“Hindi ko alam” sabi ko nalang.

I heard him chuckle because that is not the answer that he wanted to hear. “Alam mo ba kung paano kami nagkabalikan ni Mel?” tanong nya.

Umiling lang ako dahil kahit kailan ay hindi ko yun tinanong sa kanya. Ayoko na kasing ungkatin pa ang nakaraan dahil kitang-kita ko kung paano nasaktan ang kapatid ko nung mga panahong naghiwalay sila. Napatingala nalang si Tyler at alam kong binabalikan nya sa kanyang isip ang mga nangyari sa kanila ni Mel.

“Nagkita kami sa mall nun.” Pag-uumpisa nya. “At nung mga oras na yun, galit na galit pa rin ako sa kanya. Kasi niloko nya ako eh. Kasi iniwan nya ako.” Dagdag nya.

“Siguro mga tatlong minuto din kaming nakatayo doon at nakatingin lang sa isa’t isa. Nakakatawa nga, kasi nung mga panahong yun, gusto ko syang lapitan. Gusto kong ipakita sa kanya na masaya ako. Na wala naman sa akin kung naghiwalay kami.” Sambit ni Tyler.

Tahimik akong nakinig sa kapatid ko habang nakikita ko sa likuran si Mel na kinakausap ang mga magulang nya. “Gusto kong ipagmayabang sa kanya na, sya yung nawalan. Hindi ako.”

“Pero?” sabi ko naman dahil alam kong hindi natuloy ang plano nyang iyon.

“Pero nung nilapitan ko na sya, nung nakita ko na ulit yung mga mata nya, nawala lahat ng galit ko.” Napangiti naman ako nang sabihin nya ito. Si Mel naman talaga ang nakakapagpasaya sa kanya. “Kaya lang, nung lapitan ko sya, bigla nya akong tinalikuran.”

Napakunot-noo ako sa sinabi nya. “Kung ikaw yun Justin. Kung ikaw yung tinalikuran ng babaeng mahal mo, anung gagawin mo?” sabay tanong nya sa akin.

Medyo matagal ko ring inisip kung anung sasabihin ko. Eventually, I came up with this, “Kung yun ang desisyon nya, tatanggapin ko.” Ayokong nang pilitin pa si Steph sa isang bagay na hindi nya gusto.

Paulit-ulit naman syang tumango habang nakangiti. Pagkatapos ay muli nyang tinapik ang balikat ko. “Justin, masaya ako na natuto kang magmahal. Natuto kang umiyak. At natuto kang magparaya. Pero tandaan mo, hindi porke’t may mga bagong bagay tayong natututunan, hindi ibig sabihin nun na dapat na nating kalimutan  yung mga bagay na dati nating alam.” Pagkatapos nito ay bigla syang umalis sa harapan ko. Parang sa isang iglap, hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.

Napanganga nalang ako. “Ty!” sigaw ko pero hindi nya ako pinansin bagkus ay dumiretso sya sa parking area kung nasaan sila mama at Audrey. Pero bago sya tuluyang makalayo ay muli syang humarap sa akin.

“Minsan, nakakamiss din yung Justin na mayabang at makulit.” He smilingly said before disappearing.

Napabuntong hininga nalang ako. Mag-uumpisa sya ng kwento tapos hindi nya tatapusin. Tapos anu yung sinasabi nya na namimiss nya ako? Papano nya ako mamimiss? Eh lagi kaya kaming magkausap at magkasama. Anu naman kaya yun. Napakamot nalang ako sa ulo. Nag-asawa lang naging magulo ng kausap. Pasalamat sya at araw nya ngayon.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon