Chapter 20

1K 93 13
                                    

JAM'S POV



Ganoon na nga ang nangyari. Kung kanina ay siya lang ang sunod nang sunod sa akin, ngayon naman ay ako na itong tahimik sa kanyang likuran at pinapakinggan lang ang pagsigaw niya sa bawat nakikitang mali.



Hindi ko akalain na sa kabila ng pagiging isip-bata niya ay may ganitong ugali siya pagdating sa trabaho. Kaya pala siya ang isinama sa akin ni Steff dahil alam niyang may ganitong katangian si Kim. Magaling kasi si Steff sa pagpili ng kanyang mga makakasama sa team.



Natapos ang araw at kinailangan na naming umuwi. Napag-usapan namin na didiretso na lamang kami sa simbahan upang makahabol sa misa.



Habang nandito kami sa bus ay hawak ko ang aking notebook at dini-discuss ko kay Kim ang mga nakikita kong development sa pagse-set up ng event. Sinabi kasi ni Steff na siya na ang magtutuloy nito bukas kaya kailangan ko rin sa kanyang itawag ito. Nasa tabi ko naman si Kim na nananahimik lang ngayon.



"Doon sa backstage, nakaset-up na rin ang dressing room para sa mga models. Palagay mo, okay lang kaya na mas malaki ang space para sa mga babae kesa sa mga lalake? Tutal naman, mas marami ang female models natin, 'di ba?" tanong ko sa kanya.



Ilang segundo akong naghintay ng sagot, ngunit nang lingunin ko siya ay nakapikit na pala ang mga mata nito. Hindi pala niya ako pinapakinggan dahil mahimbing na siyang natutulog.



Gusto ko siyang pagtawanan. Siguro ay napagod siya sa kasisigaw kanina sa venue? Kaya heto, hindi na napigil ang sariling makatulog.



Ngayon ko lamang napagmasdan si Kim nang malapitan. Napansin kong mahaba rin pala ang kanyang mga pilik mata. Para siyang anghel sa mga oras na ito dahil napakaamo ng kanyang mukha. Kung pagmamasdan mo siya ay aakalain mong napakatahimik niya, pero 'pag nagising ito ay napaka-ingay naman.



Habang nakatitig ako sa kanya ay naramdaman ko na naman ang kakaibang kabog ng aking dibdib. Muli ko na namang kinapa ito dahil gusto kong kontrolin ang mabilis na pagtibok ng nasa loob nito.



Alam ko ang pakiramdam na ito. Hindi na sa akin ito bago. Pamilyar ang pakiramdam dahil minsan ko na itong naranasan. At ito — ito ay noong mga panahon na nakilala at nakakasama ko pa si Sam.



"Hindi pwede." bulong ko sa aking sarili habang kapa ang aking dibdib.



Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang nagpreno ang bus na sinasakyan namin. Naging dahilan tuloy ito ng paggalaw ni Kim at hindi sinasadyang maisandal ang kanyang ulo sa aking balikat.



Mas lalong dumoble ang bilis ng takbo ng aking puso habang ang kanyang ulo ay halos nakadikit na sa mukha ko. Amoy na amoy ko pa ang bango ng kanyang buhok.



Naestatwa ako, ngunit napapitlag din ako nang marinig ko siyang magsalita habang nakapikit at nakasandal pa rin sa balikat ko.



"Ang bilis..." mahina niyang sambit ngunit sapat lang para marinig ko.



"H-ha?" nauutal kong reaksyon.



"Ang bilis, Jam... Ang bilis ng pintig ng puso mo..." sagot niya sa akin.



Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla. Ngayon ay naging triple na rin ang pagtibok ng aking puso at alam kong naririnig niya na naman ito dahil nanatili siyang nakasandal sa aking balikat.



"Sana, Jam..." sambit niyang muli at saglit na tumigil. "....sana ako ang dahilan niyan." pagpapatuloy niya pa.



Napalunok ako sa kanyang sinabi. Mabilis kong iniwas ang aking tingin sa kanya at tiningnan na lamang ang mga sasakyang nasa labas ng bintana nitong bus.



Christmas LightsWhere stories live. Discover now