♥ lovely xxxi ♥

9.1K 82 2
                                    

"O, ano namang iniisip mo? Ba't natahimik ka?" tanong niya. Napansin niya sigurong natulala ako.

"Iniisip ko lang si Myz kung anong ginagawa niya ngayon..."

"Oh! Wait, wait, wait... bro, hindi kaya ang dahilan kung bakit naging cold sa 'yo si Myz ay dahil may bago na siya?" saad ni Carlos na ikinasama agad ng timpla ng mukha ko.

"Tangina! Bawiin mo 'yang sinabi mo, sisikmuraan kita 'ta mo," banta ko sa kanya.

"Hindi nga, bro. Isipin mo 'yon, nawala siya for so many days tapos pagbalik niya hindi ka na niya love," aniya na nagpatuliro pang lalo sa 'kin.

"Tumahimik ka! 'Wag kang tumawa r'yan. Galit lang 'yon!" sagot ko naman. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Hindi gano'n si Myz.

"Weh? Baka may bago na siyang love tapos may date sila ngayon sa coffee shop na sinabi mo. E, matanong ko lang. Saan bang coffee shop 'yon?" tanong niya sa 'kin. Naalala ko naman kaagad 'yong name no'ng coffee shop.

"Café Hours," sagot ko naman. Nabasa ko kasi 'yong name ng coffee and tea shop na 'yon noong bumaba ako ng sasakyan at hahabulin sana si Myz para i-kiss.

"What? Sure ka?" tanong ni Carlos na mukhang 'di makapaniwala sa sinabi ko.

"Bakit?" tanong ko naman dahil napaka-weird ng naging response niya. Parang sinabi ko lang naman 'yong name ng coffee shop tapos gulat na gulat na siya.

"E, doon din ang dating place namin!" sagot niya at napatango na lang ako. Kaya pala gano'n na lamang ang reaksyon niya.

"E, 'di ba nga 'di kayo natuloy." Umalis ako sa pwesto kong kanina ko pa tinatayuan. Nakakasawa nang magmasid sa paligid.

"Oo, gago ka, e. Alam mo 'yon?" sabi niya sa 'kin habang sinusundan ako ng tingin.

"May next time pa naman, bro. Okay lang 'yan. Thanks pala sa time mo. Thanks sa pakikinig." Nakaupo na ako ngayon sa upuan at nag-de kwatro.

"Walang anuman, p're. Sige, uwi ka na." Seryoso niyang sinabi sa 'kin 'yon. Bakit naman niya nasabi 'yon? Loko talaga, kauupo ko lang, e.

"Ano?" tanong ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang tao na 'to.

"Umuwi ka na 'ka ko, wala ka namang gagawin dito, e," saad niya saka ibinaling ang tingin sa malayo.

"Gago ka ba? Kaya nga ako nagpunta rito dahil wala akong kasama sa bahay." Napatayo tuloy ako sa inuupuan ko.

"Edi bumili ka ng kausap mo," pilosopong tugon niya.

"P're, sabihin mo lang kung ready ka na makipagsuntukan. Nakakagago ka na, e," kausap ko sa kanya habang nilalapitan siya.

"Easy, dude." Tinulak niya ako nang marahan dahil palapit na 'ko sa kanya. "Aha! Alam ko na, kumain na lang tayo." Napailing ako sa sinabi niyang 'yon.

"Timawa! Dambuhala na nga 'yang katawan mo, e."

"Walang laitan, 'tol. Porke't sexy ka, e. Yabang!"

"Wala akong gana, bro. Mas gugustuhin ko pang malaman kung anong ginagawa ni Myz kaysa kumain. Mas importante siya kaysa pagkain," sabi ko naman at bumalik na ulit ako sa upuan.

"Naks naman! Wait, ano 'yong sinabi mo?" tanong niya habang nakatingin na animo'y sinisino ako.

"Ano? Bakit? Bingi ka ba?" sagot ko. Gumanti lang ako sa pamimilosopo niya kanina pa.

"Tanga, sabi mo mas gugustuhin mo pang malaman kung anong ginagawa ni Myz kaysa kumain," sagot niya na parang alam na alam talaga kung anong sinabi ko. Tandang-tanda niya naman pala.

"Oh, narinig mo naman pala, e. Magtatanong ka pa?" sabi ko sa sarkastikong tono.

"Tanga! Tara!" ngiting anyaya niya sa 'kin.

"Anong tara?" tanong ko. Wala akong ideya sa sinasabi niyang 'yon.

"Tara basta!" sabi niya ulit at mas excited ang mukha niya ngayon.

"Saan tayo pupunta?" Ayaw kong mag-isip kaya naman tanong lang ako nang tanong. Ayaw kong manghula.

"Edi sa gusto mong puntahan!" sagot niya na unti-unting nagbibigay ng clue sa isip ko.

"Ang labo mo naman, e!" sabi ko saka napakamot ng ulo. Medyo stress na ako dahil ayaw pa niya 'kong diretsahin.

"Ang bobo mo naman kasi!" sagot niya at nag-walk out siya.

"Saan nga pupunta?" tanong ko habang sinusundan siya.

"Edi kay Myz!" pabalang niyang sagot.

"Ahh..." sabi habang tumatango-tango pa. "Ano? Bakit natin pupuntahan si Myz?" gulat kong tanong. Ngayon lang kasi nag-process sa utak ko ang mga sinabi niya kaya naman gulat ako.

"'Di ba gusto mong malaman kung ano'ng ginagawa niya?" tanong na naman niya. Malayo-layo na rin ang nalalakad namin. Nandito na kami sa sala.

"Oo," tanging sagot ko.

"Edi tara na nga!" aniya na apurang-apura. Hinatak niya 'ko sa damit pero inalis ko rin kaagad ang kamay niya.

"Pare, baka magalit 'yon 'pag nalaman niyang sinusundan ko siya. Baka masamain niya 'yon. Baka isipin niyang pinaghihinalaan ko siya. Pa'no kung mahuli niya tayo?" saad ko pero nginitian niya lang ako. Nag-aalala lang talaga ako dahil baka mag-away na naman kami dahil do'n, hindi pa nga kami nagkakaayos, e.

"Sino ba kasing nagsabi na mahuhuli niya tayo?" ani Carlos sa nakakalokong tingin. Ilang segundo kaming nagkatinginan saka sabay na lang kaming napatango na animo'y nabasa namin ang naiisip ng isa't isa.

Lumabas na kami ng bahay at patungo na sana sa sasakyan ko kaya lang kilalang-kilala ni Myz ang kotse namin. Hindi okay kung 'yon ang gagamitin namin ni Carlos.

"Bro, kotse mo na lang ang sakyan natin," sabi ko kay Carlos na mukhang ready na.

"Bakit?" tanong naman niya sa 'kin.

"E, baka mahalata agad ni Myz. Kilalang-kilala kasi niya 'tong car namin," tugon ko.

"Ah, okay gets. So pa'no? Iiwan mo 'yan dito?" ani Carlos na ang tinutukoy ay ang kotse ko.

"Hindi. Iuuwi ko muna sa 'min," sagot ko. Natahimik kaming saglit at natigilan.

"Nice! Ano pang hinihintay natin?" sagot ni Carlos na siya na ring bumasag ng katahimikan.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERAOn viuen les histories. Descobreix ara