Chapter 3

1.2K 113 14
                                    

----------

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

----------


JAM'S POV


"Problema mo?! May kailangan ka ba?!" hindi ko na napigilang mapasigaw nang bahagya dahil sa inis ko sa kanya. Nakakailang na kasi ang ginagawa niyang pagsilip. Nakakainis din dahil ang set up ng aming table ay magkaharap kami.


Nagkamot siya ng batok at nakita kong namula siya nang bahagya. Mukhang nakaramdam ng hiya.


"A-ahm... I-itatanong ko lang sana kung may hard copies ka ng mga layouts na nagawa mo for the past few months?" tanong niyang nauutal.


Hindi na ako sumagot sa kanya. Mabilis kong kinuha ang mga folder mula sa aking drawer at padabog na inilagay iyon sa ibabaw ng kanyang mesa.


"S-salamat." nauutal niya pa ring sambit saka kinuha ang folders na iyon.


Matapos iyon ay muli kong ibinalik ang aking sarili sa aking ginagawa. Wala akong panahon na makipag-usap sa kahit na kanino. Hindi ko rin naman panghihinayangan kung walang gustong makipag-usap sa akin o makipagkaibigan. Sanay na akong nabubuhay sa sariling mundo ko lang — sa sariling mundo namin ni Sam.


Mabilis na lumipas ang oras at natapos din ang isang araw ng aking pagtatrabaho. Narinig ko na ang pagpapaalam ng aking mga kasama sa bawat isa. Ako naman ay inihahanda na rin ang mga gamit pauwi. Alam kong pahirapan sa mga oras na ito kaya kailangan kong magmadali. Makikipagsiksikan na naman ako sa bus dahil peak season na rin. Ganito naman tuwing malapit na ang Pasko, wala nang bago.


"Jam, mauuna na ako, ha? Mag-iingat ka sa pag-uwi." pagpapaalam sa akin ni Steff.


Siya lang talaga ang nag-iisang tao rito na kaya akong kausapin nang normal sa kabila ng katahimikan at kasungitan ko.


Hindi ako nagsalita ngunit nagbigay ako ng pagtango bilang pagtugon. Ngumiti lang din naman siya pabalik at tuluyan nang lumabas sa opisina naming ito.


Kasabay kong naglakad palabas ng opisina ang bagong pasok na lalaki sa aming department, pero tulad kanina ay hindi ko siya kinausap hanggang sa magkasabay pa kaming nakalabas ng building.


"Gabi na naman... Madilim na ulit ang langit... Mabuti naman..." mahina kong sambit habang nag-aabang ng masasakyang jeep.

Christmas LightsOnde histórias criam vida. Descubra agora