Kabanata 37

3.7K 117 19
                                    

Kabanata 37


Ehdrey's Point of View

Niyakap ako ng mahigpit ni Jamie habang nakatingin naman sa amin si Ezikiel matapos kong ipaliwanag sa kanila ang lahat ng mga nangyayari sa amin nina Zyren at Darren.

Akala ko kamumunghian nila ako matapos kong magpaliwanag sa kanila pero nagkamali ako. Akala ko sila 'yong tipo ng mga kaibigan na lalayuan ako matapos ang nangyari sa amin pero hindi. Nagkamali ako ro'n, hindi sila gano'n. In fact, inintindi pa nila 'yong sitwasyon ko.

Pero sana dumating 'yong araw na magkaharap-harap kaming apat nina Sophia at mapatawad namin ang isa't-isa. Hindi ako magsasawang ipanalangin 'yon sa araw-araw lalo na at ako 'yong naging dahilan ng lahat kung bakit nangyayari ang mga 'to ngayon.

Nang magbitaw ang pagyakap namin sa isa't-isa minabuti naming bumalik na sa Emergency room baka sakaling gising na si Zyren.

Naabutan naming papunta na rin dito sina Ozu at Darren, samantala natatanaw naman namin sina Sophia at Crystal na nakaupo sa bench. Sabay-sabay kaming umupo at naghintay ng oras habang walang imikan. Pare-pareho kaming nagdarasal.

Kung magising man si Zyren, handa akong tanggapin kung ano 'yong magiging desisyon niya. Masakit o hindi, deserve ko ang masaktan dahil sa nagawa ko.

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Darren sa kamay ko kaya nagkatinginan kaming dalawa.

*****

Kinabukasan, sabay-sabay kaming napamulat ng mga mata nang marinig namin ang isang boses ng doctor kaya agad kaming napabangon.

"Sino po ang asawa ni mister Do?" tanong nito kaya agad akong tumaas ng kamay. Tapos nagkatinginan naman ang lahat sa isa't-isa, lalo na si Sophia sa dereksyon ko.

Napalunok ako. "A-Ako po," utal kong pagkakasabi tapos tumango sa akin ang doctor.

"Ligtas na po ang pasyente. Maaari n'yo na po siyang makita pero may mga kailangan lamang po kaming ilang ipaalala tungkol sa—"

"Doc!" Napatingin kaming lahat ngayon sa dereksyon ni Sophia nang bigla itong magsalita. Bahagya niya akong hinawi at siya ang humarap sa doctor na siya naming kinagulat.

"Sa tingin ko po, dapat sa akin n'yo nalang sabihin ang lahat ng mga kakailanganin ng pasyente dahil mas magagawa ko po ang priority bilang asawa ni Zyren kaysa sa sarili niyang asawa," mariin niyang sabi habang tinitigan niya ako ng masama.

Kaliwa't kanan ang tingin sa amin ngayon ng doctor dahil sa sinabi niya. Bahagya nalang akong napayuko at alam kong nagkatinginan naman silang lahat sa isa't-isa pero hindi ko na lang pinansin 'yon. Tumahimik nalang ako at hindi na ako umimik pa.

Sabay-sabay nalang kaming kinausap ng doctor at wala siyang pinaburan kahit isa sa amin ni Sophia.

Sinabi nitong mabuti raw na pumutok ang sugat ni Zyren sa ulo kaysa hindi. Pero pinaghahanda niya rin kami kung sakaling may iba pang posibleng mangyari sa kanya dahil nga wala siyang maalala tapos naulit muli 'yong pagkakabagok ng ulo niya.

Pero ang pinaka-importanteng sinabi niya ngayon ay ang ligtas na nga raw si Zyren kaya sabay-sabay kaming nakahinga ng maluwag.

May private room na siya ngayon kaya nagsipasukan kami rito. Nakatingin lang kami sa kanya at pinagmamasdan ang mukha niya. Nakabalot ng benda 'yong ulo niya at may ilang nakapasak sa kanya.

Nang bigla siyang hinalikan ni Sophia sa labi nito na siya naming kinagulat lahat. "Zy, please, gumising ka na," mahina nitong sabi nang yakapin naman niya ngayon si Zyren.

Nagkatinginan nalang kami ni Darren sabay lihis namin ng tingin. Alam naming awkward pero ito ang katotohanan. Sa tingin ko mahal na mahal talaga ni Sophia ang asawa ko. Hinolding hands naman ni Darren ang kamay ko at sa mga titig niya ngayon sa akin, alam kong binibigyan niya ako comfort. Ngumiti lang ako ng bahagya saka tumango. Nagyaya siyang lumabas muna kami kaya sumunod nalang ako.




Sophia's Point of View

Umupo na ako sa tabi ng hospital bed ni Zyren. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ko 'yon. Hindi ko maialis ang mga titig ko sa kanya ngayon.

Sana naman 'wag nang maulit 'yong dati na ang tagal-tagal bago siya magising. Ayoko nang maulit 'yon.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. Sana gumising na talaga siya. Hindi ako aalis ng Pilipinas hangga't hindi nagiging mabuti ang kalagayan niya.

Nandito lang ako, chocolate. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita. Promise, babantayan kita. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo.

Hinalikan ko ulit ang kamay niya hanggang sa isinandal ko na ang ulo ko sa dibdib niya at pinikit ko ang mga mata ko.






Crystal's Point of View

Nagkatinginan nalang kaming apat nina Ozu Kang, Ezikiel, at Jamie nang matulog si Sophia at isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ni Zyren. Kita namin 'yong pumatak na luha sa mga mata niya kaya naisipan naming iwanan muna sila ro'n.

Nandito na kami ngayon sa isang restaurant. Isinama namin sina Darren at Ehdrey habang nagkakainan kami ng breakfast. Papaorder nalang ako ng pagkain para kay Sophia.

Ngayon, tahimik lang ang lahat habang kumakain nang biglang naduduwal si Ehdrey sa harapan namin kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"I'm s-sorry," sabi niya sabay tayo at tumakbo ng mabilis papuntang cr kaya nagkatinginan kami ngayon sa isa't-isa. Tapos no'n tumayo na rin si Darren at sinundan niya si Ehdrey.

Isang malaking palaisipan sa amin ngayon 'yong pagsusuka ni Ehdrey ng ganito kaaga lalo na at kumakain pa. Hindi kaya nagdadalang tao siya? Alam namin ni Jamie 'yon dahil pareho kaming nagdanas ng gano'n.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon