are looking forward to the updates.

Help me promote this series. It's my very first story ever and it means a lot to me. ❤️

100 DAYS OF YOU (A MAYWARD STORY)Onde histórias criam vida. Descubra agora