Chapter 16

303K 2.7K 391
                                    

Steph’s POV

It’s been 3 days and Justin hasn’t answered any of my texts and calls. Hindi na din sya natutulog sa bahay pagkatapos nung  nangyari sa resort. Napasubsob na lang ako sa lamesa ko habang binabalikan yung nangyari.

Nagi-guilty ako.

Wala na nga sa akin si Nate at tsaka si kuya. Tapos ngayon, pati si Justin itinaboy ko pa. Anu ba talagang problema mo, Steph?! Pagalit na tanong ko sa sarili ko habang inuuntog ko ng bahagya ang sarili ko sa table.

Paulit-ulit din na nagpe-play sa utak ko yung mga sinabi ni Kuya.

Dahil ba playboy si Justin, nagkaroon ka na ng karapatan para paglaruan sya?

At dahil ba sinaktan ka ni Nate, nagkaroon ka na din ng karapatan para saktan sya?

Argh! Gusto kong sampalin ang sarili ko sa mga pinaggagagawa ko. Paano ko nagawang saktan ang lalaking pinakamamahal ko? At paano ko nasikmurang gamitin ang isang lalakeng tumulong na pawiin ang sakit na nararamdaman ko nung mga panahong naghihina ako?

Hindi ko mapiligan na humikbi sa mga naiisip ko. Maybe kuya was right. Maybe, I’m turning into an evil. At kung gusto ko man na ayusin ang lahat, huli na para dito.

Nasaktan ko na si Nate. Nagalit na si Kuya..

.. at iniwan na ako ni Justin.

Hindi ko alam kung anung pinakamasakit sa tatlo. Ang alam ko lang, ako ang may kasalanan nito kaya wala akong karapatan para magreklamo.

Kung nasasaktan ako, kasalanan ko yun.

Kung nalulungkot ako, kasalanan ko yun.

At kung mag-isa ako ngayon, siguro nga, kasalanan ko din yun.

Justin’s POV

Naggising ako dahil ring ng ring ang cellphone ko. I took it from the side table with my eyes still close.

“What?!” sigaw ko agad dun sa tumatawag habang lantang gulay na nakahiga sa kama.

“Nung isang araw pa ako tumatawag sa’yo, bakit hindi mo sinasagot? Okay ka lang ba?” sabi nung nasa kabilang linya.

Napabuntong hininga ako nung makilala ko yung boses. Masaya naman ako na marinig ang boses nya pero meron akong ibang ine-expect na tumawag sa akin ng ganito kaaga.

“Yeah! I’m fine, man” sabi ko kay Tyler. Tinawagan ko sya after what happened in the resort. Gulong-gulo kasi ang isip ko nung mga panahon na yun. Pero hindi nya nasagot ang tawag ko at napunta lang sa voice mail. Siguro nag-alala sya kasi kung anu-anu ang mga sinabi ko.

“Are you sure?” tanong nya ulit

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon