EPILOGUE

348 12 1
                                    

Habang nagbibilang ako ng mga araw, dumami na rin ang mga nagawa kong origami. Naka-92 na akong origami at punong-puno na ang kahong pinaglalagyan ko ng mga ito pero hindi pa rin siya nagigising. Simula noong nagtagumpay ang doktor at mga nurse sa pag-revive sa kanya, hindi na ako umalis sa tabi niya dahil natatakot akong baka may mangyari pa ulit na ganun at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung wala ako sa tabi niya sa mga oras na iyon para humingi ng tulong para sa kanya.

Sa ospital ako nag-celebrate ng birthday ko. Ayaw ko kasing mawala sa paningin ko si Emrys at ayaw ko ring hindi niya makita ang birthday celebration ko kaya naman napagdesisyunan kong doon na lang gawin iyon. Hiniling ko noon na sana gawin na lang Niyang birthday gift sa akin ang paggising ni Emrys pero hindi Niya ako pinagbigyan. Hindi pa siguro iyon ang tamang panahon para gumising siya.

Bumisita ang daddy ko sa ospital at nagkakilala sila ng mga magulang ni Emrys. Ibinalita niya sa amin ang mga inireport sa kanyang tungkol sa imbestigasyon. Ipinatawag daw nila ulit ang mga witness sa aksidenteng nangyari sa kuya ni Emrys at sa mommy ko at ipinalarawan sa kanila ang mga itsura ng mga humahabol sa kuya ni Emrys noong gabing iyon. Nang nai-sketch na daw ang mga mukha ng mga kinikilalang suspect at nang nakilala na kung sino ang mga ito, sinimulan na nila ang paghahanap sa kanila. Nang naaresto ang mga  suspect, hindi na nila kinailangang ipaturo sa mga witness kung sila ang mga nakita nila noong gabing nangyari ang aksidente dahil sila na mismo ang umamin sa kasalanang nagawa nila. Sinabi daw nilang gusto lang nilang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dalawa nilang kamag-anak dahil sa naging desisyon ng korteng paboran ang kalaban at iyon ay ang kliyente ng kuya Ethan ni Emrys. Matapos ang interogasyon nila, ikinulong silang may patong-patong na kaso. Ang pagkakulong nila ay patunay lang na hindi sa lahat ng pagkakataon gumagana ang sistemang “mata sa mata, ngipin sa ngipin.” Nagsasabi rin itong hindi dapat natin pairalin ang hustisya sa sarili nating mga kamay.

Kinabukasan, bago ko pa man magawa ang ika-93 na origami, nagsaya na ang lahat dahil nagising na si Emrys. Siyempre, masayang-masaya ako dahil walang ibang nangyaring masama sa kanya. Pagkatapos naman niyon, unti-unti na rin siyang naka-recover. Nang tuluyan na siyang gumaling, sinabi sa kanya ang mga detalye tungkol sa nangyari sa kanya at sa kaugnayan niyon sa nangyari sa kuya Ethan niya. Nagkapatawaran kami at nagkabalikan na rin kami. Tinanong niya sa akin ang dahilan kung bakit sinasabi ni Paul sa akin ang lahat ng nangyayari. Sinabi ko namang nasabi ni Paul noon sa aking naniniwala siyang hindi pa tapos ang lahat sa amin ni Emrys kaya naman ginawa niya iyon. Natanong niya rin sa akin kung paano ko nalaman ang tungkol sa pagkakaugnay sa aksidente ng mommy ko at ng kuya niya. Sinabi ko namang pinag-ugnay-ugnay ko lang ang mga nasabi niya sa akin at ang mga natanong ko sa daddy ko. Tinanong ko kasi kay dad ang buong detalye ng nangyari kay mommy. Sinabi ng daddy kong Attorney Ethan Rivera ang pangalan ng nagmamaneho ng kotseng nakabangga sa kotseng sinasakyan ng mommy ko. Nang ipinaliwanag ko lahat ng iyon kay Emrys, naliwanagan naman siya at para bang nabunutan kaming pareho ng isang malaking tinik sa dibdib matapos iyon.

Dahil ayaw ko nang mawala ulit si Emrys sa akin, sinurpresa ko siya isang araw. Sinabi ko sa kanyang 93 lahat ang nakalagay na origami sa kahong ibinigay ko sa kanya. Binilang niya ang mga origami at nadiskubre niyang kulang ito ng isa. Ibinigay ko sa kanya ang nawawalang isang napakalaking hugis pusong origami. Nang kinuha niya ito, naramdaman niyang may laman ito sa loob kaya naman kinalo-kalo niya ito at pinakinggan. Pagkatapos niyon, tinanggal niya ang pagkakatupi ng origami at nakita niya ang singsing na inilagay ko sa loob.

“Eh Lolo, anong naging reaction ni Lola nang nakita niya ‘yung singsing?”

“Siyempre, gulat na gulat siya lalo na nang lumuhod ako sa harap niya at nag-propose. Pagkatapos niyon, pumayag din siya. And she spent the rest of her life with me.”

“Tapos happy ever after na?”

“Happy until last year, apo. Iniwan na tayo ng Lola mo last year, diba? Pero wala na akong mahihiling pa. I married your Lola when we were only 22 years old. 58 years din niya akong sinamahan through good times and bad times. Gusto na rin sigurong magpahinga ng Lola mo. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makasama ulit.”

“Lolo, kahit naman wala na si Lola, she’s still watching over us.”

“Tama ka nga siguro. Alam kong hindi niya tayo pinapabayaan. Kung nadito pa siguro siya, maikukuwento rin niya sa’yo ang mga karanasan niya at puwede mong isama iyon sa isusulat mong kuwento. Ang mga ikinuwento ko lang kasi sa’yo ay ang mga natatandaan ko lang na naikuwento niya sa akin.”

“Last question na, Lolo. Bakit niyo nga po pala hinalikan si Lola noong una kayong nag-meet sa club?”

“Alam mo, tinanong din ‘yan ng Lola mo sa akin noong nabubuhay pa siya. Nang nakita ko kasi ang Lola mong pumasok sa club, nasa katinuan pa ako noon. Doon pa lang, hindi ko na mai-alis ang tingin ko sa kanya. ‘Yun nga lang, wala akong lakas ng loob para lapitan siya. Dahil doon, wala na akong nagawa kundi ang uminom na lang ng uminom. Pagkatapos niyon, bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob gawa na rin siguro ng naka-inom na rin ako. Tumabi ako sa Lola mo at sa kaibigan niya. Sa gitna ako umupo para hindi maka-istorbo sa amin ‘yung kaibigan niya. Nang uminom naman kami ng tequila, medyo nalasing na ako kaya hindi ko sinadyang halikan ang Lola mo noon. Pero siguro nga, nagkusang gumalaw ang katawan ko para maipakita sa kanya ang nararamdaman ko.”

“Destined pala talaga kayo para sa isa’t isa, Lolo. Naku, mag-aalas dose na rin po pala. Magpahinga na po kayo ha? Siguradong napagod din kayo sa pagkukuwento niyo sa akin. Maaga pa tayong pupunta sa cemetery bukas para dalawin si Lola for her death anniversary.”

“Sige apo. Pupunta na rin ako sa kuwarto ko. Sandali na lang ako dito.”

“Pag natapos ko nang isulat ang kuwento niyo, I’m sure you’ll be the greatest love team na makikilala ng readers ko. Good night, Lolo. Thank you for sharing your story.”

Ngumiti naman ako sa sinabi ng apo ko sa akin. Pagkatapos niyon, hinalikan niya ako sa pisngi at pumasok na siya sa loob ng bahay. Napaisip naman ako. Tadhana nga ba ang may kagagawan ng lahat? Maaaring oo, maaari ring hindi. Marami ang naniniwala sa tadhana pero kailangan din nating magising sa katotohanang tayo-tayo lang din ang gumagawa ng sarili nating kapalaran at mayroon lamang gumagabay sa atin sa pagtahak natin sa landas na napili natin.

Habang nakaupo ako sa upuan sa terrace, pinagmasdan ko ang mga bituin sa kalangitan. Emrys, nandiyan ka ba? Masaya ka ba diyan? Alam ko, isang taon pa lang ang nakakalipas pero gusto na ulit kitang makita. Malungkot mag-isa. Unang taong anibersaryo mo na bukas pero kahit nagpakatatag ako nang mga nakaraang buwan, mahirap pa ring tanggapin. Pagod na pagod na rin ako sa kakahintay.

Nakakita ako ng isang nakakasilaw na ilaw sa harap ko at bumungad sa akin ang maamong mukha niya. Ang mukha ng taong matagal ko nang gustong makitang muli. Ang mukha ng taong mahal ko. Ngumiti siya sa akin. Masayang-masaya akong nakita ko siya sa isa pang pagkakataon. Iniabot niya sa akin ang kamay niya kaya tumayo ako at hinawakan ko ito. Pagkatapos niyon, magkasama na kaming lumakad papunta sa liwanag.

- END -

Destiny's Twelve o'clockWo Geschichten leben. Entdecke jetzt