Kabanata 17

3.6K 136 3
                                    

Kabanata 17

Hindi ko nalang siya sinagot. Pero sa totoo lang gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya na bakit mo kasi ako kinalimutan?

"Puwede ba'ng magtanong?"

"Nagtatanong ka na ah!" pabalang kong sabi tapos nagsuplada ulit ako.

"Meron ka ba? Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin, miss Sophie?" Napailing siya habang natatawa.

"Hoy! Ano ba'ng sinasabi mo riyan, ha?" Sinimangutan ko siya.

"Sorry na, para nagtatanong lang naman kasi ako."

Bigla kong hinablot 'yong alak niya tapos ininom ko 'yon ng straight. Parang mas lalo na yata akong may tama ngayon. Napayuko ulit ako sa mesa. Ang pait! Masyado matapang 'yong alak niya.

"Bakit tinanggihan mo 'yong proposal ko? Hindi mo pa naman lahat nababasa 'di ba?"

Nilingon ko siya tapos hinawakan ko siya sa magkabila niyang kuwelyo. Hinigit ko siya ngayon papunta sa harapan ko kaya magkakatigan kaming dalawa. Nagtaka siya sa ginawa ko.

"Ikaw kasi!" sabi ko sa kanya.






Zyren's Point of View

Nagulat ako sa ginawa niya. "Ikaw kasi!" sabi niya sa akin habang magkatitigan kami mata sa mata. Lasing na yata siya. "Bakit ba kasi ganyan ka ha, Zy? Ang daya mo naman, e! Ang daya-daya mo!"

Binitiwan niya ang magkabila kong kuwelyo at pinisil naman niya ngayon ang magkabila kong pisnge. Naiinis yata siya sa akin pero hindi ko naman alam kung anong nagawa ko sa kanya.

"Araay! Miss Sophie, ano ba'ng nagawa ko sa 'yo, ha?" Pilit kong inaalis 'yong mga kamay niyang nakapisil sa magkabila kong pisnge.

"Nagmo-move on na ako, e. Bakit dumating ka pa? Bakit nagpakita ka pa?" Parang may pinanghuhugutan siya pero hindi ko alam kung bakit ako 'yong sinisisi niya.

"Araay! 'Wag mong idamay ang pisnge ko. Kahawig ko ba 'yong ex-boyfriend mo? Bakit ako 'yong sinisisi mo?"

Bigla niya akong binitiwan. Ang sakit no'n ah? Napahawak nalang ako sa magkabila kong pisnge ngayon.

"Oo, kahawig mo! Kahawig na kahawig mo kaya naiinis ako sa 'yo!" Sinigawan niya ako tapos tumungo ulit siya sa mesa tapos nagmamaktol siya.

"Kaya pala." Natawa ako pero napalakas yata ang tawa ko dahil bigla nalang niya akong hinampas sa likod ko kaya agad ko 'yon ininda. "Ginagawa mo ba sa ex-boyfriend mo 'yan? Kaya ka pala iniiwanan!"

Napahawak ulit ako sa likod ko. Ang sakit talaga ng pagkakahampas niya sa akin.

"He! Ewan ko sa 'yo!" Sinupladahan na naman niya ako.

Napailing nalang ako. Mga babae talaga. Tumungga nalang ulit ako ng alak pero hinablot niya 'yon. Ininom niya ulit 'yong alak ko kaya napatitig ako sa kanya.

Nang bigla siyang tumingin sa akin ng seryoso kaya nagkatitigan kaming dalawa.

"Alam mo..." Halatang may amats na siya pero ang seryoso talaga ng mukha niya. "Minahal kita." Hinampas niya naman ako ngayon sa dibdib ko kaya nagtaka ako. "Alam mo 'yong hindi mo ako naalala, ha? Sobrang sakit no'n!" Patuloy niya akong hinahampas pero ang kinagulat ko nang biglang tumulo 'yong mga luha niya sa harapan ko. Hindi ko maialis 'yong mga tingin ko sa kanya. "Tapos magpapakita ka ngayon sa akin, ha?"

Ako ba 'yong sinasabihan niya?

"Kinakalimutan na kita pero bakit nagpakita ka pa, ha?" Tinutuloy niya lang ang paghampas sa dibdib ko pero hinahayaan ko lang siya na gawin niya 'yon. Pero 'yong mga luha niya parang gusto ko 'yong punasan dahil parang may dumidikta sa akin na gawin ko 'yon pero hindi ko magawa.

Nakatitig pa rin ako sa kanya. "Nakakainis ka! Hindi mo ba talaga ako maalala, ha?" Mas bumuhos 'yong luha niya kaya napalihis na ako ng tingin.

Nang biglang may pumasok sa isipan ko. Napahawak ako sa ulo ko sabay pikit ko ng mariin.

"Z-Zy, okay ka lang?" pag-aalala niya bigla. Natigil siya sa paghampas sa akin.

Hindi ko siya sinagot dahil ang gulo-gulo ng isip ko ngayon. Napayuko na ako sa mesa habang nagpapakita na naman 'yong babae na nakatira sa isipan ko.

"Zy, sorry na! Zy?" Hinawakan niya ako sa balikat ko kaya muli akong napatitig sa kanya.

"N-Nangyari na ba 'to?" tanong ko sa kanya pero biglang tumulo 'yong luha niya. Hindi niya ako sinagot. Hinawakan ko siya sa kamay niya. "Please, tell me? Magkakilala na ba tayo dati, ha?"

Nagseryoso na ako ngayon pero iniwasan na naman niya ako ng tingin kaya binitiwan ko siya.

"Hindi kita kilala. Kahawig ka lang ng ex-boyfriend ko 'yon lang 'yon mister Do," sabi niya nang hindi nakatingin sa akin tapos uminom ulit siya ng alak.

"Kung gano'n, bakit Zy ang tawag mo sa akin? Mga kaibigan ko lang ang tumatawag sa akin no'n." Nilingon niya ako pero hindi na naman siya makasagot. "Isa pa, bakit sa tuwing nakikita kita bakit parang iisa lang 'yong nangyayari sa atin nung babaeng nakikita ko palagi sa isipan ko?" Kita kong nagtaka siya sa sinabi ko.

"B-Babae?" aniya.

"Oo, 'yong babaeng dahilan kung bakit laging sumasakit 'yong ulo ko. Hindi si Ehdrey 'yong nakikita ko, hindi 'yong asawa ko."

Napaisip siya bigla sa sinabi ko.

"K-Kung gano'n, gusto mo ba siyang makilala? Halika!"

Inalis niya iyong leather jacket ko na nakabalot sa kanya tapos bigla niya akong hinila papunta sa dance floor. Tapos sinakbit niya ang mga kamay niya sa batok ko. Nagtataka lang akong nakatitig sa kanya ngayon.

"May naalala ka ba'ng ganitong nangyari, ha?"

A-Anong ba'ng ginagawa niya?

"Zy, ano? Magsalita ka. May naalala ka ba'ng ganitong pangyayari, ha?" Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang pilit kong inaalala 'yong mga sinasabi niya pero napailing lang ako. "Kung gano'n, may isa pa akong paraan," aniya habang nakatitig sa akin ng seryoso.

Pero laking gulat ko nang bigla niya nalang akong halikan kaya natulala ako.

Hindi na ako nakapagsalita kundi naipikit ko nalang din ang mga mata ko at dinama ko ang mga halik niyang 'yon. Natagpuan ko nalang din ang sarili ko na tinutugunan ko na rin siya.

Nang biglang pumasok sa isipan ko na may hinalikan akong babae sa loob ng kotse kaya napakunot-noo ako pero ang labo.

Sino ba siya?

Inihinto na niya ang paghalik niya sa akin kaya magkatitigan kaming dalawa. Nakatitig ako sa labi niya. Bakit gano'n parang pakiramdam ko nahagkan ko na ang labi niya dati?

"M-May naalala ka na ba?" tanong niyang muli pero hindi ko siya sinagot, kundi, hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisnge at ako naman ngayon ang nagsimulang humalik sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit parang may nagdidikta sa aking gawin ko ito sa kanya. Dinama ko 'yon habang nakapikit dahil naramdaman ko ring gusto niya ang ginagawa ko sa kanya dahil tinugunan niya rin 'yon.






Cassie's Point of View

Nang balikan ko si ma'am Sophie kasama si Jake, nagulat nalang ako nang makita kong magkahalikan na ngayon sina sir Zyren at ma'am Sophie sa dance floor.

Nagkatinginan kami ngayon ni Jake. Hindi kami makapaniwala.

"Iwan na natin sila. Umalis nalang tayo rito," anyaya niya sabay hila sa akin papalabas. Pumapag-ibig si ma'am Sophie. Kinikilig ako sa kanila ni sir Zyren.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Where stories live. Discover now