♥ lovely lxvii ♥

3.1K 33 2
                                    

MULE's POV

Pasado alas-tres ng madaling araw ng magising ako. May tumatawag sa cellphone ko at nang tingnan ko ay walang iba kundi si Boss. Isa lang ang ibig sabihin nito, may hindi magandang nangyayari at kailangan nila ang tulong namin.

"Yes, sir." Mahina lang ang pagkakasabi ko at itinutok kong mabuti sa bibig ko 'yong mic ng cellphone para doon magsalita. "RQ02," sabi ko pa. Code 'yon na ang ibig sabihin ay kailangan ko ng sasakyan.

Kumuha ako ng ballpen at papel para mag-iwan ng note kay Myz. Hindi ko na kasi siya magigising pa at nagmamadali ako. Kaagad kong isinuot ang pantalon ko at pagkatapos ay ang black leather jacket ang ipinatong ko sa sando na suot ko.

Pagkalabas ko ng gate ay kaswal akong naglalakad. Makalipas ang sampung minuto ay may humintong Harley-Davidson FXDR 114 sa tapat ko.

"A30+ sir! 708. Hop on," ani Agent Roy at inabot sa 'kin ang helmet. Ang 708 ay isa sa mga code na kami lang ang gumagamit. Ito ay paraan ng pagbati sa 'min. Katumbas nito ang salitang 'Hi' o 'Hello'.

"A40+, RQ03." Pagkasabi ko no'n ay umangkas na ako. Ang RQ03 ay isa rin sa mga code namin and we are using it when requesting for a ride.

Bago ko isuot ang helmet ko ay lumingon pa ako sa likuran ko at tumingala. Doon ay natatanaw ko pa ang maliit na liwanag sa ikalawang palapag ng bahay namin. Kahit na malayo na ang nalakad ko kanina ay natatanaw ko pa rin 'yon pero hindi ko na ito maaninag at tuluyan na rin naglaho nang magsimulang umarangkada ang sakay naming motor.

Nakarating kami sa basement camp sa loob lamang ng isang oras at hindi rin nagtagal ay nakarating na kami kaagad sa loob. Naglalakad kami ngayon sa tahimik na pasilyo patungong headquarters.

"Mukhang exciting ang task. Nararamdaman ko," ani Roy saka tumawa habang pinagkikiskis ang dalawang palad niya nang mabilis.

Si Agent Roy o mas kilala sa codename na A30+ ay isa sa mga tinitingalang secret agent dahil sa dami na ng kaso at mga nagtatagong masasasamang aso ang nahuli niya. Parehas kaming bahagi ng National Department of Investigation (NDI) at Bureau of Central Intelligence (BCI). Kami ang kasangga ng pulisya at militar sa pagsugpo sa mga katiwalian at krimen sa bansa.

"Parang boring," walang buhay kong saad. Natigil siya sa pagtawa at pagkikiskis ng palad. Hinintay ko siyang magsalita pero hindi na siya kumibo pa dahil narating na namin ang pinto papasok sa headquarters. Itinagilid ko ang aking ulo habang nakatingin sa kanya at sa door knob ng pinto. Naintindihan niya naman ang senyas ko at kaagad niyang binuksan ang pinto.

Pumasok kami ni A30+ sa loob no'n at doon ay nakita namin sina A01 at A20 na tahimik na nakaupo habang nakapatong ang mga kamay nila sa ibabaw ng pahabang lamesa.

Mahaba ang lamesang iyon na kagaya ng mga nasa kompanya kapag nagmemeeting ang mga board members. May mga swivel chairs bawat gilid at sa pinakadulong bahagi ay doon laging nagsasalita si Boss.

"708, sorry na-late kami." Naupo ako sa napili kong upuan katapat ni Agent Laveen, A01 na katabi ni Agent Axl, A02. Si A30+ naman ay naupo sa ibabaw ng table.

"Sanay na kami," ani Laveen. Nagtataka ako kung bakit hindi pa rin kami nadadagdagan hanggang ngayon. Kami lang kayang apat ang tinawagan?

"Uy, Roy!" ani Axl nang makita niyang bumukas kaagad ang pinto. Nagulat si Roy na sitting pretty sa ibabaw ng lamesa. Agad-agad siyang naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Heads up, Agents!" Lahat kami ay nakatingin lang sa iisang tao at siya ang aming boss. Hindi namin alam kung ano ang pangalan niya bukod sa codename niya.

"708, sir!" sabay-sabay naming sambit nang tumayo kami at sumaludo sa kanya. Naupo kami kaagad matapos niyang sumenyas. Nagsimula na siyang i-set up ang laptop at projector. At ang mga papel ay inabot niya kay Laveen, binigyan naman kami niya ng tig-iisang kopya.

Nagtinginan kaming apat at mukhang pare-pareho lang kami ng nasa isip. Saktong apat lang ang papel. Ibig sabihin kami nga lang apat. Wala ng ibang hinihintay.

"A, sir? Kaming apat lang po talaga?" tanong ni A30+ na naglakas loob lang din.

"6033, A30+," sagot niya kay Roy. Ang ibig ng 6033 ay Yes. Hindi na kami kumibo pa. Hinintay na lang namin siyang magsalita.

"Bibilisan ko lang dahil I have pending tasks, cases, etcetera etcetera. First of all, kayong apat lang ang inaasahan ko para sa dalawang misyon na ito. Yes, I'm going to give you two missions." Nakatayo siya sa harapan namin habang nagsasalita. Muli siyang tumingin sa laptop niya at nagsimulang magtipa.

"We need to solve these two fucking problems that is really bothering and it's such a pain in ass."

Gan'yan siya magsalita. It's no formal. It's always an informal, a dirty one. Komportable naman na kami sa pananalita niya at sanay na kami na gan'yan siya.

"First of all, our Congresswoman received 11 consecutive death threats. And when someone received a death threat, s'yempre halos matae sa salawal 'yan. Takot na takot ang pwet ni Congresswoman. Those stupid motherfuckers na walang magawa sa buhay dapat sila 'yong dine-death threat!"

Hindi na kami natatawa sa paraan niya ng pagsasalita dahil sa gano'ng paraan niya nailalabas ang saloobin niya.

"In other fucking words, protect our Congresswoman from those badass bastards, or whoever idiots they are."

Kahit hindi niya naman sabihin 'yon ay alam namin 'yon. Ang protektahan ang ibang tao para sa mga masasamang tao, responsibilidad namin. Ito 'yong trabaho na napili namin. Ito 'yong gusto ko. Gusto kong protektahan ang mga mahal ko sa buhay. Gusto kong protektahan si Myz at Jam.

Ginagawa ko 'to para sa kanila at para sa sarili ko dahil ayaw ko nang maulit ang bangungot ng nakaraan. Noong mga panahong binubugbog ako at walang kalaban-laban. Ayokong mangyari sa iba 'yong nangyari sa 'kin. Binugbog at pinahirapan ng mga miyembro ng drug syndicate noon. Gusto 'kong gumanti kaya naman pinasok ko ang ganitong trabaho. Gusto kong maging malakas. Ayokong maging mahina. Gusto kong puksain ang mga taong halang ang bituka at mga taong walang lugar sa langit ang kanilang kaluluwa.

"Second and lastly, mayro'ng nagaganap na kidnapping ngayon. And this is not a shit anymore, this ain't a prank bitches. Mayro'ng fucking syndicate na gumagawa ng katarantaduhan sa mga bata, kinikidnap nila tapos binebenta. Binebenta sa mga foreigners, yung iba organs ng mga poor kid, yung iba ginagawang sex toy ang mga poor kid, yung iba pinapaampon ang mga poor kid and yung iba basta na lang pinapatay ang mga kawawang little poor kid!"

Tahimik lang kaming nakikinig sa mga impormasyong binabahagi ni Boss. Matagal na ang issue tungkol sa mga nawawalang bata na kinikidnap ng van pero ayon kay Boss nagiging masyadong lantad na ang gawaing ito at talagang parami nang parami ang mga batang nawawala.

"So anong gagawin niyo? I want you to break the bones of those crazy li'l dickheads. Throw away those douchebags! Kick their asses!" saad niya habang dine-demonstrate pa sa 'min kung paano dapat gawin. Kailangan niya pa talagang i-act para masabi niya ng maayos  ang gusto niyang sabihin.

"Okay shit, masyado na akong maraming satsat. Dalawa lang ang ugat na kailangan nating bunutin, at nabunot na ang isa. Habang hindi pa nagsasalita ang kutong lupa na 'yon, kailangan niyon hanapin 'yong isang mastermind na nambibiktima here in our poor country," pagpapatuloy niya. Nahalata niya na ring marami na siyang sinasabi kaya mas binibilisan niya nang magsalita ngayon.

"Kailangan niyong mag-spy sa mga malalapit na lugar kung saan may mga nawawalang bata. Karaniwan silang sakay ng itim na van, walang plate number. Tingnan niyo mga bullshits, anong napansin niyo?" Tiningnan namin ang projector na nasa likod niya kung saan nakadisplay ang isang mapa.

"Magkakasunod na lugar ang mga binibiktima nila, and ito ang mga possible places na maaari nilang puntahan. Especially sa mga elementary school sila nambibiktima."

Kinamayan kami ni boss isa-isa kahit na nagmamadali siya. Nag-goodluck siya sa 'min bago umalis. Iniwan niya na kami sa headquarters pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng sasabihin niya. Inaral naming mabuti ang mga papel na hawak namin pagkatapos ay umalis na rin kami para puntahan ang mission na iniatas sa 'min.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon