Kabanata 45

3.6K 112 7
                                    

Kabanata 45

Zyren's Point of View

Akala ko masayang bakasyon ang gagawin namin dito ni Sophia sa Pilipinas pero mukhang problema pa yata 'yon.

Nandito kami ngayon sa Hospital habang 'yong batang nabangga ko kanina ginagamot sa loob ng emergency room.

Halos magpabalik-balik ako sa paglalakad dahil sobra akong nag-aalala sa kanya. Hindi dahil sa ako ang nakabanggang sa kanya basta may kakaiba. Lalo na nang makita ko siya.

"Chocolate, huminahon ka lang. Hindi mo naman sinasadya 'di ba? Kusang sumulpot 'yong bata."

Hinimas ni Sophia ang likuran ko nang paupuin niya ako sa tabi niya.

Nang kumalma ako napatingin kaming dalawa kina Ehdrey at Darren dahil napansin naming kanina pa nila kaming pinagmamasdan ni Sophia.

Pero bigla silang lumihis ng tingin kaya kami naman ngayon ni Sophia ang nagkatinginan sa isa't-isa.

Alam kong awkward dahil pinagtagpo ulit kaming apat pero tadhan na mismo ang naglapit sa amin.

"Ahm..." Nilapitan sila ni Sophia. "P-Pasensya na kung nabangga ng asawa ko 'yong anak ninyo. Hindi naman niya sinasadya," malumanay niyang sabi sa kanila kaya pati ako lumapit na rin sa kanila kahit na ang awkward pa.

"Umh, oo, tama 'yong sinabi ng asawa ko. Bigla kasing sumulpot 'yong anak n'yo... tapos... ayon..." utal-utal kong pagpapaliwanag.

"Okay lang no need to apologize. I-Ipagpray nalang natin 'yong anak ko."

Tumango lang kaming mag-asawa. Muli kaming bumalik sa inuupuan namin kanina. Naging tahimik kami ngayong lahat.

Nang hindi namin inaasahang makita rito sina Ozu, Ezikiel, Jamie at Crystal kaya agad kaming napatayong apat.

"Sophia? Zyren? Ehdrey?" sabay-sabay nilang sambit nang magulat din silang makita kami rito ngayon.

Nagmadaling niyakap ni Crystal si Sophia. Halatang na miss nila ang isa't-isa kaya napangiti ako. Lumapit na rin si Jamie sa kanila habang nagkamayan naman kami ng mga king.

"Dre..." pagbati sa akin nina Ozu at Ezikiel. Niyakap din namin ang isa't-isa.

"Bakit nandiyan kayo? Dito kayo maupo." Napansin ni Ozu sina Ehdrey at Darren na nakatingin lang sa amin kaya hinikayat niya itong lumapit sa kinatatayuan namin.

Nagkatinginan lang kami ni Sophia, pero tingin na nakalimutan na 'yong inis at galit ng nakaraan. Sabay-sabay kaming umupo pero pareho kaming nasa magkabilang dulo.

Minsan nga lang ang awkward talaga kasi hirap na hirap sina Ozu, Crystal, Jamie at Ezikiel kung paano nila sisimulan ang isang magandang usapan.

Minsan sumasagot kami pero minsan naman may oras na tahimik lang kami ni Sophia.

Nang biglang lumabas ang doctor kaya agad kaming napatayong lahat saka lumapit si Ehdrey dito.

"Doc, kumusta po ang anak ko?" tanong niya.

Naghihintay lang kaming lahat sa isasagot ng doctor.

"Kailangan po siyang masalinan ng dugo. Kailangan namin ng blood donor," sagot nito kaya nahalata naming nag-alala si Ehdrey.

"Ahm, sige, walang problema ako ang aako ng responsibilidad. Ano ang bloodtype ng bata?" tanong ko agad.

"Type AB po," sagot nito.

"AB?" agad ko namang sambit kaya nagkatinginan kami kay Darren.

"O ang blood type ko," sagot niya kaya kay Ehdrey naman kami na patingin ngayon.

"B ang blood type ko," sagot niya rin kaya agad akong nagtaka.

"AB ang bloodtype ko. Puwede n'yo akong kunan kahit ngayon na."

Pumasok agad ako sa emergency room. Napatitig ako sa bata nang muli ko siyang makita.

Hindi ko inaasahan na pareho kami ng blood type. Napangiti na lang ako ngayon habang pinagmamasdan ko siya. Gusto ko kasing magkaanak ng lalaki katulad niya.

"Mr. Do, rito po tayo." Sinunod ko agad ang sinabi ng nurse at doctor.

Mabilis akong humiga sa higaan, magkatabi lang kaming dalawa.

Habang sinisimulan na akong kuhaan ng dugo hindi ko maialis ang mga pagkatitig ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng loob ko sa kanya.







Ehdrey's Point of View

Kalahating oras na ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas si Zyren mula roon sa loob.

Nag aalala ako sa anak ko. Ayokong pati siya mawala sa akin.

Mula sa pagkakaupo ko naisipan kong tumayo at sumilip sa bintana ng isang kuwarto kung saan nandon ang anak ko at si Zyren.

Nang bigla nilang hawiin ang kurtina kaya nakita ko silang dalawa na parehong tulog at magkatabi pa.

Hindi ko na napigilang hindi mapaluha. Hindi ko maipagkakailang mag-ama nga silang dalawa. Pareho silang dalawa ng pusisyon kung matulog, magkahawig sila, at sa dugo palang patunay nang mag-ama sila.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko habang nakatitig sa kanila.

Hindi ko kasi maintindihan ang mararamdaman ko ngayon kung magiging masaya ba ako dahil pinagtagpo silang mag-ama o malulungkot dahil kahit pinagtagpo-tagpo kami ngayon, kahit kailan, hinding-hindi naman kami magiging isang buong pamilya dahil kasal si Zyren kay Sophia.




Sophia's Point of View

Napatingin lang kami kay Ehdrey ngayon habang nakatingin ito sa bintana kung saan nandon ang asawa ko at ang anak niya.

Nakita namin siyang nagpunas ng luha niya kaya nagkatinginan kaming lahat sa isa't-isa. "Anak ni Zyren ang batang 'yon," bunyag ni Darren na siyang kinagulo ng isip ko.

"A-Anong sinabi mo?" naguguluhan kong sambit. Gano'n din itong mga kaibigan namin.

"'Yon ang totoo. Kanina ko lang din sila nakita at aksidente ko lang silang nakitang mag-ina na nakatanaw sa bahay nila noon ni Zyren."

Bigla akong napayuko matapos 'yong sabihin ni Darren.

Totoo ba ang sinabi niya?

"Nung una, inakala kong sa akin 'yong batang 'yon dahil niyakap niya ako at tinawag niya pa akong Daddy, pero hindi, sabik lang 'yong bata na magkaroon ng ama. Halata palang sa pangalang Zyrey isinunod na ni Ehdrey ang pangalan niya sa kanilang dalawa ni Zyren. Lalo na 'yong dugo, pareho sila ng bloodtype. Nagpapatunay na mag-ama silang dalawa."

Kita kong napatango itong mga kaibigan namin habang unti-unti silang napapaniwala.

"Naikuwento sa akin ni Ehdrey kung paano siya naghirap mapagtagumpayan niya lang buhayin mag-isa ang anak nila ni Zyren. Hindi niya nagawang lumapit sa akin o sa inyo dahil sinisi niya talaga ng husto 'yong sarili niya sa maling pangyayari sa aming apat noon. At kagaya nung lumuhod siya sa harapan natin no'n, tinupad niya 'yon. Lumayo siya para lang mapatunayan sa ating lahat na nagsisi siya sa maling mga nagawa niya."

Hindi ko alam kung bakit parang may kung anong kumirot sa puso ko ngayon matapos ikuwento lahat ni Darren ang mga 'yon.

Nakatitig lang ako kay Ehdrey ngayon na umiiyak habang nananatiling nakatingin sa bintana kung saan nando'n sa loob si Zyren at ang anak nila.

Tila napaisip ako sa mga nalaman ko dahilan para lumabas akong mag-isa.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon