Chapter 19

1K 110 14
                                    

----------

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

----------



JAM'S POV



"Jam, kailangan n'yo nang bisitahin ni Kim ang venue. Kailangan n'yo nang ma-check kung nasusunod ba ng contractor ang materials na nasa proposal nila. Mahirap na, baka ginugulangan nila tayo?" utos sa akin ni Steff sa telepono.



"Sige, papunta na rin kami. Magpagaling ka na lang." sagot ko naman sa kanya at ibinaba na rin ang tawag.



"Anong sabi?" tanong sa akin ni Kim.



"Puntahan na raw natin." sagot ko naman sa kanya.



"Tara tara!!" masigla naman niyang sambit.



Tingnan mo ang lalaking 'to. Ngayon lang ako nakakita ng member ng department na 'to na excited ma-assign sa field. Kami nga, iwas na iwas dahil nakakapagod ang biyahe. Pero siya, galak na galak pa.



Papunta kami sa venue ng malaking event ng aming company para bisitahin ang designs na ise-set up sa stage ng aming contractor. Para ito sa gaganaping yearly Christmas Hair Show ng aming kompanya.



Lahat ng miyembro ng aming kompanya ay magpupunta rito sa susunod na araw. Darating ang mga executives pati na rin ang mga humahawak sa mga branches ng aming kompanya sa bawat sulok ng bansa.



Si Steff dapat ang mamamahala rito ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niyang magpahinga sa kanyang bahay. Sinakitan kasi siya ng tiyan dahil sa ilang araw ng pagkain ng paborito niyang marshmallow. At dahil ako ang isa sa mga pioneer dito ay ako ang inatasan niyang pumalit sa kanya pansamantala. Pero ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit kailangan niya pang isama sa akin si Kim na bago lang naman sa aming kompanya.



Nang makarating kami sa lugar kung saan gaganapin ang event ay agad akong nagsagawa ng inspection sa mga gagamiting materials sa stage. Kasama ko ang babaeng head ng aming contractor at nasa likuran ko lamang si Kim na sinusundan lang ang mga pagkilos ko.



Habang tumatagal na kami ay nagsasagawa ng inspection sa lugar ay napapansin kong hindi nasusunod ang nasa aming kontrata.



"Parang hindi yata ito ang napagkasunduan n'yo nina Ms. Steff? 'Di ba, ang nakalagay sa kontrata is digital screen ang gagamitin sa background? Bakit white screen lang ang nandiyan sa likod?" tanong ko sa babae.



Inikutan lang ako ng mata ng babaeng kausap ko bago ito sumagot.



"Mahirap nang sumugal sa digital screen na 'yan. Who knows kung magkaroon ng technical error? Eh, 'di lalong nagkaproblema!" sagot niyang nakasimangot.



Nakaramdam ako ng inis sa paraan niya ng pagsasalita ngunit nagtimpi ako. Palibhasa kasi ay alam niyang representative lang kami kaya siguro ganito niya ako pakitunguhan.



"Eh, 'yung sounds and lights na gagamitin dito sa stage? Bakit iba na ngayon ang nagse-set up?" tanong kong muli sa kanya. Napansin ko kasing iba ang pangalan ng company na nasa kontrata. Pero nang makita ko ang uniform ng mga nag-aayos ay hindi sila ang mga taong ine-expect ko. Pakiramdam ko talaga ay tinitipid kami ng contractor na ito.



"Pareho lang 'yan. Iisa lang naman ang quality ng lights and sounds nila." sagot na naman sa akin ng babae at umirap pa.



Dahil dito ay hindi ko na napigilang ilabas ang inis ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay may ipinagkatiwala sa aking isang trabaho pero hindi ko ito magagampanan nang maayos.



"Nasaan ba ang Manager mo?! Siya na lang ang kakausapin ko! Nakakairita kang kausap, eh! Wala akong makuhang magandang sagot galing sa 'yo!" bigla kong pagbulyaw sa kanya.



Nagulat ang babaeng kausap ko kaya naman hindi rin siya agad na nakasagot sa akin.



Maayos akong nakikipag-usap lalo na sa mga ganitong bagay dahil ayaw kong may masasabi sa akin ang mga boss ko. Pero kung ganito rin naman ako pakikitungunguhan ay pasensiyahan na lang. Ang gusto ko lang naman ay matapos nang maayos ang ibinigay sa aking trabaho.



Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paghawak ni Kim sa aking balikat. Salubong pa rin ang mga mata kong nilingon siya mula sa aking likuran.



"Hey, relax!" wika niyang nakangiti sa akin.



Relax?! Paano ako makakapag-relax kung ganito ang nangyayari ngayon?!



"Sir, mabuti po at nandiyan kayo. Awatin n'yo 'yang kasama mo. Pwede niya naman akong kausapin nang maayos, 'di ba?" sabat ng babaeng sinigawan ko.



Nagdidikit ang mga ngipin kong nilingon muli ang babae. At kung kanina ay halos mawala na ang itim niya sa kanyang mata dahil sa kaiirap sa akin, ngayon naman ay akala mo kung sinong maamong tupa. Kanina ko pa rin napapansin na si Kim lang ang kinakausap niya nang maayos. Samantalang ako itong maraming tanong sa kanya pero tipid lang ang kanyang mga isinasagot.



Kanina ko pa rin pinipigilan ang aking inis habang inoobserbahan ang mga tingin niya kay Kim. Halatang nagpapa-cute siya rito at napapapansin.



"Miss, bakit nga ba hindi digital screen ang ilalagay sa likod?" nakangiting tanong ni Kim sa babae.



"Uhm... Kasi, Sir, 'yon po ang advise ng Manager namin. Kung may tanong naman po kayo sa bagay na 'yon, pwede ko po kayong samahan para personal n'yo siyang makausap." magalang nitong sagot kay Kim.



Napapikit ako dahil sa sobrang inis. Akmang sisigawan ko na naman sana ang babaeng ito nang matigilan din ako dahil sa sumunod na nangyari.



"Eh, 'di sana, kanina mo pa sinabi sa amin, 'di ba?!! Hindi mo na sana sinayang ang oras namin sa pag-iikot dito! Kung ano-anong walang kwentang bagay pa ang sinasagot mo sa kasama ko!! Sa tingin mo ba nagpunta kami rito para makipaglaro sa 'yo?!! Nasaan ang manager mo?! Ihatid mo kami ngayon sa kanya!" sigaw ni Kim na umalingawngaw sa buong venue.



Gulat na gulat ako sa kanyang ginawa. Ang akala ko kasi ay pa-easy-easy lang ito kanina. Panay lang kasi ang tingin niya sa paligid na animo'y walang pakialam sa nagaganap, pero heto siya ngayon at halos magwala na.



Nagulat din ang babaeng kausap namin. Kahit ang ilang taong naririto ay napatingin na rin sa amin dahil sa ginawang pagsigaw ni Kim.



"Sagot!! Nasaan siya?!!" muli pang pagsigaw ni Kim sa babaeng animo'y natuklaw na ngayon ng ahas.



"S-sandali lang po... T-tatawagan ko..." natatarantang sagot ng babae.



Matapos iyon ay kumilos si Kim para naman puntahan ang mga construction workers ng kasalukuyang nagpupukpok sa stage.



"Kayo naman diyan! Nasaan ang lima n'yo pang mga kasama?! Fifteen kayong nakatoka dito, 'di ba?! Bakit sampu lang kayo ngayon diyan?! Paano matatapos agad ang trabaho kung wala ang iba?!" sigaw na nga nito sa mga manggagawa.



Wala na nga akong nagawa kundi ang manahimik na lang. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nasaksihan.



Nakakatakot palang galitin ang lalaking ito. Sa likod ng kanyang mga mala-anghel na ngiti at tawa, nagtatago pala ang isa niyang katangian na parang halimaw.







----------

All rights reserved.
Year 2016
cold_deee
12.19.2018

Christmas LightsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant